CHAPTER 23: Old Apartment

37 2 0
                                    

Ishamar's POV

Mariin kong ipinikit ang aking mata pero kalauna'y iminulat iyon. Tumambad naman sa aking mukha ang sinag ng araw na pumapasok mula sa kurtina sa nakabukas kong bintana. Napahikab na lang ako at naupo pero agad kong nasapo ang aking ulo nang maramdamang para iyong nabibiyak.

D*mn. What happened?

Ah right, yesterday Sir Jakob invited me to celebrate for winning. Actually four days na ang nakalipas matapos ang dance competition pero ngayon lang siya nakapag-aya dahil ngayon lang gumaling ang inaalagaan niyang matanda. So we drank beer last night until we got wasted, I don't even remember how I managed to come back here.

Also, hindi nakasama si Bryce. Ang balita ko ay bumalik na siya sa pagpasok sa school at kinausap nito si Sir Jakob na hindi na siya sasali sa susunod na mga dance competition. Talagang sinunod niya ang gusto ng nanay niyang bangag.

Pinalipas ko na muna ang ilang minuto at nang medyo humupa na ang nararamdaman ko ay bumangon na ako't naglakad pababa ng hagdan. Napakatahimik pa rin ng buong bahay, wala pa rin si Heze.

It's been two weeks that I haven't seen him.

Dumiretso na lang ako sa kusina at uminom ng tubig. Wala akong gana kumain kaya napagdesisyunan ko na lang na maligo. Isinalampak ko ang aking katawan sa sofa habang walang tigil sa pagtulo ang tubig na nagmumula sa aking buhok.

I'm too lazy to go to school and attend my class. Well, since I won that competition my teachers and students started to reach me out to congratulate me, but I didn't replied to any of them. And speaking of text messages...

Nagawi ang aking paningin sa gilid ng sofa at nakita roon ang aking cellphone kaya naman pinulot ko iyon at in-open. I've received a lot of text message from Heze the day of competition, he even tried to call me but my phone was dead so I didn't managed to answered it. After that up until now, he didn't texted me nor gave me a call. Of course I tried to texted him, I explained why I didn't manage to replied and even called him but his phone was out of reach.

"F*ck! Now I'm full of debts for the sins I did to him," bulalas ko sa hangin at nasapo ang aking noo.

Will he punch me again?

Yeah, definitely.

Huminga na lang ako ng malalim at bumalik na sa aking kwarto para magpalit ng damit. Inayos ko na rin ang aking sarili at kinuha ang maliit na bag sabay bumaba ng hagdan para lumabas ng bahay. Dire-diretso lang akong naglalakad sa gilid ng kalsada hanggang sa makasakay ako ng jeep at nagpahatid patungo sa studio.

Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay sinalubong agad ako ng masiglang bati ni Teacher Chanty at walang sabi-sabing dinala sa isang kwarto kung saan naroon ang lima pang kabataan na gaya ko ay estudyante niya. Ipinakilala ako nito sa kanila at matapos iyon, nagsimula na kami.

Naninibago ako sa paligid, hindi lang iyon kundi pati na rin sa mga kasama ko. They kept on bugging me, asking my background on dancing and pushing me to dance in front just to entertain them.

Such a bunch of monkeys.

Nagkakamot ako ng batok na pumasok sa comfort room pero pagkapasok ko pa lang ay agad akong natigilan nang makita ang pamilyar na lalaki na nasa loob. Mabilis naman itong napasinghap at inayos agad ang kaniyang pants, sinalubong niya rin ako ng matalim na tingin.

It was Bryce.

Akmang hahakbang na ako pero—

"Stay right there! Don't even move!" malakas nitong sigaw na bakas ang pagkataranta kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy sa paghakbang.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon