Third Person's POV
"At exactly 3:30 AM, a condo unit was found with six unrecognizable dead bodies all over the place."
Madilim ang buong kwarto at tanging ang ilaw lamang sa tv ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nagkalat ang mga lata at bote ng alak sa sahig, gayundin ang mga supot ng mga chichirya at mga damit. Bukod pa rito ay may ilang plastic din na naglalaman ng puting pulbo na ang ilan ay hindi pa nagalaw.
"Heze! Ughng!"
Mahigpit na sinabunutan ng babae ang buhok ng lalaking kinapapaibabawan niya habang gumigiling ang katawan nito. Umalingawngaw ang walang tigil na pag-ungol ng babae kasabay ng tunog ng telebisyon, at pag-iisang katawan ng dalawa habang nakaupo sa mahabang sofa.
"The bodies found has full of cuts in their flesh but the police didn't find any trace of blood anywhere. We can say that those six people were killed brutally... but in silence."
Sinulyapan ng lalaki ang tv at pinagmasdan ang mga maseselang larawan ng mga bangkay sa balita. Lumitaw naman ang ngisi sa labi nito at mariing kinagat ang nipple ng babae na ikinasinghap naman nito.
"Unfortunately, the CCTV cameras of the building isn't working and the culprit manage to avoid all nearby CCTV cameras outside. This person didn't even talked to it's neighborhood, making the investigation difficult."
Lumakas pa ang pag-ungol ng babae habang mabilis itong gumagalaw hanggang sa kalauna'y nanlupaypay ang kaniyang katawan nang labasan ito. Naghahabol ito ng hininga at nginitian ang lalaki.
"That was nice, Heze," ani ng babae at hinalikan ang labi ng lalaking tinatawag niyang Heze.
Hinawakan naman ng lalaki ang buhok nito at... biglang iniuntog ang ulo ng babae sa pader. Sa sobrang lakas ng impact ay nag-crack ang pader at nawalan ng malay ang babae kasabay ng pagtulo ng dugo sa ulo nito. Tumayo naman ang lalaki at pinagmasdan ang walang malay na katawan sa kaniyang paanan.
"Another case like this happen this past few months. In this situation... it seems like a new serial killer was born."
Kinuha ni Heze ang kaniyang coat na nasa sahig at inilabas ang isang bote na naglalaman ng puting likido. Pinulot naman nito ang syringe na nasa ibabaw ng mesa at isinalin sa syringe ang likido. Matapos iyon ay agad niyang itinusok ang karayom sa katawan ng babae. Agad namang namuti ang mata ng babae at kalauna'y nangisay.
Habang nagpapalipas ng oras ay nagsuot na ng damit ang lalaki at inayos ang kaniyang sarili. Bukod doon ay binuksan nito ang kaniyang suitcase at nagsuot ng gloves. Pinunasan naman nito ang kaniyang scalpel at nang makapaghanda na... ay sinimulan nitong hiwa-hiwain ang balat ng babae.
Panay ang pagpitik ng katawan ng babae sa bawat pagdausdos ng kutsilyo sa kaniyang nahihiwang balat. Ramdam nito ang matinding kirot. Gising na gising ang kaniyang diwa ngunit hindi nito maigalaw nang naaayon sa kaniyang kagustuhan ang kaniyang katawan. Ang mga ito ay dulot ng gamot na itinurok sa kaniya, pero bukod pa roon, isa sa resulta ng gamot ay ang pagtigil nito sa paglabas ng dugo sa bawat paghiwa, kaya naman hindi tumataksik at nagkakalat ang dugo sa paligid.
Nag-iwan ang lalaki ng maliit na marka sa dila ng babae at matapos iyon ay tumayo na. Nagtungo ito sa banyo at hinugasan ang kaniyang scalpel. Inalis na rin nito ang suot niyang mask at gloves sabay itinago sa isang supot. Pagkalabas ay muling napatingin ang lalaki sa telebisyon.
"So to all our citizens out there... please be careful."
Pinatay na nito ang telebisyon at kinuha ang kaniyang gamit, matapos iyon ay naglakad na ito palabas ng condo. Iniwan ang katawan ng babae na nakahilata sa sofa... na para bang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...