Ishamar's POV
"Yo, Rod, long time no see," bati ko at nginitian siya pero pinanlilisikan lang ako nito ng tingin kaya naman napangiwi na lang ako. "Look, I don't know where my father is. Bigla niya na lang akong iniwan at-"
"No one will believe you," agaran nitong sagot at inalog-alog ang aking katawan. "Alam mo ba kung gaano katagal ko kayong hinanap? Ang tatay mong g*go, alam ba niya kung gaano ako nabaon sa utang dahil sa panggag*go niya sa akin?"
Panay ang pang-aalog niya sa akin at nang mahinto iyon ay nagkibit-balikat lang ako sabay sabing, "he wouldn't care. After all, you gave all of those wholeheartedly."
Inis naman itong natawa. "You f*cking b*stard, you're really his son," singhal nito. "Pero tutal ay ikaw lang ang nandito, tuturuan kita ng leksyon."
Nagsimula akong mataranta nang hilain niya ako pabalik sa loob ng police station at sinabihan nito ang mga kasamahan niyang ikukulong ako. Nagtanong sila kung bakit pero wala siyang masabi na rason at inagaw lang ang susi. Akmang ipapasok niya na ako sa kulungan pero may kamay na pumigil sa kaniya, dahilan upang mapatingin kami roon.
Now it was Heze.
Nabuhayan ako ng loob nang makita ito pero kalauna'y nawala ang pag-asa ko nang may mapagtanto.
Kapag sinabi ni Roderic ang trabaho namin ni tanda... pwede niyang malaman na nagpapanggap lang ako para kunin lahat ng pera niya.
Hindi ko hahayaang nangyari iyon!
Wala pa akong nakukuha ni piso!
"What do you think you're doing detaining a witness?" hayag ni Heze sa seryosong boses habang diretsong nakatingin kay Roderic. Now he's acting like my real uncle.
Nangunot naman ang noo ng pulis sa narinig at tinignan ako pero hindi ako umimik. "Witness?" usal niya at natawa. "At, sino ka ba para makialam sa trabaho ng mga pulis?"
Hindi naman agad na umimik si Heze at nakatingin lang kay Roderic. I can feel that he doesn't want what he have heard.
Huminga ako ng malalim. There's no way, I need to do this sh*t.
"Help me! He's a molester! He wants to detain me then later on he wants me to pay him using my body!" malakas kong sigaw dahilan upang mapatingin ang lahat sa aming direksyon.
Nagpatuloy ako sa pagsisisigaw ng mga katagang iyon hanggang sa takpan ni Roderic ang aking bibig at malutong na napamura.
"F*cking sh*t! You're really pain in the ass!" asik nito sa akin pero patuloy pa rin ako sa impit kong pagsigaw.
I'd rather make myself look like a fool than to lose the money I've been working. Ngayon pang nalaman kong mas marami pa ang pera ni Heze sa inaasahan ko.
Hindi nagtagal ay umalingawngaw sa bawat sulok ng police station ang sigaw ng Chief kaya agad akong binitawan ni Roderic at sumaludo. Dumating naman ang Chief na nanlilisik ang matang nakatingin dito.
"Go to my office now and we'll talk," hayag nito na halatang nagpipigil ng galit.
"But sir-"
"Go!"
Hindi na muling nakaimik si Roderic at naglakad na ito paalis na halatang napilitan lang. Buti nga sa kaniya.
Napatingin naman ako sa harapan nang maramdaman ang makapal na kamay na humawak sa aking kamay. "Pagpasensyahan mo na pala kung ano man ang sinabi o ginawa ng pulis na iyon. Ako na ang humihingi ng permiso at pang-unawa dahil bagong lipat pa lang siya rito at hindi rin maganda ang trabaho niya sa huling station na pinagtrabahuhan niya," lintanya nito at sunod naman nitong nilapitan si Heze.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...