WARNING!
This Chapter contains mature scenes that may be disturbing and not suitable to some readers.
Reader discretion is advised.
|•••|
Ishamar's POV
Naninigarilyo lang ako habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas kaya naman tumayo na ako. Paniguradong si Heze na iyon. Naglakad ako patungo sa gate at binuksan iyon para salubungin siya.
"Ginabi ka na," sambit ko pero dinaanan lang ako nito. Seryoso ang mukha nito at may sugat din ang gilid ng kaniyang labi.
"Ishamar, lock the gate and follow me," anas nito sa seryosong boses na tinanguan ko lang habang dumiretso naman siya papasok. Mukhang hindi maganda ang mood niya.
Matapos kong mailock ang gate ay sinundan ko na siya at nadatnan itong nasa sala. Hinihilot nito ang kaniyang sentido na para bang nakapatong sa balikat niya lahat ng problema sa mundo.
"Do you want to eat? I cooked a curry. I'll just reheat it," hayag ko na ikinatigil ni Heze at tinignan ako nito ng nakakunot ang kaniyang noo.
"I thought you only know how to cook eggs?"
Napakamot na lang ako sa aking batok. Pumayag naman ito since kanina pa siya walang gana kumain kaya maghapon siyang walang kain. Inilapag ko sa mesa ang plato nito at nang maihanda na ang lahat ay naupo ako sa katabi niyang silya, samantalang sinimulan niya namang sumubo ng pagkain. Naghihintay lang ako sa kung ano ang komento niya sa luto ko.
"This is a Japanese style curry, a food that I only ate cooked by Umiko," anito at tinignan ako. "You didn't cooked this by yourself, aren't you?"
"I cooked that!" singhal ko naman at humalukipkip. "Habang naggo-grocery at nakita ko si Umiko at hinahanap ka niya..." Natigilan naman ako at napangiwi nang may mapagtanto. "Uh, Heze... ano kasi..."
F*ck! Nakalimutan kong matindi ang galit ni Heze kapag may pumapasok sa bahay niya ng walang permiso, at hinayaan ko lang na pumasok si Umiko kanina. Ugh, hell! Tapos bad mood pa siya. Hindi pa gumagaling ang mukha ko pero mukhang madaragdagan na naman.
"What? Speak clearly. I can't understand you," sambit ni Heze kaya huminga ako ng malalim. But I'd rather get punched than to lie again, I might end up...
"Ano... I invited Umiko here," pag-aamin ko at mariing napalunok sa aking laway. "Akala ko mabilis lang ang meeting mo kaya isinuhesyon ko sa kaniya na hintayin ka na lang dito. Habang naghihintay ay tinuruan niya naman akong magluto kaya naman-"
Natigil ako sa pagsasalita nang makitang diretsong nakatingin sa akin si Heze. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga tinging iyon.
"Your curry was overcooked," hayag nito na ikinataas ng aking kilay. Teka... 'yun lang ang sasabihin niya?
"Hindi ka galit?" tanong ko pero nagpatuloy lang ito sa pagsubo niya sa pagkain. Mukha namang hindi niya pinoproblema ang pagiging overcooked ng pagkain.
"I'm not. Not for you," sagot naman nito kaya nakahinga ako ng maluwag. "I'm letting Umiko enter this place for some time before since she was good in cooking and I like the japanese foods she serve to me."
Mabuti naman...
"Is that means I won't get any punishment?"
"No, you'll still receive a punishment for not contacting me before letting her enter my place."
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...