CHAPTER 22: Comfort and Pleasure

46 1 0
                                    

WARNING!

This Chapter contains mature scenes that may be disturbing and not suitable to some readers.

Reader discretion is advised.

|•••|

Ishamar's POV

Sinalinan ko ng wine ang aking baso. I just found this at the cabinet. Ipapaalam ko pa sana kay Heze pero pagkalabas ko ng phone ko ay deadbat na kaya hindi na ako nag-abala kahit na icharge iyon.

Pinulot ko naman ang aking baso at sinulyapan si Bryce sa gilid. Sinisinok ito habang nakayuko. He's already drunk.

Well, ilang oras na kaming nag-iinom. Nakwento niya sa akin ang dahilan kung bakit ganu'n na lang umasta ang kaniyang ina. Base sa kaniya ay dancer ang kaniyang tatay. Wala itong ibang ginawa kundi sumayaw. Ang perang ginagamit nilang panustos ay ang mga perang napapanalunan nito sa mga contest, at pati na rin sa pag-partime nito bilang dance instructor. Pero sa larangan ng trabahong iyon, kulang ang perang nakukuha nito para mabuhay at mapag-aral si Bryce at ang kaniyang ate.

Hanggang nga sa nasagasaan ang kaniyang tatay at namatay. Simula nu'n ay ayaw nang nakakikita ng mga kabataang nagsasayaw ang kaniyang ina, at ang malala ay hilig pa 'yun ng sarili niyang anak, si Bryce. Iyon ang pangunahing rason kung bakit ngayon lang sumali sa dance competition si Bryce, at ang pag-enroll niya sa dance lesson... nagawa niya lang iyon dahil sa ipon niya at perang nakukuha niya sa scholarship since hindi iyon pinakikialaman ng kaniyang ina.

"Let's call it a day," usal ko at tumayo na. Iniligpit ko na ang mga kalat namin at itinambak muna sa lababo ang mga nagamit namin. Sunod ko namang inalalayan si Bryce pero pagkatingin ko sa hagdan ay tumalikod agad ako't inihiga na lang ito sa sofa.

There's no way I could bring him in my room. I guess he'll be fine here.

Ibinaba ko na lang ang aking kumot at kinumutan ito. Inalis ko na muna ang kaniyang salamin sa mata't inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. Payapa na siyang natutulog. I've never seen him as peaceful like this. I guess it'll be better if he'll stay asleep forever.

Tinapik ko ang kaniyang balikat at akmang aalis na pero mabilis na humawak ito sa aking damit. Muli ko naman siyang nilingon at napansin ang unti-unting pagmulat ng kaniyang mata.

"Can you stay?" mahina nitong sambit at tinignan ako. "Please?"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at napilitang maupo sa sahig. "Should I keep your trophy?" mahina kong sambit habang nakatingin sa ibabaw ng mesa kung nasaan ang mga trophy. Pinakatitigan ko ang sirang trophy ni Bryce pero mabilis din akong nag-iwas ng tingin. "Forget it. I can't keep it. I'll just ask Sir Jakob to keep and fix it, if he can."

"It's fine. I don't need it at all," sagot ni Bryce kaya naman nilingon ko siya at kinunotan ng noo. "I enjoyed dancing with you. That's all matters."

He said those words in a calm voice but he didn't manage to stop his tears. Imbes na sermonan siya at hindi na ako umimik at isinandal na lang ang aking likuran sa sofa na kinalalagyan ni Bryce sabay ipinikit ang aking mata.

"Anyways, why did you try to protect me?"

"I don't know. I just got mad when I saw your trophy got broke."

Nabalot naman ng katahimikan ang paligid. Naramdaman ko na umangat ang katawan ni Bryce, probably para umayos sa kaniyang pagkakahiga, pero kalauna'y mabilis na nagmulat ang aking mata nang maramdaman ang kung ano sa aking labi... only to find out it was Bryce kissing me.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon