CHAPTER 16: New Friend?

46 2 0
                                    

Ishamar's POV

Inis na lang akong napasinghap nang makita ang gate sa aking harapan. Tinalikuran ko na muna iyon at hinarap si Heze na nasa loob ng sasakyan na nakangiti. Well, ipinagpilitan niyang pumasok na ako sa school. Binilhan niya ako ng mga school supplies ko at ngayon ay hinatid pa ako rito.

"Why do you look so annoyed?" painosenteng tanong ni Heze na mas lalo ko lang na ikinainis.

Who wouldn't get annoyed when they parked the car in the middle of driveway, dahilan para maagaw ang atensyon ng mga estudyante at mapatingin sa aming direksyon tapos itinulak pa ako ni Heze palabas. This d*mn man!

"I'll punish you when I came back," gigil kong sambit na tinawanan nito at nangalumbaba.

"That's scary," pambibiro pa niya kaya tinalikuran ko na siya at inayos na sa pagkakasukbit ang aking bag. Unang hakbang ko pa lang ay narinig ko na ulit ang pagtatawag nito sa pangalan ko kaya naman muli ko siyang hinarap. "Where's my goodbye kiss?" aniya kaya nilapitan ko na ito at akmang susuntukin pero mabilis na sumarado ang bintana kaya napasigaw na lang ako sa sakit.

"It's just a simple kiss. Just give it already," nakanguso nitong sambit sa loob nang makababa na ang bintana.

"I'm not a kid!"

"But this was the first time I brought a family member in his school. Why can't you just give me what I want?" Yumuko ito at mukhang may kinuha hanggang sa ngumiti ito't ipinakita sa akin ang sandamakmak na kulay asul na papel na pera. "I'll give you all of this if—"

Mas mabilis pa sa kisap ng mata kong ipinasok ang aking ulo sa bintana. Ang kanan kong kamay ay humawak sa bintana para pigilan iyon kung sakali mang sumarado ulit, habang ang kabila ay humawak sa batok ni Heze, para hilain siya't hinalikan ang kaniyang labi. Nagtagal lamang iyon ng ilang segundo at matapos ay lumayo na ako sabay inagaw ang pera sa kaniyang kamay.

Napakurap-kurap naman si Heze at napahawak sa kaniyang labi. "I didn't say you should kiss me in lips. Cheeks will do," aniya kaya naman natigilan ako hanggang sa mapasinghap. Ramdam ko na tumataas ang dugo ko at nag-init ang buo kong mukha na para bang gusto nang sumabog ng ulo ko, samantalang humagalpak naman sa tawa si Heze. "Here's your prize for embarrassing yourself." May iniabot ulit siyang pera na kinuha ko na.

Nagpaalam na ito pero hindi ko na siya inimikan at naglakad na papasok sa loob ng school habang sapo-sapo ang aking noo. I don't know what should I feel. I mean, of course I'm embarrassed and pissed! But... there's something deep inside of me that gives me a satisfaction feeling. After all, this was the first time someone sent me in school and more importantly... gave me a bunch of money.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aking direksyon pero hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa guidance office para kausapin ang adviser ko patungkol sa dahilan ko kung bakit absend ako ng ilang linggo. Well, hindi ko na pinapasok pa si Heze dahil agaw pansin lang siya dahil sa wheelchair niya at lalo na sa hitsura niya. Ayoko namang may bumulabog sa akin dahil lang sa kaniya.

Matapos ko roon ay dumiretso na ako sa classroom namin. Mabilis na natigil sa kanilang ginagawa ang lahat nang makita ako pero dire-diretso lang akong naglakad, hanggang sa marating ang dati kong upuan.

Now what?

Bumuntong-hininga ako at isinubsob ang aking katawan sa ibabaw ng mesa. Normally papasok lang ako para matulog, pero kumpleto ang tulog ko kaya hindi ako inaantok. Minsan din ay kumakain lang ako during discussion, pero pinakain naman ako ng marami ni Heze sa bahay.

What should I do?

Pagpasok ng guro ay tumayo kaming lahat at binati siya. Pagkaupo naman ay agad na nagsimula ang discussion kaya inilabas ko ang aking notebook at pen. Pagkabukas ko pa lang ng gamit ko ay napansin kong nakatingin na naman sa akin ang lahat kaya kinunotan ko sila ng noo.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon