WARNING!
This Chapter contains physical violence, mental abuse, and mature scenes that may be disturbing and not suitable to some readers.
Reader discretion is advised.
|•••|
Ishamar's POV
It was so dark.
I can feel the cold hands dragging me deeper from this darkness. I can also feel my body shivering. The deeper those hands drag me... the colder it gets.
Just when will this thing stop? I've been stuck to this nightmare for the long time.
Can someone save me from this?
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na may mainit na kamay na humaplos sa aking pisngi kaya nagmulat ang aking mata at hinanap iyon pero wala akong ibang makita kundi purong kadiliman. Mula naman sa 'di kalayuan ay may naririnig akong boses pero hindi malinaw kung ano ang sinasabi nito.
"...amar."
That familiar voice calling out my name.
Paunti-unti ay tila ba palapit ng palapit ang boses kaya malinaw ko nang naririnig kung ano ang sinasabi nito.
"It's time to wake up, Ishamar."
It was definitely Heze's voice.
Unti-unti kong naramdaman ang aking katawan pero nang una ay tanging ang daliri lang ang naigalaw ko. Pinilit ko naman ang aking katawan hanggang sa unti-unting nagmulat ang aking mata. Agad na bumungad sa aking paningin ang malabo ngunit pamilyar na kulay ng kisame, maging ang amoy ng paligid, nasa kwarto ako. Sa kwarto sa bahay ni Heze.
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Hahawakan ko sana ang aking ulo pero hindi ko maigalaw ang kanan kong kamay, dahilan upang mapatingin ako roon. Balot na balot ito ng puting bandage at tanging ang daliri ko lang ang maigalaw ko. Iniangat ko naman ang kaliwa kong kamay pero napansin ko ang dalawang manipis na tubong nakasalpak sa likuran ng aking siko.
"Have you slept well?"
Napatingin ako sa gilid ng aking kama at nakita si Heze na nakaupo sa isang silya. Mabagal akong tumango at napangiwi nang muling kumirot ang aking ulo kaya napahawak ako roon, pero napagtanto ko na may nakapulupot din doon.
"W-what happened?" mahina kong bulalas. Nanunuyo ang aking lalamunan at hinang-hina ang aking katawan sa 'di matukoy na dahilan.
"Nothing in particular," tipid niyang sagot at tumayo ito sabay naupo sa gilid ng aking kama. Inabot niya ang aking kamay na nakahawak sa aking ulo at hinawakan niya iyon. "If you're in pain just tell me, okay?"
Hindi naman ako nakaimik at napatingin lang sa kamay nito na nakahawak sa aking kamay. Pinaglaruan ko ang kaniyang daliri hanggang sa ipagsiklop ko ang aming daliri.
"I feel like I've fallen into a deep sleep and nightmares keeps on chasing me," bulalas ko at tinignan si Heze na diretso sa kaniyang mata. "But I find this warm hand touching my face and your voice. That made those hands to stop dragging me down and woke up."
"Hmm? Are you saying that I ain't just your guardian but I'm also your guardian angel?"
"That's cringe."
Natigilan kaming dalawa hanggang sa sabay kaming nagtawanan. Naputol naman iyon nang may pumasok na babaeng nurse at may dala itong pagkain. Nagpresinta naman si Heze na pakainin ako kaya inalalayan ako nitong maupo at sinubuan.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...