Ishamar's POV
That woman... this can't be.
Mula sa aming harapan ay nakatayo ang isang malaking painting. Yeah, just a painting. But... it's a painting of Mona Lisa with a different style. This was fake, obviously, since Mona Lisa... was naked.
"I know she's still here," bulalas ng babae sa aking harapan kaya naman bumalik sa kaniya ang aking paningin pero nagsimula nitong hinalughog ang paligid. Binuksan ang mga cabinet at inalis ang mga kahon.
This troublesome woman.
"Hey, ano bang hinahanap mo?" singhal ko at inawat siya kaya naman hinarap ako nito.
"That woman named Peggy, obviously. Where is she? You know where she is, right? Just say it and we'll reveal all the dark side of that—"
"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo," saad ko at nasapo ang aking noo. "Alam mo, mas mabuti pa kung pag-uusapan natin ng mahinahon 'to sa labas kasama ang mga pulis." Hinawakan ko ang braso nito at sinimulan siyang kinaladkad palabas habang nagpupumiglas naman ito.
"I said let me go!" asik nito pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya, hindi alintana kahit na masaktan pa siya.
"Heze, anong gagawin ko sa kaniya?" tanong ko at iniharap ang babae kay Heze. Sa isang iglap lang ay mabilis na natahimik ang babae at hindi kumilos mula sa kaniyang kinatatayuan pero pinanlilisikan nito ng tingin si Heze. Samantalang sa kabilang dako ay kalmado lang ang ekspresyon ni Heze, hindi alintana ang mga nangyayari.
"First, let her go," sagot ni Heze na agad ko namang ginawa. "Then go to the kitchen and prepare a coffee for everyone."
Pinagmasdan ko lang ang paligid at kalauna'y tumango sabay naglakad patungo sa kusina samantalang tumungo naman silang apat sa sala at naupo roon. Hiningi ng mga pulis ang kwento ni Heze patungkol kay Peggy, at gayundin sa kung ano ang mga nasaksihan ng babae.
Matapos kong makapagtimpla ay dinala ko na ang mga kape sa sala. Inilapag ko ang mga tasa na may lamang mainit na kape sa ibabaw ng mesa. Nakaupo paikot sina Heze, ang dalawang pulis, at ang babaeng may eye patch. Kung tama ang pagkakarinig ko ay Neriah ang pagpapakilala niya sa mga pulis. Nakatira ito sa kabilang bahay at mag-isa lang siya roon. Inamin din nito na siya ang tumawag sa mga pulis at nakakita kay Peggy, ang florist na nawawala, na pumasok sa bahay na'to.
"I saw her outside around five in the afternoon and that guy opened the gate for her. After that, I haven't saw Peggy left the place. I'm sure she's still here. Somewhere on this creepy place. So I suggest you to check all the rooms. Something bad might happen to her," lintana ni Neriah pero walang kaimik-imik ang mga pulis na hinihipan ang kanilang kape at sumimsim roon.
They're not paying attention to what she's saying.
"I already told you that I send her off around midnight," sagot ni Heze na sininghapan ng babae.
"Uh, excuse me, bakit ganoong oras mo na siya pinauwi?" taka namang tanong ng isang pulis.
"Oh. She kept on clinging onto me. As you can see, I can't walk due to my injury so I can't do anything but to give what she desire."
Nag-iwas na lang ako ng tingin habang umiinom din sa aking kape. How can he casually say those things in front of a police officer? And also a woman younger than him? He doesn't looks like he has embarrassment existing in his veins.
"That's a lie," pambabara ni Neriah at hinampas ang mesa. "I know she's still here," pagpipilit nito kaya naman tumikhim na ako.
"Nagising ako bandang hating gabi pero wala akong nakitang ibang tao bukod kay Heze. Matapos iyon ay gising na ako buong magdamag habang binabantayan si Heze sa pagtulog niya at hindi nakita ni anino ni Peggy," pagkukwento ko at binigyan ako ng tingin ng babae na para bang sinasabihan akong manahimik.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...