CHAPTER 5: Close To Each Other

71 3 0
                                    

Ishamar's POV

Mariin kong ipinikit ang aking mata at kalauna'y iminulat iyon. Tumambad naman sa aking harapan ang mataas na kisame. Itinulak ko ang aking katawan paupo pero agaran akong napangiwi't napahawak sa aking mukha.

It hurts like hell!

What the f*ck happen?

Oh... right. I was punched by Heze.

Natigilan naman ako nang may mapagtanto. Kinapkapan ko agad ang aking katawan. Mukhang buhay pa naman ako. Pero, ang pagkakaalala ko ay nawalan ako ng malay sa hagdan. Kaya naman...

"Glad you're awake."

Napatingin ako sa pintuan at nakita si Heze na pumasok. Nakasakay pa rin ito sa kaniyang wheelchair. Nangunot naman ang aking noo. Wait... this is my room. I'm pretty sure about that but... why is he here? I mean, how did he climbed the staircase?

Dahil sa dami ng katanungan sa isip ko ay hindi ako nakaimik. Idagdag pa na masakit pa ang buo kong mukha.

Natigilan naman ako nang maramdaman ang kamay sa aking pisngi. Maingat na ipinaharap ni Heze ang aking mukha sa kaniya kaya naman tinignan ko na ito. Nasa tabi na pala siya ng kama ko. I wasn't even paying attention.

"Your face is swollen," anito sa inosenteng boses at kinuha ang ice bag na dala niya. Idinampi niya iyon sa aking pisngi na akin namang ikinangiwi.

"A-ako na," hayag ko at inagaw mula sa kaniya ang ice bag. "Nga pala, pa'no ka nakarating dito?" tanong ko nang maisaayos na ang isip ko. He'll definitely answer all my questions so no need to get confuse.

"I made a way," tangi niyang sagot na ikinakunot lang ng aking noo. Made his way? He flew? "Anyways, I brought you a cake. You haven't ate for the whole day and this was the only food left in the ref."

Napatingin naman ako sa hita nito at nakita ang tray na may laman ng plato ng cake. Nagpresinta ako na kunin iyon pero ayaw nitong ibigay sa akin at sinubuan ako, kaya naman wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang iyon at nginuya.

This feels weird. He was the one who beat me up like this yet he's also the one taking care of me. No. It wasn't his fault at all.

It was my own punishment.

Also, eating a sweet chocolate cake with a swollen face feels nice.

"Nga pala." Nilunok ko na muna ang pagkain sa aking bibig bago nagpatuloy sa pagsasalita, "pa'no ako nakarating dito sa kwarto ko? The last thing I remember ay nawalan ako ng malay sa hagdan."

"What are you talking about? You brought yourself here," tanging sagot ni Heze kaya naman naningkit ang aking mata at napakamot sa aking batok. Hindi ko talaga maalala na nakarating ako sa kwarto bago nawalan ng malay.

"That sounds impossible," mahina kong bulong at tinignan si Heze. Tahimik lang itong humiwa sa cake at sinubuan akong muli, suot ang kaniyang normal na ngiti.

But I'm alone with this guy in this place. It was way more impossible if he'll be the one who carried me here. He can't even walk by himself.

Mukha ngang nakarating ako rito ng hindi ko namamalayan.

"Were you afraid of me now?"

Bumalik ang aking paningin kay Heze dahil sa sinabi nito. "Bakit naman?" taka kong tanong na ikinabuntong-hininga nito.

"Because I punched you and you've got that swollen face. Also, you've been asleep for almost 8 hours," anito. I don't know if it was sincerity of him being sorry of what he did, or he just don't want me to hate him for what he did. Although, saying these kinds of things... guess like I understand him.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon