Ishamar's POV
F*cking sh*t!
Wherever I go, whenever I think of other possibilities... why does it always leads me to Hezekiah?
"Heze!" malakas kong sigaw nang makabalik na sa bahay nito. Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid pero wala siya rito kaya umakyat agad ako sa second floor. Pagkarating sa tapat ng pinto ng kaniyang kwarto ay agad ko iyong sinipa dahilan para bumukas ito.
Mula naman sa loob ay nadatnan ko ito. Akmang lalapitan ko na siya pero natigilan ako nang makita ang isang babae na nakahiga sa kama. Wala itong saplot at nakauwang ang kaniyang hita sa harapan ni Heze.
"Ishamar," sambit ni Heze at bumuntong-hininga ito. "What's with that expression? Are you planning to argue with me again?" anito sa kalmadong boses kaya naman bumalik lang ang pagkainis ko't nilapitan siya.
"We need to talk. Nang tayong dalawa lang," madiin kong sagot na tinanguan niya.
"Just let me finish this."
Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa ginagawa niya at nakitang nilalagyan niya ng tattoo ang ari ng babae na ikinangiwi ko. Wait, what the f*ck is this?! To all places why does it need to be there?
"Don't stare too much. You can't f*ck her," hayag ni Heze na sininghapan ko't nag-iwas na ng tingin.
"Bilisan mo na lang diyan at kailangan na nating mag-usap. Importante 'to," saad ko at naglakad na paalis ng kaniyang kwarto. Tumungo naman ako sa aking kwarto at doon naghintay.
Naghahalo-halo na ang iniisip ko kaya naman inis ko na lang na ginulo ang aking buhok. I'm getting crazy. I don't know what will happen to me if I stay longer here.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita roon si Heze. Pumasok naman ito at tumungo sa aking harapan. "So? What is it that you want to talk about? I bet it's about the investigation of Peggy," aniya't humalukipkip mula sa kaniyang kinauupuan.
Huminga naman ako ng malalim at pinanlisikan siya ng tingin. "You have a painting wherein there's a woman in the water surrounded by waterlilies, aren't you?" mabilis kong tanong sa kaniya na hindi niya agad na sinagot. "I saw it in your art room at the third floor."
"Yeah, I have one," pag-aamin naman nito. "I just made it recently. I called it—"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at inilabas ang larawan sa aking bulsa sabay iniabot sa kaniya na tinanggap niya naman at tinignan. "Why does it perfectly looks like that? That's a photo of Peggy who found dead in their pool," diretsahan kong wika na hindi niya agad inimikan at tinignan lang iyon. Itinagilid niya pa ang kaniyang mukha at napatingin sa akin.
"Are you accusing me again?"
Hindi naman ako agad nakaimik sa sinabi nito. Right. Dahil lang sa kaso ni Peggy ay ilang beses ko na siyang inakusahan, but... what can I do if the proofs keeps on getting on my way? It was like begging to me to look at them, and making me think that its Heze's doing all along.
Huminga ako ng malalim at tinignan ng diretso si Heze. I can feel my stomach turning upside down when I meet those sharp glares of him, but I need to do this for the sake of the truth.
"Do you remember what you told me after you woke up from accident?" hayag ko at ikinuyom ang aking kamao sabay matalim siyang tinignan. "You said you fear liars but... don't you think you should start to fear yourself?"
Nanlaki ang mata nito, tanda ng pagkagulat... no, it was more like... he's happily surprised to what I said until he laugh.
"You really love to piss me off, aren't you?" anito sa mariing boses kaya mariin akong napalunok sa aking laway.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mistero / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...