Ishamar's POV
Madilim na ang paligid pero kalalabas pa lang namin ng school. Napahawak ako sa aking batok at ngumiwi.
"Ang sakit ng katawan ko!" pasigaw kong reklamo. Tumalon-talon ako't kung ano-ano ang ginawa para lang maibsan kahit kaunti ang sakit ng aking katawan. We just started our practice. Since medyo matagal na rin akong hindi pumasok at hindi sumali sa dance contest ay halos baliin ni Sir Jakob ang mga buto ko dahil hindi ko nakukuha ang gusto niyang galaw.
"Aren't you just tiring yourself by complaining?" pagtataray naman ni Bryce kaya tinignan ko ito.
Sa kaniya tumutok ang atensyon ni Sir Jakob sa pagtuturo ng step by step. Nalaman ko na mahina siya sa pagkabisa ng dance steps, although I'm pretty sure he's good in memorization when it comes to academics.
"Actually no," usal ko kaya naman napatingin ito sa akin at kinunotan ako ng noo. "Mas namo-motivate ako kapag nagre-reklamo. Well you know, I need to overreact first so I can strive to do it."
"What are you? A woman?"
Binilisan nito ang paglalakad kaya naman hinabol ko siya't sinabayan. Since pareho kaming pagod ay dumaan muna kami sa nagtitinda ng burger para bumili ng makakain, pero pasarado na sila kaya naman hindi na kami nakapwesto para maupo roon at kainin ang binili namin. Napilitan na lang kaming kumain habang naglalakad.
"Just how long are go gonna follow me?" reklamo ni Bryce na ikinataas ng aking kilay.
"What do you mean? I'm heading my way back home," sagot ko na ikinatigil niya at pinaningkitan ako ng mata.
"Hindi ba't nakatira ka sa iskwater? Doon sa kabilang kanto na katabi lang ng junkshop, 'yung apartment doon?"
"Yeah, but I'm living with my uncle now," tugon ko at binigyan siya ng inosenteng tingin. "Bakit? May problema ba sa isang estudyanteng dating galing sa iskwater na ngayon ay naglalakad papunta sa subdivision? Oh, I didn't know that our President was a big judger."
Sa sobrang pagkainis nito ay hindi niya na ako kinausap at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Lumiko naman siya sa kalsada kaya hinayaan ko na lang since padiretso pa naman ang daan ko. Tahimik na ang paligid. Wala na rin masyadong sasakyan since hindi naman ito main road.
Sumakto namang nag-vibrate ang phone ko kaya inilabas ko iyon, inaasahang text message iyon ni Heze na nagtatanong kung pauwi na ako, pero ang numero ni tanda ang bumungad sa akin dahilan upang mapasinghap ako.
Inipit ko sa aking bibig ang burger habang ang aking mga kamay ay tumitipa sa aking phone. Tinatadtad ko ng sermon si tanda dahil sa ginawa niyang pangingikil sa pera ni Heze nang hindi man lang sinasabi sa akin. Pero ang tanging reply lang nito?
From: Tanda
Work your ass well, slave.
Nanggigigil kong hinawakan ang aking phone. Gusto ko iyong ibato pero wala na akong magagamit kapag nasira 'to. Although Heze keeps on giving me too much money, I'm not using it all, I'm keeping it. I mean, yeah, I could just get Heze's money, but now that he's been too kind to me, how can I do bad things to him?
So little by little, I want to keep those and pay our debts.
Natigilan ako sa paglalakad nang mapansin ang isang pares ng sapatos sa aking harapan kaya naman napatingin ako roon. Napasinghap na lamang ako't ibinulsa ang aking phone sabay hinawakan ang burger.
This woman. She's the same woman who trespass Heze's house and accuse him for Peggy's disappearance.
"Neriah, right?" sambit ko na hindi niya inimikan at bigla na lang akong kinwelyuhan. "W-wait! What are you doing?"
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...