Ishamar's POV
Pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ay tumambad agad ang maliwanag na bahay, pero kahit na maliwanag iyon ay ramdam ko ang madilim at mabigat na awra sa loob. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga at pumasok na sa loob sabay isinarado ang pinto.
Napatingin naman ako sa living room nang makarinig ng ingay ng tv. Mula roon ay natanaw ko ang likuran ni Heze na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Tahimik lang siya at hindi man lang gumagalaw kahit na kaunti.
"Nandito na ako," pag-iimporma ko pero hindi siya kumibo kaya naman umakyat na ako sa aking kwarto. Mabilisan akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos nu'n ay bumalik din ako sa baba at nadatnan si Heze na nasa ganoon pa ring posisyon.
Seryoso ang mukha nito na tutok na tutok sa screen ng tv. I can't tell at all what he's thinking. But one thing is for sure?
He's mad.
Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa tabi nito. Napatingin din ako sa tv, he's just watching some news. Sunod naman akong napatingin sa mesa sa gitna at napansin ang dalawang baso at isang bote ng alak doon. Ang isa ay nasa tapat ni Heze, habang ang isa ay nakatumba at may bakas ng lipstick doon.
Looks like umuwi na siya. They're probably done doing their business.
Napangiwi naman ako nang biglang tumunog ang aking tiyan. Bakit ngayon pa?!
"You're late yet you're hungry. Just what did you do after your class?" Sa wakas ay nagsalita na ito pero hindi niya pa rin ako tinitignan o gumagalaw man lang sa kaniyang pwesto.
"I just took a detour but when I'm going home... the traffic can barely move," sagot ko.
"If you really feel sorry about burning my mansion, then don't tell Hezekiah that we met."
Nasapo ko ang aking noo, why do I even need to hide about that? "Anyways, I don't have an appetite so I guess I'll just take a rest."
"If you want to rest then why'd you come here?"
Tinignan ko si Heze sa aking tabi at napansin na nakatingin na pala siya sa akin. "To accept the beatings I deserve before kicking the sack," saad ko.
Kapwa lang kami nakatingin sa mga mata ng isa't isa. Gumalaw naman si Heze upang harapin ako ng maayos. Iniangat nito ang kaniyang kamay at maingat niyang hinaplos ang aking pisngi hanggang sa pinisil niya iyon na ikinangiwi ko.
"Don't say that. Do you really think that I took care of your bruises and cuts just to hit you by myself? Am I that bad person to your eyes?" anito sa malambing na boses kaya naman nag-iwas ako ng tingin.
Right. May punto naman siya pero...
"Then, want me to suck you off?" suhesyon ko. "That's the other punishment, right?"
"I bit your lips this morning and it's still swollen. I don't want you to feel pain," sagot niya at umayos na sa kaniyang pagkakaupo sabay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "You know, I'm not really mad. I'm just kinda disappointed that you didn't came home early. I even told you to come right away after your class."
Hindi na lang ako umimik. I feel anxious. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo since ramdam ko ang mabigat na awra sa buong bahay. Walang kaso sa akin kung ilalabas niya ang inis na 'yun at kahit na magkabali-bali pa ang buto ko since may kasalanan naman ako pero... of course, ayoko rin naman siyang pilitin hanggang sa totoong uminit ang kaniyang ulo.
Kagagaling ko pa lang sa matinding sakit ng katawan at ilang linggo akong hindi lumalabas. Gusto ko ring maramdaman ang kalmado at magaan kong katawan.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...