CHAPTER 14: Suicide or Murder?

52 3 0
                                    

Roderic's POV

Panay lang ang pagtipa ko sa keyboard at nang matapos na iyon ay agaran akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga sabay sinuklay paitaas ang aking buhok. Why am I even put in the office when I'm supposed to be doing some dangerous works?

I'm not suitable here.

"Rod!"

Nag-angat ako ng mukha upang tignan kung sino ang nagtawag sa akin. Mula sa 'di kalayuang desk ay sumesenyas ang isang katrabaho kong pulis kaya naman tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nilapitan ito. Agad niya namang iniharap sa akin ang kaniyang tasa.

"Timplahan mo'ko ng kape," utos nito. Ni hindi man lang ako nakaangal dahil pagkahawak ko sa tasa ay binitawan niya na ito at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Napatingin naman ako sa tasa at kalauna'y suminghap. "I don't remember na kasali sa sinumpaan kong trabaho na ipagtimpla ka ng kape," hayag ko dahilan upang bumalik sa akin ang atensyon ng lalaki't hinarap ako.

"Oo, pero trabaho mo 'yan bilang baguhan."

"Eleven years na akong nagsisilbing pulis," pagtatama ko at humalukipkip. "Bago lang ako sa lugar niyo. Sana nakikita mo ang pagkakaiba nu'n."

"Aba't sumasagot..." Huminto ito at suminghal lalo na nang mapansin niya ang ilan sa mga katrabaho naming nakatingin sa aming direksyon. "'Wag kang magmayabang." Dinuro pa ako nito sabay sabing, "e bakla ka naman."

Inis akong ngumiti at padabog na pinulot ang tasa bago naglakad paalis. Ramdam ko ang pagmamaliit ng kaniyang tingin sa aking likuran at pagyayabang dahil nanalo siya.

Mabilis ko siyang ipinagtimpla ng kape at nang matapos iyon ay nilagyan ko ng thumbtacks ang kape. Sabay hinalo. Tutal ay matalim ang dila niya, then why not pasukan ng patalim ang lalamunan niya? Paniguradong wala lang sa kaniya 'to.

"Rod," pagtatawag naman ng pamilyar na boses, ang Chief. "Magkakape ka?" tanong nito nang makita ang hawak kong tasa na inilingan ko. "Wala kang ginagawa, tama? May ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yun, Chief?"

"Tutal ay halatang buryong na buryong ka sa pwesto mo, may kaso kami ngayon na maganda sigurong asikasuhin mo..."

Bago ko pa man makuha ang buong detalye ay nagpaalam na muna ako na ibibigay lang ang kape kaya nagmamadali akong bumalik sa opisina namin. Matapos maibigay ang kape ay kinuha ko na ang ilang gamit sa aking desk bago naglakad paalis. Binalikan ko ang Chief at inaya naman ako nitong pumasok sa police car para pag-usapan ang detalye habang papunta sa isang mansyon. Lugar kung saan magsisimula ang imbestigasyon ko.

And, only to find out it was Senator Bautista's mansion.

Yeah. I'm pretty sure Chief was talking about Peggy Bautista's case, but I heard she's already dead. She committed a suicide.

"Chief!"

Panay ang pagbati at pagsaludo ng mga pulis na nakakasalubong namin, hanggang nga sa makarating kami sa swimming pool, ang eksaktong lugar kung saan nakita ang bangkay ni Peggy na palutang-lutang.

"Tapos na ba kayo rito?" tanong ng Chief at nagkatitigan muna ang tatlong pulis na kaharap namin. Nakapagligpit na kasi sila ng gamit at mukhang paalis na.

"Opo, sir. Gaya nga po ng hinuha namin ay inilubog ni Miss Peggy ang kaniyang katawan sa tubig hanggang sa mawalan na siya ng malay at kalauna'y nawalan ng hangin sa katawan," sagot ng isa sa kanila.

Hinayaan ko na muna silang mag-usap at naglakad-lakad ako sa gilid ng pool habang sinusuri ang bawat detalye. Malawak ang pool at nasa six feet ang lalim nito. Pero ang tubig nito...

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon