CHAPTER 32: The Witness and Evidence

43 3 3
                                    

Ishamar's POV

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas at dumaan muna sa tindahan ng bulaklak. Bumili ako roon bago nagpatuloy sa paglalakad. Sa ilang pagliko lang ay kalauna'y huminto na ako sa paglalakad sa harapan ng malaking gate. Umihip ang hangin at muli kong naalala ang malamig na gabi, gayundin ang amoy ng usok na nanunuot sa aking ilong. Ang pagkasunog ng mga pader sa paligid, ang masakit sa ilong na amoy ng mga bangkay, at ang...

"Ishamar!"

Ang malakas na pag-iyak ni Luis habang sinusumpa ang pangalan ko. Pinanood ko lang kung paano lamunin ng apoy ang kaniyang katawan. Hindi hinayaan ng apoy na lumuha siya o maglaway upang kahit papaano'y mapundi ang apoy. Hanggang sa huli ay unti-unting natigil ang kaniyang pagsigaw hanggang sa nanigas na ang kaniyang katawan at nangitim. At sa aking likuran ay may bumulong.

"Isn't it beautiful?"

"This is your work, Ishamar."

Inilapag ko ang hawak kong bulaklak sa semento at muling pinagmasdan ang bahay. I want to feel guilt even for a little for killing those lives but... all I can feel if the guilt of losing so much money.

Am I a monster?

Yes. I am.

"Why did you do that?"

Natigilan ako nang may marinig na boses sa aking likuran. No, I'm pretty sure it's not the voice in my head. Kaya naman nilingon ko iyon at nakita si Neriah. Matalim ang mata nitong nakatingin sa akin at nakakuyom ang kaniyang kamao. Mukha siyang galit na galit at gusto akong saktan.

"Did what?" tanong ko pabalik sa kaniya na mas lalong ikinatalim ng kaniyang tingin sa akin.

"I know what you did that night, Ishamar," puno ng diin niyang sambit pero pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nag-iwas ako ng tingin.

"Ah right, kailangan ko ng umu—"

Mabilis na hinawakan ni Neriah ang aking braso para pigilan ako sa pag-alis. "Let's talk about it," aniya at hinila ako patungo sa kabilang bahay nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Pagkapasok sa gate ay ni-lock niya iyon bago nagpatuloy sa paghila sa akin papasok sa loob.

Halos kalahati ng laki ang tinutuluyan nito ang mansion ni Heze. Pagkapasok ay napansin ko na halos magkapareho rin ng desenyo ang paligid sa kabilang mansyon pero... puno ng kalat ang paligid. Ang mga gamit sa bahay na nakakalat sa sahig ay mukhang matagal nang naroon pero walang nagkusang ayusin ang mga iyon.

Umakyat kami sa hagdan upang tunguhin ang ikalawang palapag. Pagkarating naman doon ay mabilis niya akong dinala sa isang pinto at hinila ako papasok. Tumambad ang malidim na kwarto, pero pagkabukas ng ilaw... natigilan ako sa nakita.

Ang mga pader nito ay punong-puno ng mga nakadikit na papel at larawan. Napansin ko rin ang iba't ibang kulay na pin gayundin ang mga magkakaibang kulay na sinulid na nagkokonekta sa lahat. Naningkit naman ang aking mata nang may mapagtanto. Nakapinta sa mismong pader nito ang isang mapa ng buong Pilipinas. Napatingala naman ako at napasinghap nang makita ang malaking larawan sa pinakataas. A photo of Hezekiah.

"You're so obssess with him, aren't you?" bulalas ko na hindi niya inimikan at naupo sa isang silya. Sa harapan nito ay may isang computer at may apat itong screen.

"Maybe I am," tipid niya namang sagot at binuksan ang screen ng kaniyang computer sabay hinarap ako. "I was waiting for one day to caught him and prove that he's a dangerous person but..." May pinindot itong button sa hawak niyang remote. Napatingin naman ako sa screen ng mga computer dahil umilaw iyon at tumambad ang mga larawan at video clip.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon