Warning: Violence
"Takbo."
Behind Ice, she heard footsteps from four men. Hindi niya magawang lumingon dahil hindi pa rin siya makagalaw. Nanatili ang titig niya kay Lexus na biglang inikot ang strap na suot nito at ikinagulat niyang hindi iyon basta baril.
The gun was long with a viewfinder and a silencer. Nakasuot ang strap niyon sa katawan ni Lexus na nakatingin sa mga lalaking palabas ng airport building.
Ipinosisyon nito ang sarili at inayos ang pagkakatutok ng baril. Narinig ni Ice ang pagkasa kasunod ng pagkalabit ni Lexus sa gatilyo. Hindi masyadong malakas dahil sa silencer na nasa dulo, pero ipinikit pa rin ni Ice ang mga mata at tinakpan ang tainga nang marinig ang pagputok niyon.
Ice tried so hard to cover her ears. The gunpowder dominated her sense of smell. She heard a man groaning in pain, until she heard another gunshot and another man's voice filled her ears.
Sunod niyang narinig ang dalawa pang putok ng baril, pagsigaw pa ng dalawang lalaki, at amoy ng gunpowder. Naghahalo na ang amoy ng dugo at gunpowder. Nanatili siyang nakapikit, pero nang maramdamang dumaan si Lexus sa harapan niya, dumilat siya at sinundan kung saan ito pupunta.
Kita niya ang baril na ginamit nito sa likuran, ang paghila sa baseball bat na puro dugo, at ang casual na paglalakad papunta sa mga lalaking namimilipit sa sakit hawak ang mga binti.
Doon niya nakitang sa binti binaril ni Lexus ang apat na lalaki.
"Luhod," mahinahong utos ni Lexus habang papalapit sa mga lalaki. "Hindi ko uulitin 'yong utos ko, ha? Luhod."
Muling niyakap ni Ice ang sarili habang nakatingin sa mga ito. Kita niya ang hirap sa paghila sa sariling binti makaluhod lang. Naririnig niyang mayroong sinasabi si Lexus, pero hindi niya maintindihan.
Ice felt numb and her hearing was muffled, as if something was blocking her ears. Nakikita niya ang nangyayari, pero wala siyang naririnig. Nakita niya kung paanong pinaluhod ni Lexus ang apat na lalaki, pinagtabi, at isa-isang hinampas ng baseball bat tulad ng ginawa sa unang lalaki.
She wanted to scream but couldn't. Her throat went dry, and her eyes became blurry. She saw how each men dropped after Lexus swung his bat. Sinubukang tumakbo ng isa, pero hindi nagawa dahil sa pagkakabaril sa binti nito. Nakikita niyang sinusubukang magmakaawa, pero parang walang naririnig si Lexus na patuloy sa paghampas hanggang sa maubos at bumulagta ang mga lalaking duguan.
Blood was dripping on the baseball bat. Lexus' pants were almost red. Blood was splattered all over his body, even on his face. The gun behind him was in place, and his face darkened when their eyes met.
Ice felt her hand tremble, unsure if it was from the attempted violation or what Lexus did. She didn't know, but one thing was sure: the moment Lexus carried her bridal style, her heartbeat calmed. Her eyes became droopy, and her head automatically rested against his chest.
There was an iron-like smell mixed with the scent of her shampoo.
Parang biglang bumagsak ang katawan niya. Bigla siyang napagod. Gustuhin man niyang magsalita, hindi niya nagawa. Gustuhin man niyang tumakbo palayo kay Lexus dahil natakot siya sa ginawa nito, hindi niya ginawa.
Naramdaman niya ang bawat paghakbang. Sa pagkakabuhat sa kaniya ni Lexus, para siyang magaang manika. Ni wala siyang naramdamang hirap o paghingal. Kahit sa pag-akyat sa hagdan, wala itong naging reklamo. Napadilat siya nang maramdamang wala na ang liwanag at tinitigan si Lexus na diretsong nakatingin papunta sa bathroom.
"Ligo ulit tayo," anito na mahinang natawa bago siya ibinaba at pinaupo sa nakasaradong toilet bowl. "Isasara ko lang saglit 'yong pinto. Balikan kita."