Chapter 24

1K 68 8
                                    

Nang makuha ni Lexus ang mga gamit sa lungga ni Ice, dumeretso kaagad siya sa airport para tingnan kung kumusta ang sarili niyang lugar. Matagal niya itong naiwan kaya hindi na siya magugulat kung magulo o maraming nagbago.

But surprisingly, everything was still in order. Walang nagbago, walang kapasok, at walang nasira dahil sa bagyo.

Habang nakahiga, nag-iisip si Lexus kung mayroon ba siyang puwedeng puntahan o gawin dahil bored siya, pero wala kaya naisipan niyang bisitahin na lang si Spike. Matagal na rin silang hindi nagkita at sigurado siyang magagalit ito sa kaniya.

Nagplano rin siyang doon na muna matutulog dahil wala naman si Ice. Wala siyang mapupuntahang iba. Sigurado rin naman siyang hindi siya pupuntahan ni Ice sa ngayon dahil busy ito. Bigla siyang napaisip sa kung ano na kaya ang nangyayari. Hindi niya nagawang magtanong tungkol sa kidnapping at alam niyang magkakagulo.

Ang na-kidnap ay hindi naman simpleng taong sinusubukang mag-survive. The abducted was the wife of one of the biggest group leader existing. Hindi naman siya tanga para hindi makilala si Jakob Escarra. His other friend was fussing over him.

Lexus knew Jakob but not Ice.

At nang makilala ito, roon niya nalaman na mailap ito at hindi nakikipag-usap sa iba hindi tulad ni Jakob na humaharap talaga sa ibang leader ng ibang grupo kung kinakailangan.

He unconsciously smiled and shook his head the moment he remembered how Ice would get mad whenever he would tell her about her life. Totoo rin naman kasi talaga. Napakasarap ng buhay nito, pero tama rin naman. Hindi niya kargo ang ibang tao. Pareho lang naman sila kaya hindi niya alam kung bakit ba niya iyon palaging ipinaaalala kay Ice.

Binaybay ni Lexus ang daan papunta sa lungga ni Spike. Hindi naman ito kalayuan sa siyudad, pero tago. Nasa isang parte ito ng probinsya, sa medyo dulo kaya hindi gaanong puntahan.

His friend Spike found an abandoned resort. It wasn't near the beach. The pool area was empty, but it had a perfect accommodation for his own group. Hindi ito katulad ng ibang grupo na tumutulong sa iba o nagpapapasok para may matirhan.

Spike's group was the opposite. Para itong grupo na na-encounter nina ni Ice sa Baguio na nangunguha ng pagkain at resources ng iba, nananakit kapag hindi gusto ang nangyayari o tumatanggi sa gusto, at walang pakialam sa ibang tao.

Hindi niya gusto ang ginagawa ng kaibigan niya kaya mas madalas na hindi niya inaalam kung ano ba ang mga ginagawa nito. Naniniwala rin kasi siya sa kasabihang "the less you know, the better" at "not my issue, not my problem". Kaya nga siya nagsosolo.

Isa pa, matalik niyang kaibigan si Spike bago pa magulo ang mundo at nagkausap na sila sa parteng aware ito na may mga bagay siyang hindi gusto, pero hindi siya makikialam bilang parte ng pagkakaibigan nila. Kaya never siyang nagtanong unless ito mismo ang magsasabi sa kaniya.

Pagdating sa lungga ni Spike, kaagad siyang sinalubong ng kaibigan at inutusan ang isang lalaki na magpaluto ng pagkain para sa kanila. Dumiretso sila sa floor kung saan ito namamalagi.

Hindi tulad sa grupo ni Ice, walang kuryente ang lugar na ito, pero hindi mainit dahil napaliligiran ng mga puno. Maganda rin ang water supply galing sa mga bukal kaya ito ang napili ng kaibigan niya.

"Bakit ngayon ka lang nagpunta rito?" Pinaupo siya ni Spike sa sofa katabi ang malaking kama. "Ang dami kong gustong ikuwento sa 'yo, e. Pinapuntahan kita sa airport, wala ka naman doon."

"Busy ako, e," sagot niya at sinindihan ang yosing ibinato sa kaniya. "Nag-ikot lang ako," pagsisinungaling niya.

Mahinang natawa si Spike. Sumandal ito sa office table at bumuga ng usok. "Ang daming nangyari nitong mga nakaraan. Galing ako kay Victor last week. Tinatanong niya kung nasaan ka. Wala akong masagot kasi hindi ko rin naman alam," sabi nito. "May bago ka bang trabaho sa kaniya?"

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now