Madilim ang daan na halos wala siyang nakikita kung hindi ang liwanag sa dinaraanan nila at malamig ang simoy ng hangin. Umalis kaagad sila ni Ares matapos niya itong makausap tungkol sa pagpunta sa lungga niya para sa mga asong naiwan niya roon.
"Puwede naman kasing mamayang maliwanag na, eh," reklamo ni Ares na mas binilisan pa ang pagmamaneho. "Wala pa akong matinong tulog dahil galing ako ng Olym—"
"Eh bakit ka sumama kung puro ka lang din naman reklamo?" Patagilid niyang nilingon si Ares. "Ang sabi ko naman 'di ba, kung gusto mo? Pero nagmagaling ka sa harapan ng syota mo."
Gustong matawa ni Lexus nang makita niya ang iritasyon sa mukha ni Ares dahil sa sinabi niya. "Stop calling her that. She's my girlfriend. Ang pangit pakinggan ng syota. She's not my short time. Unlike you and Jayne."
Natahimik siya sa sinabi ni Ares at nilingon ang bintana ng sasakyan. They used Ares' hummer and two dogs were with them just in case.
Pilit na nauupo si Lexus nang maayos dahil hindi siya kumportable. Kanina pa nga kung tutuusin, hindi lang talaga siya makapagreklamo dahil wala siyang choice.
"Putangina 'tong damit mo, ang fitted," aniya habang niluluwagan sa parteng braso. "Hindi ako makakilos nang maayos."
"Gago," singhal ni Ares. "Kasalanan ko bang ganiyan na kalaki ang katawan mo?"
"Hindi, pero putangina. Nakaka-sexy 'tong damit mo." Yumuko siya at nakita ang nakaumbok niyang abs. "Ang lakas makapogi nito kung normal ang mundo, eh."
Natawa si Ares sa sinabi niya na nagpatuloy sa pagmamaneho. Kinamusta nito ang dalawang aso at tinanong kung ano ba ang mga pinapakain niya. Napatingin ito sa kaniya nang banggitin niya ang tungkol sa mga pakalat-kalat na baboy ramo sa iba't ibang lugar na napupuntahan niya lalo sa may race track.
"Pakiramdam ko talaga tinutulungan at sinasamahan mo 'ko ngayon kasi guilty ka sa ginawa n'yo sa 'kin," pagbibiro niya. "Tangina, eh. Nagkausap pa tayo bago ako umalis ng Olympus. Alam mo na ba noon?"
Hindi sumagot si Ares sa tanong niya ngunit nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manebela at nakuha niya ang sagot na hindi niya inaasahan. Naramdaman niya ang galit. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya, pagmamawis ng palad niya, at ang malalim na paghinga. Gusto niyang ipakitang galit siya . . . pero hindi niya puwedeng basta na lang gumawa nang hindi maganda lalo pa at nasa puder ng mga ito ang anak niya.
"Nagkausap na ba kayo ni Ice?" Sandaling tumingin sa kaniya si Ares bago ibinalik ang atensyon madilim na daan.
"Wala akong balak makipag-usap sa kaniya," madiin niyang sagot. "Kung puwede lang sana, 'wag natin siyang pag-usapan. Wala akong gusto o balak na pag-usapan siya dahil si Eve lang ang focus ko ngayon."
Tumango si Ares at mukhang naintindihan nito ang sinabi niya. Ayaw rin muna niyang pag-usapan ang ibang bagay maliban sa anak niya. Ni hindi pa nga masyadong nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari. Kahit na ilang oras na niyang nabuhat ang anak niya, nahalikan, at narinig umiyak, may mga pagkakataon pa rin na naiisip niyang totoo ang nangyayari at hindi siya nababaliw na isa sa ikinatatakot niya nitong mga nakaraan.
Madilim pa rin pagdating nila sa airport. Kaagad silang dumeretso sa eroplano. Hindi pa man sila nakabababa ng sasakyan, nauna na ang mga aso ni Ares na nagsimulang mag-ikot sa paligid ng eroplano at mayroong inaamoy. Inobserbahan niya ang mga ito at nang matapos, basta na lang naupo ang mga sa may hagdan at tumingin kay Ares.
"Safe," ani Ares na sumunod sa mga aso.
Lexus figured that the dogs sniffed the area to know if someone was with them. Wala rin naman talagang magtatangkang pumasok dito sa lugar niya.