Chapter 43

1.2K 93 19
                                    

Pinanood ni Lexus kung paano patahanin ni Anya ang anak niya. Hindi niya alam kung nasa kaparehong kwarto si Ice dahil hindi pa niya ito nakikita, pero wala siyang pakialam. Mas naka-focus siya sa tunog ng iyak ng sanggol na ipinagluksa niya sa loob ng ilang buwan ngunit ito . . . nasa harapan niya.

"Lexus."

Nilingon niya ang pamilyar na boses ni Ares na nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Seryoso ang mukha at napansin niyang nakasuot lang ito ng simpleng puting T-Shirt, cargo shorts, at nakapaa pa nga.

"Nasa labas ang mga kasama mo. Nasa harapan na sila ng mga tauhan ni Jakob. Ano'ng plano mo?" tanong ni Ares. "Mukhang magkakagulo 'pag hindi ka muna nagpakita sa kanila. I'll be with you. I'll vouch for you."

Ibinalik niya ang tingin kay Anya na isinasayaw ang sanggol na tumigil na rin sa pag-iyak. Tumingin sa kaniya si Lana at akmang isasara ang pinto, pero pinigilan niya.

"Anya will nurse your kid," Ares said lowly. "Tara, kausapin muna natin 'yong mga kasama mo. Pagbalik mo, baka tapos na rin sila riyan."

Tinanggal niya ang kamay sa may pinto at umatras. Isinara naman ni Lana ang pinto bago siya muling inaya ni Ares. Nagkita sila ni Jakob na nasa sala at masama ang tingin nito sa kaniya. Nakaharap ito sa anak na nasa lapag at naglalaro sa carpetted floor.

Lumabas sila ng bahay at masamang tumingin sa kaniya ang dalawang bantay. Wala siyang pakialam sa titig ng ibang tao dahil ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makita ang anak niya, pero tama si Ares. Kailangan muna niyang kausapin ang mga kasama.

"So, tell me paano ka nakapaso—"

"Huwag mo 'kong kausapin," sagot niya.

Mahinang natawa si Ares at tumango. Ito na rin ang unang pagkikita nila pagkagaling niya sa ospital. Hindi na ulit sila nagkaroon ng pagkakataon dahil para saan pa? Si Ice ang dahilan kung bakit niya nakilala ang mga ito kaya nang matapos ang lahat tungkol sa kanila, damay ang lahat.

"Hindi n'yo naman ako tatraydoring ngayon, 'd iba?" Patagilid niyang nilingon si Ares. "Kasi kung oo, magkakamatayan tayo at kukunin ko ang anak ko."

"Tss. Tapos ano? Saan mo dadalhin?" tanong ni Ares na biglang sumeryoso dahil sa sinabi niya. "Sa tingin mo ba mailalabas mo si Eve rito?" Tumango-tango ito. "Kung sabagay, magkakamatayan nga muna lahat bago makalabas si Eve sa lugar na 'to."

Hindi siya nagsalita na nagpatuloy lang sa paglakad. Deretso siyang nakatingin dinaraanan nila. Nakatingin sa kaniya ang ibang ranger pati na rin ang mga taong lumabas ng kanya-kanyang bahay nang malamang nakapasok siya sa loob.

"You wouldn't be able to give her the life this place could provide. Hindi rin papayag si Ic—"

"Sa tingin mo ba meron akong pakialam sa sasabihin niya ngayon?" madiin niyang sabi.

Nakarating sila sa may gate at kaagad na sinabihan ni Ares ang mga bantay kung sino siya at kung ano ang gagawin niya. Naghintay siya. Naririnig niyang ipinakikilala siya ni Ares sa mga ito dahilan para magbago kaagad ang expression ng mukha katulad sa Beta Escarra at Olympus na para bang hindi siya welcome kahit na ano ang gawin niya.

Binuksan ng apat na lalaki ang malaking itim na gate at kaagad niyang nakita si Ray, ang tauhan ni Victor. May kalayuan ang malaking gate mula sa isa pang gate na napapalibutan ng mga tauhan ng Escarra. Halos lahat din ng mga tauhan ng kaibigan niya, nakatayong naghihintay sa may gate dala ang kanya-kanyang armas.

Wala naman sa usapan nilang manggugulo kaagad. He knew this was just a threat. Kailangan lang muna niyang kausapin na magiging maayos ang lahat sa loob at kailangan din niyang protektahan ang anak niya mula sa mga ito.

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now