Chapter 54

1.2K 94 22
                                    

Pagdating sa Escarra, inihatid na muna ni Lexus si Ice sa bahay ni Jakob bago siya nagpunta sa opisina nito. Mayroong meeting ngunit kaagad na hininto nang makita siya para makapag-usap silang dalawa.

Pumasok siya sa loob at inobserbahan ang meeting room ni Jakob. Malaki ang kahoy na lamesang mayroong sampung kahoy na upuan. Nasa harapan nila ang glass walls kung saan nakikita ang maglalakad na rangers na nagkukuwentuhan at tawanan.

One thing Lexus observed about Escarra was how everything felt normal, as if nothing was going on outside the high walls of this community. Napansin din niya na madalas nakangiti ang mga tao sa Escarra at parang walang problema.

"Sa tatlong araw na wala kayo ni Jayne, siguro naman ay naayos n'yo na ang problema n'yong dalawa," sabi ni Jakob nang hindi tumitingin sa kaniya at patuloy na nagbabasa ng isang dokumento. "Ano'ng kailangan mo ba't dito ka dumeretso?"

Kumportableng naupo si Lexus sa katapat na upuan ni Jakob kahit hindi naman ito nag-offer. "Ano'ng plano mo kay Abe?"

Walang naging sagot si Jakob ngunit sinalubong nito ang tingin niya. Isa na rin ito sa napag-usapan nila ni Ice at ito mismo ang nagsabi na posibleng nag-iisip pa si Jakob kung ano ang gagawin kay Abe. Malamang din na hindi pa alam kung ano ang posibleng gagawin sa bihag.

"You tell me," Jakob said lowly. "Alam kong ikaw ang mayroong naiisip. Hindi na rin nakagugulat. Malamang na kating-kati ka na."

"Grabe ka naman sa 'kin!" Lexus laughed. Literally. "Pero totoo rin naman. Hindi ako kumportable na nandito ang anak ko 'tapos may mga nakakagalang traydor nang hindi mo nalalaman."

He already knew how to push the button.

"Paano ka nakatutulog knowing na alam mong posibleng may traydor sa lungga mo? Nakakadalawa ka na. Tingin mo ba dalawa lang 'yan?" Sumandal si Lexus at tinitigan si Jakob. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang kampante mo pa rin. After what happened to Anya, hindi ka pa rin ba natuto?"

Nakita ni Lexus ang sama ng tingin ni Jakob at ang lalim ng paghinga nito dahil sa sinabi niya. He was triggering Jakob. He wanted him to get mad or scared at whatever just to make sure he could get the approval.

"Hihintayin mo na naman bang may mangyari kina Anya, Trevor, sa isa pang anak mo, at kay Eve?" Tumaas ang sulok ng labi ni Lexus. "Kasi ako, hindi ako papayag. Tangina, kung kinakailangang patayin ko sa harapan n'yong lahat si Abe, gagawin ko."

"Huwag mo silan—"

"Babanggitin? Bakit hindi? Eh sila ang talo rito?" seryosong sambit ni Lexus. "Ano, maghihintay ka na namang may mangyari bago ka kikilos? O gusto mo ako na? You can preserve your good image. Wala ka namang kailangang gawin. You can be the good guy. Hayaan mong ako ang kumilos."

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Alam ni Lexus na napaisip si Jakob sa sinabi niya. No, it was just about being the good guy in front of everyone. Alam niyang mabait talaga si Jakob at nakikita niya iyon. Mukha itong maangas, pero sigurado siya sa parteng hangga't kaya, hinding-hindi ito magiging tulad niya.

"Gusto mo bang marinig ang plano ko?" Tumayo si Lexus at humarap sa glass walls. "Gusto kong maging kumportable at walang tako ang lugar na 'to, Jakob. Nandito si Ice at Eve. Nandito rin si Anya at Trevor. Sa ibang tao? Wala akong pakialam, pero dahil pamilya kayo ng anak ko . . ." Humarap siya kay Jakob. "Kahit walang approval mo, papatayin si Abe para sa ikatatahimik ko."

Walang naging sagot si Jakob ngunit nakita niya ang reflection nito sa salamin. Hinaplos nito ang sintido at mukhang nag-iisip.

"You have to make a point." Humarap siya kay Jakob. "Hangga't nakikita ng mga traydor sa Escarra na malaya sila, hindi mo napapansin, at wala kang ginagawa, hindi sila titigil. Wala kang dapat gawin dahil kung papayag ka, ako lahat. Just your approval and I'll execute."

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now