After three knocks, the door finally opened. It was Jakob, frowning. Anya was behind her husband and was looking at Lexus, too. Mukhang nagtatakha ang dalawa dahil never siyang kumatok sa mga ito.
"Gustong lumabas ni Ice ng Escarra," pambungad niya. "Iyak nang iyak, nakikiusap kung puwede ko ba siyang dalhin kahit saan. Payag ka ba?" Hinarap niya si Jakob. "Pagbibigyan ko lang sandali hanggang sa makatulog."
Hindi pa man nakakasagot si Jakob, lumapit na si Anya sa asawa at hinawakan ito sa braso. "Okay lang ba siya?"
"Mukhang hindi," seryosong sagot ni Lexus. "Puwede bang sa inyo muna si Eve? Sandali lang kami."
Nakatingin si Lexus sa mag-asawa na nagkatinginan bago muling ibinalik ang atensyon sa kaniya. Malalim na huminga si Jakob, ngumiti naman si Anya.
"May sasama sa inyo sa likuran," sabi ni Jakob. "Saan mo balak dalhin?"
Umiling siya. "Hindi ko alam. Bahala na," sagot niya. "Tungkol sa kasama, sige lang. Walang problema."
Nang makuha niya ang confirmation mula sa mag-asawa, kaagad siyang bumalik sa kwarto ni Ice. Nakasalampak ito sa carpeted floor at nakasandal sa kama. Naabutan din nina Anya at Jakob ang itsura ni Ice na nakatungo yakap din ang sarili.
Lexus didn't want to do this. Ni ayaw nga sana niyang magkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang, pero nakaramdam siya ng awa nang makita at marinig ang paghagulhol nito.
Lumebel siya kay Ice at hinarap ito. "Tara na." Iniabot niya ang jacket na ibinigay ni Anya galing sa closet ni Ice. "Hindi tayo puwedeng magtagal dahil kay Eve."
Meanwhile, Jakob and Anya observed how the two communicate without words. Kahit na labag sa loob ni Jakob ang pagpayag na umalis ang dalawa, pumayag siya. Tama si Anya. May posibilidad na kahit papaano ay bumalik sa dati si Ice dahil kay Lexus.
They knew the connection between the two, which was evident before everything happened.
Jakob and Anya also knew Lexus had a significant role in Ice's life. Nakita rin naman ni Anya na kahit na galit si Lexus kay Ice, hindi rin nito matiis. Maybe this trip would open both their eyes to the situation, and they could possibly talk about it.
Naunang lumabas ng bahay si Lexus at naabutan si Jakob sa tapat ng bahay nito. Sa hindi kalayuan, mayroong isa pang sasakyan.
"Ito ang gagamitin n'yong sasakyan." Ibinigay ni Jakob ang susi sa kaniya. "Mas safe. Bulletproof and full charged. Kung puwede lang sana, huwag kayong masyadong lalayo."
"Wala akong balak." Nilapitan ni Lexus ang modifed hummer na kulay itim. "Gusto ko ring bumalik kaagad for Eve. Pagbibigyan ko lang ang kapatid mo."
Tumango si Jakob. "Kami na ni Anya ang bahala kay Eve. Ikaw na muna ang bahala kay Ice."
Patagilid naman niyang tiningnan si Jakob nang may ma-realize. "Ikaw na lang kaya mag-roadtrip sa kapatid mo? Ako na lang ang mag-aalaga sa ana—"
"Ayokong umalis ng Escarra," sagot ni Jakob. "Gising din si Trevor. Mahihirapan si Anya. Tulog pa ang mga tumutulong sa 'ming mag-alaga sa mga bata. Hindi ako puwede. Basta umuwi na lang kayo kaagad 'pag maayos na siya."
Sasagot pa sana siya, pero lumabas ng pinto si Ice. Suot nito ang jacket at jogger pants na may kaluwagan. Nakatakip din ng hood ng jacket ang ulo at halos hindi nila makita ni Jakob ang mukha.
Lexus exhaled and walked towards the driver's seat. Sobrang ganda ng sasakyan na ito at parang win-win na rin sa kaniya dahil pangarap niyang makapagmaneho nito, hindi lang nabibigyan ng pagkakataon. Tiningnan niya sa side mirror ang isa pang hummer na susunod sa kanila ni Ice.