Chapter 49

1.3K 102 31
                                    

Tatlong araw na at hindi pa rin bumabalik si Ice sa Escarra. Walang balita si Lexus dahil hindi rin naman siya nagtatanong kay Jakob. Hindi rin naman nagbubukas ng topic ang mag-asawa tungkol dito.

Pasikat na rin ang araw at mahimbing na natutulog si Eve sa dibdib niya habang nakadapa. Ganito ang madalas na situwasyon ilang mag-ama. Hindi naman clingy o iyakin si Eve. Gusto lang talaga niyang ganito sila. Hindi rin nila maintindihan kung bakit umiiyak ito pagdating kay Ice. Malamang din na hindi sanay dahil mas madalas itong buhat ng iba simula pagkapanganak.

Lexus thought he was the reason Ice left. They argued, but they didn't expect Ice to leave their daughter for days.

Pinilit niya ang sariling makatulog dahil buong magdamag siyang gising. Wala siyang masyadong ginagawa nitong mga nakaraan kaya mas nag-focus siya sa pag-aasikaso kay Eve. At kahit wala si Ice, hindi siya natutulog sa kama nito. Sa sofa pa rin silang mag-ama kahit na sinabi nina Anya at Jakob na puwede naman siya sa kama.

Araw-araw, siya ang nagpapaligo sa anak. He loved telling stories about his childhood to Eve kahit na hindi pa naman nito maiinintindihan. Pagkatapos maligo ng anak niya, padedehin naman ito ni Anya kaya nakakakuha siya ng chance para kumain ng almusal o kaya ay asikuasuhin ang mga aso niya.

Anya and Jakob also owned two dogs and they got along with his dogs, too. Tabing natutulog ang apat na aso sa garden ng mga Escarra kaya hindi rin nahirapang mag-adjust ang mga aso niya.

Madalas na rin niyang inilalabas si Eve sa umaga para paarawan. Hindi pa rin naaalis ang tingin sa kaniya ng mga taga-Escarra, pero wala pa rin siyang pakialam. Sa park niya rin madalas na dinadala si Eve. Minsan ay kasama niya sina Ate Dolores at Trevor.

The old woman finally settled. Hindi na ito mukhang takot sa kaniya hindi tulad noong umpisa. Anya was about to give birth soon. Madalas na rin itong nag-iipon ng gatas para kay Eve.

It had been days and Lexus was relieved that Elodie finally settled. The old couple took Elodie, Clara, and Ian in. Tumutulong ang mag-asawang may-edad sa pag-aalaga sa sanggol. Tuwang-tuwa pa nga dahil parang biglang na-excite sa baby ang mga tao sa Escarra.

"Lexus." It was Anya.

"Nahihirapan ka nang maglakad, ha," pang-aasar niya. "Kelan ba lalabas 'yan?"

"Sana soon," natawa si Anya at hinaplos ang tiyan. "Ang bigat na rin, eh. Nahihirapan na nga ako kaya sa morning, sumasama talaga ako kay Jakob na kumuha ng food."

Ngumiti si Lexus at inalalayan si Anya na maupo sa bench kahit na hawak niya si Eve. Sandali nilang pinag-usapan ng tungkol sa pagpapalaki kay Trevor, kay Eve, at sa paparating na sanggol.

"It wouldn't be easy," Anya said in a low voice. "Pero we'll try to make this place bearable for them. Naalala ko 'yong sinabi sa 'kin ni Marjorie noong mga panahong sinasaktan pa niya ako."

Lexus gazed at Anya's side profile. "Sabi niya na ang damot namin ni Jakob. Masyado kaming maramot sa parteng inisip pa talaga naming mag-anak sa mundong 'to. Noong nasa ilalim ako ng araw noon 'tapos akala ko, hindi na 'ko makakabalik dito . . . naisip ko na oo nga. Ang damot ko. Imbes na ako lang 'yong mamamatay, meron pang isang buhay."

"Hindi naman talaga magiging madali," sabi ni Lexus. "Pero gagawan naman natin ng paraan. Simula rin noong nalaman kong buhay si Eve, naisip ko na hindi na puwedeng ganito na lang din ang buhay ko. Hindi puwedeng lalaki ang anak ko sa takot. I don't want her to feel what women felt during this world, but we'll try. At least we tried."

Anya smiled at him and nodded. "Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Ice? I mean . . . I'm sorry for asking."

"Tanong ka lang," Lexus laughed. "Wala namang problema. Pero oo, hindi pa rin kami nagkakausap. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Niloko niya 'ko. Trinaydor. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang kausapin pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin."

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now