Chapter 51

1.4K 109 26
                                    

Nang makababa sa sasakyan, inilibot ni Ice ang tingin sa buong airport dahil halos buwan lang ang nagsisilbing liwanag. Pinatay na rin ni Lexus ang sasakyan bago lumabas at tumabi sa kaniya. Pareho silang nakasandal sa trunk at nakatingin sa kawalan.

"Ginamit mo pa ba 'yong mga solar panels?" basag ni Ice sa katahimikan.

Umiling si Lexus. "Pinakabit ko lang naman 'yon para sa 'yo. Kaya noong hindi ka na nagpupunta rito, hindi ko na rin ginamit. Para sa'n pa, 'di ba?"

Hindi nagawang sumagot ni Ice sa sinabi ni Lexus. Imbes na sumagot, naisipan niyang umakyat sa eroplano dahil gusto niyang makita ang loob. Naramdaman niyang nakasunod sa kaniya si Lexus na siyang nagbukas ng pinto para sa kaniya.

Surprisingly, the inside still looked the same except for the bed they used to sleep with.

"Hindi ako makatulog diyan," pag-explain ni Lexus. "Naalala kita, eh. Ang hirap matulog mag-isa riyan kaya gumawa ako sa pinakadulo ng make-shift bed. At least malayo rito."

Walang intensyong magtanong si Ice ngunti hinayaan niyang mag-explain si Lexus. Ikinagulat din niya nang bumukas ang mga ilaw sa loob ng eroplano. Humarap siya kay Lexus na nakatingin sa kaniya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" nagsalubong ang kilay ni Ice. "Parang miss na miss mo naman ako."

"Totoo naman." Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus. "Hindi ko naman itatanggi 'yan. Hindi ko nga inasahan na makakasama pa ulit kita rito."

Mahinang natawa si Ice sa sinabi ni Lexus. Kahit naman siya, hindi niya inasahang makapupunta pa rin siya sa lugar na ito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Wala na rin sana sa plano niyang dumayo rito, but it was also nice to see the place she longed to visit.

Lumabas siya papunta sa pakpak ng eroplano at basta na lang naupo roon. Medyo maalikabok, halatang matagal na ring hindi napupuntahan. Dumako naman ang tingin niya sa sasakyang nasa baba.

"Asan si Lexus?" tanong niya nang maupo ang taong Lexus sa tabi niya.

"Naiwala ko na, eh," sagot nito sa mababang boses. "Merong pinasugod sa 'kin si Victor kaso hindi ako maayos noong araw na 'yon. Hindi ako nakapalag. Nabaril si Lexus 'tapos kailangan kong iwanan kasi kung hindi baka ako ang Lexus na mabaril noong mga oras na 'yon."

Inayos ni Ice ang pagkakaupo dahil naramdaman niya ang pagsakit ng tahi niya. Dumiretso ang paa niya at ginawa niyang pantukod sa likuran ang parehong kamay habang nakatingin sa kawalan.

"Pinahiram lang sa 'kin ni Victor 'yang sasakyang 'yan. Tutal siya naman daw ang dahilan kung bakit naiwala ko si Lexus, pinahiram niya 'ko ng sasakyan. Kaso mukhang hindi ko na rin maibabalik at saka baka hindi ko na rin magamit kasi limitado na ang gas na meron ako lalo pa ngayon," ngumiti si Lexus. "Giniginaw ka ba?"

Tumango si Ice dahil iyon naman ang totoo. Pumasok si Lexus sa loob ng eroplano at paglabas nito, iniabot sa kaniya ang hoodie na kulay gray. Kaagad niya iyong isinuot at niyakap ang sarili.

"Walang inutos sa 'kin si Victor tungkol sa 'yo, Ice. Bago tayo nagkakilala sa daan, wala akong alam tungkol sa 'yo. Hindi ko rin alam kung bakit. Si Jakob Escarra, kilala ko sa pangalan dahil kay Victor. Kahit kelan, hindi ka nabanggit sa usapan namin noon," pag-explain ni Lexus. "O baka nabanggit ka, pero hindi ko napagtuunan nang pansin. Hindi ko alam. Hindi ko maalala."

Nanatiling tahimik si Ice. Tumingala siya sa buwan.

"Kaya hindi ko maintindihan 'yong sinasabi mo na planado namin ni Victor ang pagkikita natin? Hindi ganoon ang nangyari dahil noong araw na nagkita tayo, nag-iikot ako sa lugar na 'yon baka sakaling may kotse akong makitang merong gas. First time kong mapunta sa area na 'yon dahil malayo naman sa airport at lalo na sa racetrack," mahinang natawa si Lexus. "Tangina. Nagandahan ako sa kotse, eh. Pero mas nagandahan ako sa driver."

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now