Prologue

3.7K 109 29
                                    

Ice smirked when her car alarmed. She was driving a hundred and thirty kilometers per hour on an empty road. Hindi naman siya nagmamadali. Gusto lang talaga niyang magmaneho nang sobrang bilis.

Wala naman siyang pakialam dahil wala namang tao sa expressway. Mabuti nga at nalinis na rin ito ng grupo nina Jakob at Martin kaya hindi na siya nahihirapang magmagaling sa daan. Wala rin namang maninita. Isa pa, kung mamamatay, edi mamamatay.

Ipinalibot ni Ice ang tingin sa lugar. Napakatahimik. Nakakairita. Gusto niyang makakita ng mga sasakyang puwede niyang makarera o kaya ng mga taong puwede niyang i-fuck you dahil trip niya lang, kaso wala. Wala siyang mapag-trip-an.

Mas diniinan pa ni Ice ang accelerator kaya mas bumilis ang sasakyan niya. Hindi niya magawang lingunin ang kanan at kaliwa dahil halos nagiging blur na paligid sa bilis niya, pero gusto niya iyon. Pantanggal iritasyon din.

Galing siya sa Escarra para bisitahin ang kuya niya at doon niya nalamang ikinasal pala ito sa isang babaeng hindi niya kilala. Hindi pa nga siya ipinakilala, akala mo talaga hindi kapatid. Kung hindi pa sinabi sa kaniya ni Ares ang ginawa ng kapatid niya, wala siyang alam.

Hindi niya gusto ang ginawa ng kuya niya. She was against it. She even asked her brother to let the woman go, but she also saw that it would be the last thing Jakob would do. Mukhang mahal nga nito ang babae.

For her, maganda naman the girl, but Ice knew that her brother deserved someone who would love him, too, hindi iyong ganoong sapilitan.

Ice scoffed. "What the fuck am I even saying? Love is luxury now. Kung sabagay, maybe that girl said yes for her safety."

Yup, she was judging the girl. Ganoon naman ang mga hindi nila ka-level, palaging may hidden agenda. Palaging mayroong kapalit. Palaging mayroong kabayaran. Kahit noong maayos pa ang mundo, kapag may pakinabang, luluhuran.

Ice felt the rage and pushed the accelerator until it was almost 200 kilometers per hour. Naramdaman niya ang bilis kaya naman sinubukan niyang bagalan. Oo nga at motto niya ang kung mamamatay edi mamamatay, hindi pa siya ready.

Matagal na siyang walang sex. Hindi pa siya ready. It was a need she wanted to fulfill. Wala lang talaga siyang magustuhan.

Kadiri naman kung kay Ares ulit. Hindi pa naman siya bumabalik sa ex.

Malayo pa lang nakita na ni Ice ang mga building sa city. Gusto na rin niyang makauwi para makahiga. Inaantok na rin siya. Padilim na rin at ayaw niyang abutan ng kadiliman sa daan. Wala siyang kasama at malamang na maraming lalabas na mga feeling cool na rebelde sa gabi.

Binilisan ni Ice ang pagmamaneho nang makita niya mula sa rearview mirror ang isang mabilis na sasakyan. Hindi siya sigurado kung hinahabol ba siya nito o nagmamadali lang din.

Inapakan ulit ni Ice ang accelerator para mas bumilis, pero mas lumalapit sa kaniya ang sasakyan hanggang sa magpantay sila. Nasa kanan niya ito, nakabukas pa ang bintana na nakatingin sa kaniya.

Ice squinted when he noticed the guy winked. Guwapo ito sa paningin niya. In fairness.

Itinuro nito ang overpass na hindi kalayuan sa kanila at sumenyas na huminto silang dalawa. Ang kapal ng mukhang utusan siya.

Nauna ito sa kaniya. Ang bilis magmaneho, mukhang nagpapakitang gilas. Nag-blink pa ang ilaw sa likod nito nang dalawang beses at umilaw rin ang right signal na para bang sinasabing huminto na siya. Ayaw niya, pero dahil bored siya, ginawa rin naman niya.

Kinuha niya ang baril sa passenger's seat at inilagay iyon sa likurang short niya bago bumaba. Hindi siya sigurado kung sino ang kaharap niya, pero dahil guwapo, baka naman mabait. Try lang.

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now