Chapter 50

1.5K 108 23
                                    

Hindi natuloy ang pag-uusap nila tungkol sa huling sinabi ni Ice dahil dumating si Ares para sabihing kailangan nilang bumalik sa Escarra. Nag-eskandalo raw kasi si Abe—ang tauhan ni Nathaniel—dahil gusto nitong lumabas, pero hindi pinapayagan.

Sa sasakyan namayani ang katahimikan. Napansin iyon nina Ares at Lana, pero hindi na nila sinabi sa dalawa dahil baka mapagsabihan na naman sila ni Ice.

Nang makarating sa Escarra, naabutan nila si Jakob sa tapat ng headquarters kasama si Tito Alfred, ang alpha team, pati na rin ang Beta team. Nasa gitna si Abe, duguan at nakaluhod. Nakita rin nilang nakatali ang kamay nito sa likuran at puro dugo ang mukha.

"Inatake niya ang isang bantay sa likod," bungad ni Jakob. "Desperado siyang makalabas dito kaya nagkagulo."

Tahimik na nakatingin si Lexus kay Abe na nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata nila at mahina itong natawa. Umiling, yumuko, at muling ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Traydor," bulong ni Abe habang nakatitig sa kaniya. "Traydor ka, Lexus. Tinulungan ka naming makapasok dito, pero ganito ang isusukli mo sa 'ming lahat?"

Tumingin siya kay Jakob bago ibinalik ang tingin kay Abe. Hindi siya nagsalita dahil sa pagkakataong ito, hahayaan niyang si Jakob ang magdesisyon tungkol sa lalaki. Kikilos lang siya kapag kinakailangan, pero rerespetuhin niya ang desisyon nito unless magsabi na sa kaniya.

Nanatili siyang tahimik hanggang sa iutos ni Jakob na dalhin sa isang selda si Abe.

Alam ni Lexus na matindi ang frustration ni Jakob dahil napapasok ang grupo nito ng mga traydor. Halos hindi na nito alam kung sino ang pagkakatiwalaan at naiintindihan nila iyon.

"Gusto mo bang makita kung sino pa ang hindi maayos sa grupo mo?" suggestion ni Lexus. "Alam kong hindi mo magugustuhan, but you need to be firm and public execution might work."

"Pag-iisipan ko," ani Jakob sa mababang boses. "Hindi na puwedeng maulit 'to. Ayokong may poproblemahin na naman akong ganito."

Mahinang natawa si Lexus. "Masyado ka kasing mabait. Kung hindi mo gustong pumangit ang pangalan mo, hayaan mo 'ko. Pa-thank you ko na rin sa inyo ni Anya sa pag-aalaga n'yo kay Eve."

Matagal siyang tinitigan ni Jakob bago siya nilagpasan. Alam niyang napaisip si Jakob sa sinabi niya, pero nag-aalangan. He knew that it wasn't Jakob's nature to harm other people kaya nga minsan ay naiisip niya kung magkapatid ba talaga ito at si Ice.

Hinanap niya si Ice na nauna na raw umuwi. Nag-stay na muna siyang kasama nina Jakob at Ares. Alam niyang hindi nagtitiwala ang mga ito sa kaniya ngunit wala naman siyang magagawa. Wala rin naman siyang intensyong linisin ang pangalan sa mga taong ito. Gusto lang niyang makasama ang anak niya. Walang iba.



Kinabukasan, nagising si Ice na walang tao sa bahay. Kahit sina Anya at Trevor ay wala. Lumabas siya para na rin hanapin si Eve dahil hindi niya ito naabutang gising kagabi.

Pinaderetso siya ni Erick sa park dahil naroon daw lahat at hindi niya nagustuhan kung ano ang nakikita niya. Ang aga-aga, magkausap si Lexus at Elodie. Buhat pa nga nito ang babaeng sanggol samantalang si Eve, buhat ni Delia.

Anya and Jakob were walking around the park, too. Hawak ni Jakob ang kamay ni Anya habang tinutulak nito ang stroller ni Trevor.

Again, something inside her triggered. Lumapit siya kay Delia at basta na lang kinuha si Eve. Narinig niya ang boses ni Jakob na tinatawag siya, pero hindi niya nilingon. Alam niyang nakasunod sa kaniya si Delia dahil hawak nito ang bote ng anak niya.

"Kumusta siya last few days?" tanong niya kay Delia pagpasok nila sa bahay. "Ate, pakisabihan naman si Erick na kuhanan ako ng pagkain sa pantry. Medyo nagugutom ako."

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now