Warning: Slightly Mature Content
Ice stared at Lexus upon hearing his real name. Wala namang nakatatawa. In fact, the way Lexus said it using his British accent sounded hot.
"Very royal," pang-aasar ni Ice. "Walang nakakatawa, but I prefer Lexus more."
Ngumiti si Lexus at humikab. Hinubad nito ang suot na T-Shirt na itim. "Matutulog ka rin ba?" tanong nito. "Idlip muna ako, puwede ba?"
Umiling si Ice bilang sagot. Humarap siya sa kamang mayroong puting bedsheet. Mayroong tatlong unan at nakatali ang dating net na pink. Lumapit siya roon at napangiti.
"Dati sa tuwing natutulog ako rito, feeling ko sobrang prinsesa ako." Natawa si Ice. "Hindi ako inaantok. Matulog ka na muna."
Hindi na kailangang ulitin ni Ice ang sinabi niya dahil basta na lang din dumapa si Lexus sa kama. Kinuha pa nito ang unan at niyakap iyon. Suot na lang nito ang pantalon at nakabalandra ang biceps na ipinakita pa sa kaniya. Ngumiti ito bago suminghot at ipinikit ang mga mata.
Nakakuha siya ng pagkakataon para igala ang tingin sa buong kuwarto. Maraming gamit ang nawala. Naluma na ang pintura at mayroong marka ng mga tumulong tubig. Nasira na ang cabinet na dating lalagyan ng mga damit, libro, at gamit niya.
Kinuha niya ang isang lumang libro. It was one of her college books. Malamang na naiwan niya noong huling punta niya rito kasama ang mga magulang.
The room smelled musty, too. Malamang na matagal nakasara ang kuwarto at hindi nabigyan ng pagkakataong makaikot ang hangin na palaging sinasabi ng mommy niya noon dahil minsang nagkakaroon ng mold sa bahay nila dahil sa weather.
Naupo siya sa sofa na nakabalot ng puting tela na mukhang inayos at nilinis din ni Sarah. Pinagmasdan niya ang buong kuwarto at inalala ang masasayang alaala sa rest house na paborito ng mommy niya.
Ice breathed and shut her eyes. She could hear her parents laugh. Jakob teasing her. Her teasing everyone. Inaalala niya kung paano sila maghabulan ng kuya niya at patitigilin ng mommy nila dahil may meeting ang daddy nila. Inalala rin niya kung paano sila maglokohan ni Ares sa kuwartong ito. Na hinahayaan sila ng mga magulang nila na matulog na magkatabi, walang problema . . . basta mag-iingat.
Their parents would bond here, too. The late president loved having coffee with her dad sa may overlooking view ng balcony. Mas gusto pa nga ng daddy ni Ares noon na mag-stay rito kaysa sa The Mansion kaya magkasama pa rin sila ni Ares.
Naramdaman ni Ice ang pagbigat ng dibdib at pag-init ng mga mata na kaagad niyang pinigilan. Tumayo siya at tinanggal ang pantalong suot bago dumiretso sa kama. Nakadapa si Lexus at mukhang mahimbing nang natutulog yakap ang unan kaya maingat siyang nahiga sa tabi nito, pero nakatalikod.
"Matutulog ka?"
Nilingon niya si Lexus na nanatiling nakapikit. Tinanggal nito ang harap sa pagitan nilang dalawa at basta siyang hinila papalapit. Hindi na siya nagprotesta. Nakapalibot ang braso ni Lexus sa baywang niya.
"Tulog ka muna," bulong ni Lexus. Ipinasok nito ang kamay sa loob ng T-shirt niya at hinaplos ang tiyan niya.
Ice didn't say a word and stared at the closed balcony. Maliwanag pa sa labas, pero naramdaman din niya ang antok. Kahit na nakatulog siya buong biyahe, iba ang pakiramdam na nakahiga sa kama. Isa pa, pamilyar sa kaniya ang kuwarto.
It felt like home, too.
Hours later, Ice opened her eyes and it was already nighttime. The room was quiet, cold, and dark. Naramdaman din niyang wala na siyang katabi at pagbangon niya, nakita niya si Lexus na nakasandal sa bookshelf hawak ang isang papel.