Spike asked them to stay the night and Ice was pleased that everything was moving according to her plans. Buong maghapon silang nagkuwentuhan at sandaling nagpahinga sa isa sa mga kuwarto dahil ipinalilinis pa ang tutulugan nila ni Lexus.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang dahil walang tigil si Spike sa kakukuwento tungkol sa pagkakaibigan ng dalawa bago pa magulo ang lahat.
Ice would give it to Spike. The man was good-looking, too. No wonder he was a commercial model in the normal world. Halos pareho ang height nito at ni Lexus at mestizo rin. Hindi niya itinanong kung ano ang lahi, pero sigurado siyang hindi ito purong Pilipino.
But one thing Ice noticed during their entire talk was how territorial Lexus was. Halos hindi ito bumibitiw sa kaniya. Madalas pa nitong hinahalikan ang balikat niya kahit na kaharap nila si Spike. Nakahawak lang ito sa hita niya na minsang pumipisil pa nga o kaya ay ipalilibot ang braso sa baywang niya.
She didn't know if it was part of his act or Lexus was just . . . being possessive.
"Boss." Lumapit sa kanila ang isang babae. "Maayos na po ang kuwartong pinalinis n'yo. Meron pa po ba kayong kailangan?"
Nilingon siya ni Lexus. "Tingnan ko lang muna 'yong kuwarto kung magiging komportable ka. Okay ka lang ba rito?"
"Oo, okay lang." Malambing siyang ngumiti kay Lexus.
"Sige. Check ko muna 'yong kuwarto," paalam ni Lexus at nilingon si Spike. "Gago ka, ha. 'Yang kamay mo."
Natawa si Spike. Hindi lang basta tawa. Humalakhak pa nga.
Nang makalayo si Lexus, nagkunwaring nag-o-observe si Ice. Her brows furrowed as if awkwardly trying to look uncomfortable. Gusto niyang ipakita kay Spike na mahina siya at madali nitong makukuha.
"Ang ganda nitong place mo." Hinarap niya si Spike. "Gusto ko na may proper bedrooms o spaces para matulugan. Sa eroplano kasi ni Lexus, madalas na sumasakit ang likod ko sa kama niya kasi manipis ang kutson, matigas pa ang pinakahigaan."
"Sabi ko naman kasi kay Lexus, dito na lang siya, e. Ewan ko ba riyan." Umiling ito at sumandal bago nilingon ang daan papunta sa main entrance ng hotel. "Paano ba kayo nagkakilala?"
Ikinuwento niya ang first meeting nila ni Lexus. Kung ano ang totoo, na nag-race sila hanggang sa magkaroon ng deal. Until Lexus asked her to be his girl and Spike chuckled. He drank from a bottle of beer while staring at her. Malamang na mayroon itong alam tungkol sa nangyayari sa kanila ni Lexus. Nabanggit nga na rito galing ang condoms, e.
"Gusto ko rito sa lugar mo." Tumaas ang dalawang balikat ni Ice at muling inilibot ang tingin sa lugar. "Gusto kong komportable, masarap ang pagkain, at sigurado rin ako na komportable ang kama. Iyon ang hinahanap ko, e. Ayaw ko nang mahiga sa matigas."
"Puwede ka namang mag-stay rito kung gusto mo," sagot ni Spike. "Welcome naman palagi si Lexus dito. Ikaw rin kung gusto mo. Walang problema."
Mahinang natawa si Ice ngunit kaagad iyong napalitan ng lungkot. Umiling siya. "Ewan ko. Alam mo naman si Lexus. Minsan nga ayaw ko na ring makipagkita sa kaniya, e. Please. Huwag mong sasabihin. Hinihintay ko na lang din siyang magsawa sa 'kin. Ayaw ko kasi talaga sa lugar niya."
Walang naging sagot si Spike na nakatitig sa kaniya. Nagsalubong pa ang kilay.
"Pero siyempre gusto ko rin namang mag-settle sa magandang lugar. Ayaw ko naman na magtatagal kami ni Lexus, pero hanggang doon lang kami. Alam kong magulo ang mundo, pero ayaw ko namang mamatay rito nang magulo pa rin at mahirap ang lahat para sa 'kin." Malalim na huminga si Ice at tumaas ang dalawang balikat. Sinalubong niya ang titig ni Spike. "Anyway, 'wag mo na lang sasabihin sa kaniya, ha? Ayaw ko rin na mag-isip 'yon. Ginagawa naman niya ang lahat para sa 'kin. Ako lang yata talaga ang may problema."