Chapter 55

1.5K 105 22
                                    

Inayos ni Ice ang kumot ni Eve nang mahimbing na itong makatulog. Tumingin siya sa bintana at medyo may kalakasan ang ulan. Hindi rin siya sigurado kung makakauwi ba si Lexus dahil buong maghapon itong wala at nagpaalam sa kaniya na pupuntahan ang grupong inaasikaso.

May parte sa kaniyang palaging takot sa tuwing umaalis ito papunta sa mga rebelde dahil kahit na sabihin ng lahat na malakas at matapang si Lexus, hindi pa rin mawawala ang galit o inggit ng ibang tao.

It had been a week since Lexus executed Abe, the traitor, and it was never the same for the people of Escarra. Ice's lips curled into a subtle smile, thinking Lexus literally made a statement by beheading a person in front of everyone.

Kung noon, nakikita niya ang pagkadisgusto sa mukha ng mga taga-Escarra sa tuwing nakikita si Lexus, sa kasalukuyan naman ay mas nangibabaw ang takot at pag-iwas. Malamang na kung puwede lang na hindi nila ito makasalubong ay gagawin.

Pero nabanggit ni Jakob sa kaniya na sa ginawa ni Lexus, nirespeto ito ng mga rangers ng Escarra. Si Lexus ang unang taong nakilala ng mga itong kayang gawin iyon sa harapan ng iba nang hindi natatakot.

Ice gazed at the door when she heard the doorknob. Maingat ang pagkakaikot lalo na ang pagkakabukas ng pinto. Natama ang tingin nila ni Lexus na kaagad ngumiti nang makita siya.

"Bakit gising ka pa?" Pabulong ang pagkakasabi. "Mamaya na 'ko lalapit sa 'yo. Maliligo muna ako."

Bago pa man makasagot si Ice, nakapasok na sa bathroom si Lexus. Kinuha naman niya ang pants at hoodie nito na nakalagay sa closet. Saktong kadadala lang ng laundry department. Labada, plantsado, at nakatupi na rin nang ibalik sa kaniya.

Naisipan na rin muna niyang bumaba sa kusina para tingnan kung may pagkain ba, pero wala kaya nakiusap siya kay Erick kung puwede bang magkapakuha sa pantry para sa kanila ni Lexus.

Saktong paakyat siya ng hagdan nang masalubong niya ang kuya niya. "Dumating na ba si Lexus?"

"Kakarating lang," sagot niya. "Si Anya, kumusta? Sumasakit pa rin ba ang balakang niya?"

"Oo," yumuko si Jakob. "Parang malapit na siyang mag-labor and . . . kinakabahan ako."

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ng kuya niya. "She's gonna be okay. If you need something, just let me know. Akyat na rin muna ako."

Pagpasok ni Ice sa kwarto, naabutan niya si Lexus na nakaluhod sa gilid ng kama at maingat na tinatapik ang hita ni Eve. Tumingin ito sa kaniya at tipid na ngumiti bago bumangon at lumapit sa kaniya.

"Kanina pa ba siya tulog?" Hinalikan ni Lexus ang pisngi niya. "Maaga dapat akong babalik kaso nagkaroon ng discussion kanina sa dating grupo ni Ethan."

"Medyo katutulog lang din niya." Tumingala si Ice para salubungin ang tingin ni Lexus. "Akala ko nga hindi ka na makakabalik ngayong gabi, eh."

Nagpatuloy si Lexus sa pagtutuyo sa buhok. Maikli na ito kumpara noong nakaraan dahil pinabawasan ang buhok para na rin daw hindi maging sagabal lalo na kapag inaalagaan si Eve.

"Puwede ba 'yon?" mahinang natawa si Lexus. "Medyo inaantok na rin ako, eh. Ikaw, nakatulog ka ba sa maghapon?"

"Sinabayan ko si Eve kaninang hapon," sagot niya. "Hindi na rin siya masiyadong umiiyak sa 'kin. May time na parang naaalala niyang ako pala ang nanay niya kaya baka nagagalit siya."

Nagbibiro siya, pero alam niyang hindi nagustuhan ni Lexus ang sinabi niya. Nagsalubong kasi ang kilay nito at malalim pang huminga.

Lexus had been helping her get closer to Eve. Naging challenging lang talaga noong umpisa dahil iyak ito nang iyak na nagiging dahilan ng disappointment niya, pero sinubukan niya. Hindi naman pinipilit ni Lexus. Kapag naramdaman nilang hindi na maayos ang mood ni Eve, si Lexus na ang bumubuhat o si Manang Delia kapag wala ito.

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now