Pagkatapos marinig ni Ice ang sinabi ni Lexus, literal na napanganga siya at nanginig ang baba niya. Hindi niya rin alam kung bakit. Sunod niyang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa galit dahilan para bunutin niya ang baril na nasa belt niya at itinutok iyon kay Lexus.
Walang naging reaksiyon, ni hindi man lang pumalag. Kung sabagay nga, bakit pa? Ni pumatay nga hindi ito natatakot, matutukan pa ng baril?
Naramdaman din niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya dahil naalala niya ang sitwasyon ng kuya niya. And the man she was sleeping with knew Anya's location. All this time, after having sex, Lexus knew about Anya's whereabouts.
"Kasabwat ka ba?" Malalim ang paghinga ni Ice. "Ginamit mo ba 'ko para dito?"
"'Tangina. Hindi, 'no. Ang babaw," mahinahong sagot ni Lexus na para bang walang baril na nakatutok. "Mag-e-explain ako. Hindi ko kilala si Anya. Ni hindi ko nga alam na may asawa ang kuya mo, 'di ba? Ni hindi ko pa nakikita ng personal ang kuya mo, noong magpunta lang tayo sa lugar niya."
Nanatiling tahimik si Ice ngunit hindi ibinababa ang pagkakatutok ng baril kay Lexus. Nanginginig siya, alam niya iyon. Gumagalaw ang baril sa kamay niya dahil sa panginginig. Ramdam din niya ang tibok ng puso niya at halos naririnig niya iyon sa tainga niya. Sunod-sunod pa ang pagdaloy ng luha niya sa magkabilang pisngi.
"Nagpunta ako sa lungga ni Spike. Siya 'yong kaibigan kong sinasabi ko sa 'yo na kasama ko noong maayos pa ang mundo. Sa kaniya ko kinuha ang condoms na meron ako dahil . . ." Huminto si Lexus at malalim na huminga. "Dahil 'yong girlfriend niya, nagtatrabaho sa Escarra. Alam ko na noong bago pa lang tayo, pero hindi ko alam na hahantong sa ganito."
"W-What do you mean na alam mo na noong bago pa lang tayo? Y-You mean to say na you knew there was an insider at hindi mo sinabi sa 'kin?" May galit sa boses ni Ice na nanatiling nakatutok ang baril kay Lexus.
Umiling si Lexus at nagpameywang. Ni hindi ito bothered sa baril na nakatutok. Chill na nakatayo at nakatitig sa mukha ni Ice. Samantalang si Ice, nanginginig sa galit.
"My mistake," Lexus murmured. "Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito si Marjorie. I didn't mind because I also benefited from the beer, cigars, condoms, and foods we hadn't eaten in a while. Hindi ko alam na hahantong sa ganito. Hindi ko naman inasahan na sobrang baliw naman pala noong babaeng 'yon. Hindi naman kasi kami close. Hindi ko gusto 'yon, e."
Walang naging sagot si Ice sa sinabi ni Lexus dahil hindi pa totally nagpa-process sa isip niya lahat ng sinabi nito. Nag-iinit ang pisngi niya sa galit. Pinagpapawisan ang kamay niya at mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Gusto niyang kumalma, pero hindi niya magawa.
Ice tried to breathe normally but couldn't. Her breathing was shallow, and she was having a hard time. To her shock, Lexus walked slowly towards her.
"Huwag kang lalapit sa 'kin," aniya na itinapat ang baril kay Lexus. "Please."
Pero hindi tumigil si Lexus sa paglakad papalapit sa kaniya at huminto sa harapan niya. Nakatutok ang dulo ng baril sa dibdib nito kung nasaan ang puso dahilan para mas manginig ang kamay niya. Dikit na dikit ang dulo ng baril na halos lumubog ang balat nito.
"Hindi nila ako kasabwat," ani Lexus habang nakatitig kay Ice. Ramdam niya ang lamig ng metal na baril na nakatutok sa dibdib niya. "Dinala ako ni Spike sa kulungan niya at hindi ko gugustuhing mapunta ka roon. Sabi mo, willing kang makipagpalit kay Anya. Hindi ako papayag dahil hindi maganda ang lagay niya."
Lexus explained what he saw, and Ice sobbed.
"Hindi ko gustong balikan n'yo si Spike dahil best friend ko siya, pero hindi ko gusto ang ginagawa niya. I was supposed to give you clues. The place is hard to find. Very remote, pero ayaw kong galit ka," sabi ni Lexus na hindi inaalis ang tingin kay Ice.