It had been a week and it was so hard for everyone except Lexus. Wala naman siyang pakialam sa iisipin o mararamdaman ng mga kasama niya. Ang importante sa kaniya, kasama niya ang anak niya.
Hindi nagtatagpo ang landas nila ni Jakob nitong mga nakaraan dahil madalas itong nasa opisina. Si Anya at Lana naman ang madalas niyang nakakausap dahil hindi naman ipinararamdam ng dalawa ang pagiging outcast niya.
Minsan siyang inaya ni Anya papunta sa pantry, pero umatras siya. Paglabas pa lang ng bahay nito, nakita kaagad niya ang patagilid na pagtingin sa kaniya ng mga Escarra dahilan para hindi maging maayos ang pakiramdam niya sa mga taong ito.
Tama si Anya sa parteng hindi kumportable sa kaniyang nasa loob ng lugar, pero wala siyang magagawa dahil ito lang ang lugar na pupuwede ang anak niya.
Sila ni Ice, hindi pa sila nagkakausap. Madalas itong natutulog sa maghapon at magigising lang sa gabi. Nasa iisang kwarto sila ngunit inayos nila sa parteng halos hindi sila nagkikita.
Ice's area was the bed and Lexus fixed the sofa to face the window. Nakatalikod ang sofa sa kama kaya hindi nagkakaroon ng pagkakataong magkita silang dalawa. Mabuti na lang din at hindi na siya muling tinanong ni Ice tungkol sa posibleng pag-uusap nila. Hindi pa siya handa.
Sa isang linggo, simple lang ang naging routine nila. Sa madaling araw gising si Ice, pero mas madalas na sa kaniya natutulog si Eve dahil umiiyak ito at gustong palaging nakabuhat. Nabanggit sa kaniya ni Lana na sumasakit pa rin kasi ang sugat ni Ice lalo na at mahigit isang buwan pa lang.
Lexus never asked about Ice's situation. He wasn't interested at all.
It was almost five in the morning when Eve finally fell asleep. Maingat na ibinaba ni Lexus ang anak sa kama katabi ni Ice na nakatulog na rin. Inayos niya ang kumot ni Eve, isiniksik sa unan, at hinalikan sa noo.
Pinatay niya ang lampshade, isinuot ang hoodie na nakasampay sa backrest ng sofa, at maingat na lumabas ng kwarto. Naabutan niya sa hallway si Jakob hawak ang kapehan at mukhang pupunta sa balcony na nasa kaparehong palapag. Tumingin ito sa kaniya pati na rin sa susing hawak niya.
"Aalis muna 'ko," paalam niya. "Hindi ako sigurado kung makakauwi ako mamaya o bukas, hindi ko pa alam."
Walang naging sagot si Jakob na nilagpasan siya. Wala pa silang pag-uusap simula nang marinig nila ni Ice ang pag-uusap nito at ni Anya. Hindi na rin siya nakarinig ng kahit na anong tanong o kwestyon mula rito.
Lexus left Escarra with a heavy heart, but his friends had a message through Abe that they needed to meet. Iniisip niya na baka magsisimula nang maningil ang mga kaibigan niya at hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Deretsong nagmaneho si Lexus papunta sa lungga ni Victor kung saan sila madalas na nagkikita. Roon din ang lugar na nabanggit ni Abe sa kaniya dahil kailangan daw siyang makausap ng mga ito.
Humigpit ang hawak niya sa manebela dahil para siyang namamangka sa dalawang ilog. Gusto niyang lingunin ang mga kaibigan niya dahil kung hindi sa mga ito, hindi niya malalamanan ang tungkol sa anak niya, pero gusto rin niyang protektahan ang pamumuhay ng anak niya. Alam niyang hindi magiging madaling kalaban ang mga kaibigan niya, alam din niyang ganoon ang grupo ni Jakob. Alam niyang magkakagulo oras na mayroong mangyaring hindi maganda at maiipit sa situwasyon ang anak niya.
Maliwang na nang makarating siya sa lungga ni Victor. Sabay-sabay na lumingon ang mga ito pagpasok niya. Pare-parehong naglalaro ng baraha, umiinom ng alak, at humihithit ng marijuana.
"Akala namin hindi ka na dadating, eh." Lumapit si Pancho at inabutan siya ng bagong rolyong marijuana. "Tara muna. Ang tagal mong hindi nagparamdam."
Kung sa ibang pagkakataon, kaagad niyang sisindihan ang marijuanang iniabot sa kaniya, pero iba sa pagkakataong ito. Wala siyang balak uminom ng alak lalo na at manigarilyo dahil sa anak niya.