Chapter 12

1.1K 61 10
                                    

Warning: Mature Content

Nagising si Ice nang maramdaman ang malamig na bimpong lumapat sa noo niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nasisinagan ng ilaw ang mukha ni Lexus. Nakakunot ang noo nito, nakatingin sa thermometer na hawak, at malalim na huminga.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya. Sinubukan niyang bumangon ngunit gumuhit ang sakit ng ulo niya at kaagad rin siyang pinigilan ni Lexus. "Hey."

"Dalhin ka na kaya namin d'on sa ospital ng ex mo?" Hinaplos ni Lexus ang noo niya. "Hindi ako magseselos, promise," pagbibiro nito. "Sobrang hot mo kanina. Literal. Ano ba'ng nararamdaman mo? Saan ba may masakit?"

Pinakiramdaman ni Ice ang sarili. Ulo lang naman niya ang masakit, pero alam niyang nanghihina siya. Sinubukan niyang lumunok at doon gumuhit ang sakit sa lalamunan dahilan para mapamura siya.

"Ano?" Nagsalubong ang kilay ni Lexus.

"Medyo masakit ang lalamunan ko," aniya at itinuro kay Lexus ang bote ng tubig pati na rin ang walkie-talkie na nasa gilid ng lamesa.

Kaagad namang sumunod si Lexus. Nakatingin lang si Ice sa katawan nito. Nakasuot ng pants, pero walang pang-itaas. Kita niya ang mga tattoo at nakabalandra ang hindi naman kalakihang muscles, pero ang sexy.

"Huwag mo 'kong titigan nang ganiyan, lalabs. Mabibinat ka, promise." Inabot ni Lexus ang walkie-talkie. "May kailangan ka ba?"

Bago nagsalita, uminom muna ng tubig si Ice. Itinapat niya ang walkie-talkie sa bibig niya. "Amos."

"Boss," sagot naman kaagad mula sa kabilang linya. "Nandito ako, boss."

Malalim na huminga si Ice. "Pasuyo namang pumunta ka sa pantry. Kuha n'yo 'ko ng warm na tubig na may ginger at lemon o calamansi, kung ano'ng available. Sabihin mo rin sa kanila na bigyan kami ng pagkain dito. Nagugutom na 'ko."

"Sige, boss. Ano pa?" tanong ni Amos. "Umalis si Lana kaninang tanghali kaya kami muna ni Jeanna ang nandito sa labas."

"Sige lang." Napapikit si Ice at muling huminga. Ibinaba niya ang hawak na walkie-talkie sa gilid ng kama. "Lexus, alam mo umalis ka na lang. Wala akong maiaambag sa 'yo ngayon."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lexus bago lumubog ang katabi niyang kama. "Ako marami akong maaambag. Puwede kitang pakainin, paliguan, kuwentuhan, o kung gusto mo linisin ko 'tong kuwarto mo, e. Dito na lang ako. Ang boring kaya sa labas."

Hindi na sumagot si Ice dahil alam niyang sa tuwing mayroon siyang sasabihin, nakahanda na ang sagot ni Lexus. Iminulat na lang niya ang mga mata at nakita itong nakahiga sa tabi niya. Nakapatong ang braso nito sa noo habang nakatitig sa kisame.

Pasimple niya itong pinagmasdan. Ang tangos ng ilong. Sigurado siya na kung normal ang mundo, model ito o artista. Malamang na nasa entertainment industry dahil hindi naman maikakaila ang face card.

Aside from a proud nose, Lexus had downturned eyes that made him look innocent and deceiving. His brows were bushy, too! Minsan kapag nakatingin ito sa kaniya, parang ang bait. Minsan naman nagbabago ang mga mata na parang palaging nakangiti.

But she knew better.

After witnessing what Lexus could do, Ice knew she wouldn't dare cross him if she didn't know him.

"Hindi ka ba bored 'pag nandito ka?" tanong ni Lexus. "Kung sabagay. Ang sarap ng buhay mo rito, 'no?" Tumingin ito sa kaniya. "Secured, naka-aircon, may entertainment, ang lambot ng kama, puwede kang mag-request ng pagkain anytime, maraming utusan, at—"

Bumangon si Ice at kaagad na naramdaman ang pagguhit ng sakit ng ulo niya. "Putanginang ulo 'to." Sinapo niya ang ulo at naupo sa gilid ng kama. "Kung susumbatan mo na naman ako dahil sa buhay na meron ako na wala ang iba, umalis ka na lang. Wala ako sa mood maawa sa ibang tao."

Tayong Dalawa Lang Sa Istoryang ItoWhere stories live. Discover now