Pinanood ni Ice kung paanong tuluyang nagbago ang kulay ng kalangitan. Naramdaman niya ang pagpatak ng katitilang ulan at ang lamig ng simoy ng hangin. Ibinalik niya ang tingin sa ibaba at humigpit ang hawak ni Ice sa railings ng balcony habang nakatingin kay Lexus na naghuhukay para kina Sarah, Manong Mike, at Jeff.
Ni hindi pa nga maliwanag na maliwanag ay pakiramdam niya, pagod na pagod na siya. Parang gusto na niyang matulog, pero hindi puwede dahil marami pa silang gagawin.
Gusto niyang tumulong kay Lexus sa paghuhukay, pero hindi siya pinalabas ng bahay. Saktong malambot ang lupa sa garden area kung saan dating nila-landscape ni Manong Mike kaya hindi naging mahirap para kay Lexus ang paghuhukay. Nalaman din niya mula kay Lexus na nabanggit ni Manong Mike ang tungkol sa hukay na matagal na nitong pinaghahandaan katabi ang asawa.
Hindi ganoon kalalim, pero mas mabuti na rin kaysa wala. She wanted to bury these people and lay them to rest peacefully.
Ibinalik niya ang tingin sa langit at pinakiramdaman ang sarili. Hindi pa siya nakaliligo at ramdam na ramdam niya ang natuyong pawis at mga dugo sa bandang legs niya.
Hindi pa niya nasisimulan ang gustong gawin sa lalaking iniwan nilang buhay. Nakatali ito sa railings ng hagdan at hinayaang indahin ang sakit ng pagkakabaril katabi ang mga katawan ng mga kasama. Hinayaan niyang makita nito ang tatlong ulo ng mga kaibigan.
Ice had no idea what happened to Manong Mike, but Lexus mentioned the possibility of a heart attack.
She had so much plans the night before. Excited siyang dalhin sa Escarra ang tatlo dahil sigurado siyang matutuwa si Jakob. Alam din niya na mas mabubuhay nang payapa ang tatlo, pero ninakaw iyon at hindi puwedeng hindi sila babawi.
Pumasok si Ice sa loob ng kuwarto at muling pinagmasdan ang lugar bago pabagsak na nahiga sa kama. Nakatitig siya sa kisame na nagsisimula na ring mangitim dahil sa tumutulong tubig ulan mula sa kisame. Spots were starting to form and the house was becoming more fragile each day.
The walls started having molds, which Jeff and Sarah had to clean every single day.
At hindi alam ni Ice kung gaano na siya katagal na nakahiga hanggang sa masinagan ng araw ang pisngi niya. Ilang beses siyang napakurap. Ilang beses niyang dinama ang sarili dahil kalmado naman ang paghinga niya, pero masakit ang dibdib niya.
The pain manifested physically. She wanted to scream and cry but couldn't. Bigla siyang napagod.
Habang nasa hagdan, tumingin sa kaniya ang lalaki. Nakita niya ang butil ng pawis sa buong mukha nito habang nakahawak sa hitang mayroong tama ng baril. Nakita rin niya ang panginginig ng kamay, pero hinid niya pinansin at nilagpasan ito. Dumiretso siya sa camper van dahil gusto na niyang maligo.
Saktong pagpasok ng sasakyan ay siyang paglabas ni Lexus sa banyo. Bagong ligo ito at tinutuyo ang buhok. Walang pang-itaas at suot lang ang jogger pants habang hawak ang towel na isinabit sa balikat.
"Maliligo ka na rin?" tanong ni Lexus.
Isang tango ang naging sagot ni Ice bago lumapit sa bathroom at akmang papasok sa loob nang hawakan ni Lexus ang braso niya para pigilan. Hinaplos nito ang pisngi niya at sinabing magpahinga muna sila.
Nakita niya ang sugat sa kamay ni Lexus, pero hindi iyon ininda.
Ice agreed. Maaga pa at mahaba pa ang araw. Gusto rin muna niyang magpahinga.
Nang makapasok sa bathroom, bumukas ang ilaw na hindi naman ganoon kaliwanag, pero sapat na. Sandali niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Magulo ang buhok niya, mayroong dugo sa mukha niya, at alam niya sa sarili niyang pagod na pagod siya.