After breakfast, Lexus and Ice spent their day wandering around the airport. Nalungkot si Ice nang makitang puro alikabok ang dating nilinis nila. Nakita rin niya ang mga naka-plastic pang stuffed toys, lego, at ang dollhouse na aayusin sana niya.
"I should keep this," Lexus said while removing the dust from the dollhouse. "For Eve."
Ice squinted and stared at Lexus. "Napansin ko pala. Kapag nag-uusap kayo ni Anya, madalas na english ang ginagamit n'yo. Curious ako. Ano'ng meron?"
"Hindi ko rin alam." Lexus' shoulder raised. "Grabe, ha. Inoobserbahan mo ba kami? Ako nga, hindi ko napapansin 'yon, eh. Pero siguro it's just coming out of nowhere? Halata namang english speaker talaga si Anya."
Nag-agree si Ice dahil napansin na rin naman niya iyon at napag-usapan nila ng kuya niya na iba rin talaga ang takbo ng utak ni Anya. Isa lang ang ayaw niya. Masyadong mabait. Empath. Mas iniisip pa ang ibang tao kaysa sa sarili.
"I like Anya," biglang sabi ni Lexus na ikinagulat ni Ice. "Hey. Not like what you're thinking. I mean . . ." Hawak nito ang isang teddy bear na tinanggal sa plastic at iniabot sa kaniya. "Like a sister. Magaan ang loob ko sa kaniya. Iyong puwede akong mag-share sa kaniya at hindi niya 'ko huhusgahan o kaya pakikinggan niya talaga ang side ko."
Muling nag-agree si Ice dahil kahit sa kaniya, ganoon si Anya. "Nainggit nga ako roon sa babaen 'yon," mahina siyang natawa. "Sobrang ganda niyang buntis. Nanganak siya noon kay Trevor, parang wala lang. Noong nagbuntis, mas gumanda pa lalo. Samantalang ako—" Huminto siya sa pagsasalita at malalim na huminga.
At napansin iyon ni Lexus. Hindi naman siya nagtanong. Wala rin siyang balak. Ayaw niyang ungkatin pa ang bagay na alam niyang nagpahirap kay Ice.
"Isa pang kinaiinggit ko kay Anya?" muling pagbukas ni Ice sa topic. "She can have more kids. Ako hindi na. Last na si Eve. Buti na lang din . . . I kept her."
Patagilid na sinalubong ni Lexus ang tingin ni Ice. Napansin niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito ngunit kaagad na umiwas sa kaniya at nagkunwaring tinitingnan pa ang ibang laruan.
"Akala ko ba apat?" pagbibiro ni Lexus.
Mahinang natawa si Ice at ibinato sa kaniya ang isang teddy bear. "If the world is normal, I would've choose five. Kaso hindi, eh. During operation . . ." Umupo ito sa sofang nakabalot ng plastic. "Bago ako maging fully unconscious, sinabi ko sa kanila na kung sakali mang may chance, itali na 'ko. I don't want the same mistake. That pregnancy was so hard I wanted to die."
Patuloy na pinakinggan ni Lexus si Ice. Naupo rin siya sa tabi nito.
"Kaya whenever Eve's being so hard to handle and didn't want me, nahu-hurt ako," mapait na natawa si Ice. "Like girl. I almost died for you. I chose you over me kahit selfish akong tao 'tapos you won't like me?" Suminghot siya. "But feeling ko rin naman masama ang loob niya sa 'kin kasi I thought of terminating her. I get her."
Lumapit si Lexus kay Ice at inakbayan ito. Hinalikan din niya ang gilid ng noo at ito ang unang beses simula nang magkita sila. "Siraulo ka talaga. Hindi pa niya alam 'yon at hindi niya malalaman 'yon dahil tayong dalawa lang ang makakaalam no'n. Mas sanay lang talaga siya kay Delia at kay Anya kasi mas madalas silang nag-alaga kaysa sa 'yo noong nagpapagaling ka pa." Muli niyang hinalikan ang gilid ng noo ni Ice. "Don't be too hard on yourself. Kaya ka nagmumukmok, eh."
For some reason, Lexus' words comforted Ice. His warmth also calmed all the chaos inside her head. Mas inilapit niya ang katawan kay Lexus at hinayaan itong akbayan siya.
"Pinahirapan ka ba ni Eve?" bulong ni Lexus.
"Not her. Pinahirapan ako ng sariling katawan ko. Hanggang ngayon, nagbabawi pa rin ako. I still feel so fragile and I'm guilty I can't even feed her," mahinang sambit ni Ice. "Iyon ang isang bagay na hindi ko maibigay sa kaniya. Kung ano pa ang importante."