Chapter 7

1.7K 61 6
                                    




Pabalik-balik 'yung tingin ko kay Kurt na nakaupo at umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Pinagpatuloy ko ang pagwawalis sa sala pero di ko talaga mapigilan na wag syang tignan. Hindi ko alam, feeling ko kasi kasalanan ko. Babae ako, at kung ako ang girlfriend ni Kurt, iisipin ko rin na may kakaiba kapag nasa iisang bahay kayo ng isang babaeng hindi ko kilala.


"Tiffania." Tawag nya sakin na nagpatalon sakin.


"B-bakit?" Tanong ko sakanya.


"Ang aga-aga pero kung makatingin ka sakin.." Tinaasan niya ko ng kilay kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ba niya alam na narinig ko paguusap nila nung girlfriend niya kagabi? Uhh, Tiffany kasi!


"Sorry." Sabi ko, yumuko ako at pinagpatuloy ang pagwawalis hanggang sa labas.


Huminga agad ako ng malalim pagkalabas ko. Hindi nanaman ako matatahimik nito. Lumingon ako sa pinto at umiling ng paulit-ulit.


"No, Tiffany. Baka magalit sya kapag nalaman niyang narinig mo." Sabi ko sa sarili ko, kaya umupo na lang ako sa upuan at nangalumbaba. "Pero di ko naman sinasadya na marinig."


Tumunganga ako doon habang iniisip ko 'yung paguusap nila ng girlfriend niya. Kahit anong gawin ko naiisip ko parin. Ni hindi nga ako nakatulog ng ayos kagabi dahil dun! Ugh!


Mabilis akong nag-type ng message kay Crystal. Kailangan ko ng payo galing sa babae.


Tiffany:

Anong gagawin mo kapag naging dahilan ka ng break-up?


"Tiffania." Mabilis akong tumayo at lumingon sa pinto, nakita ko si Kurt dun na nakasandal. Naka-sando siya at naka-shorts pambahay.


"H-ha?" Kumunot 'yung noo niya sa sagot ko, pero tinuro niya lang 'yung loob ng bahay kaya lumapit ako at tinignan 'yung tinuturo niya. Napalingon ako sa sakanya nang nakita kong tinuturo niya 'yung daan papunta sa kusina. "Malinis na 'yung kusina, nilinis ko kagabi--"


"Magluluto ka ng almusal." Nanlaki 'yung mga mata ko sa sinabi niya.


"Pero hindi ako marunong." Sabi ko agad sakanya habang umiiling kaya napangiti siya.


"That's why I'm gonna teach you." Sabi niya habang nagwi-wiggle 'yung kilay niya.


"Kurt..." Tawag ko sakanya pero umiling siya at hinatak ako papunta sa kusina.


"Pinagusapan natin 'to kahapon, salitan tayo sa pagluluto." Sabi niya sakin. Sinubukan kong isipin 'yung rules pero wala akong maalala.


"Hindi nga ako marunong mag-luto, Kurt naman." Pagmamaktol ko sakanya na hindi niya pinansin, nasa lamesa ang patatas at itlog. "Anong gagawin ko dito?"


"Babalatan ko ang patatas at babatehin 'yung itlog, after nun, i-omelette mo." Masigla niyang sabi na parang masaya sya kasi galing sya sa break up..... Awww, oo nga pala. Galing sya sa break-up, kung ito ang way para sumaya sya edi tulungan na.


Hinugasan ko 'yung patatas pagkatapos niyang hiwain at inihanda na 'yung kawali.


"Hinaan mo 'yung apoy." Tumango ako at sinunod 'yung sinabi niya. "Hintayin mong uminit 'yung kawali bago mo ilagay 'yung mantika para di dumikit 'yung ipi-prito mo." Tumango ako ulit at hinintay na umusok 'yung kawali bago ko ilagay 'yung mantika. Natawa sya sa nakita niya pero tinignan ko lang sya ng masama, kumindat sya sakin at inihanda na 'yung mga patatas.


"Hindi ba ko matatalamsikan nito?" Tanong ko sakanya.


"Hindi?" Sagot niyang patanong, ay epal talaga. Dahan-dahan kong inilagay 'yung patatas pero mabilis akong lumayo sa kalan kaya humagalpak ng tawa si Kurt! Ugh!


"Kurt naman, e!" Reklamo ko.


"Akin na nga, akin na." Kinuha niya sakin 'yung spatula at sya na ang nagluto.


"Mapaso ka sana." Sabi ko sakanya pero nag-make face sya sakin. Tss, very childish!


Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinignan 'yung text ni Crystal sakin.


Crystal:

Lumayo? Dedma? Depende naman kasi sa sitwasyon 'yun.


Ngumuso ako at pinagmasdan si Kurt na seryosong nagluluto ng omelette na gusto niya. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya tinignan ko ulit 'yun.


Crystal:

Kung wala kang kasalanan, wag kang magpaapekto. Comfort na lang.


Inabot ko kay Kurt 'yung itlog nung kinailangan niya, nakakunot 'yung noo niya sakin habang kinukuha niya sakin 'yun.


"Why?" Tanong niya sakin nang napansin na nakatitig ako sakanya. Umiling lang ako at ngumiti sakanya na ikinagulat niya.


"Mas gwapo ka kapag nakangiti." Sabi ko at nagkibit balikat sakanya.


"Are you flirting with me?" Natatawa nyang tanong kaya umirap lang ako habang nakangiti. Umupo ako sa isang upuan at nangalumbaba para matignan siya.


"Sorry." Sabi ko. Kumunot 'yung noo niya kaya tinignan niya ko ng diresto. "Kung makikipagkita ka sa girlfriend mo, sige lang. Kaya ko naman. Hindi ko na lang sasabihin kay Tita Berna." Dire-diretso kong sabi.


"Tiffania." naiinis niyang tawag sa pangalan ko.


"Narinig ko kasi paguusap nyo kagabi, di ko naman sinasadya." Sabi ko pa ulit, nakita kong nababadtrip sya dahil sa sinasabi ko, aba, matuwa pa nga sya at sinasabi ko sakanya narinig ko. Hindi rin naman ako matatahimik kaya ayan. Spill the beans!


"Puntahan mo na siya, baka mamaya ako pa maging dahilan ng break-up nyo. Ayoko nga. Konsensya ko pa 'yun." Dagdag ko.


Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy sa pagluluto ng omelette.


"May usapan kami ni Tita Berna na di ako aalis dito unless importante talaga. Wala kang kasama dito, para ka kayang bata--"


"So sinasabi mo na hindi importante ang relasyon nyo?" Tanong ko.


"No. Ugh, stop being so nosy. I can't leave you behind, kung talagang mahal niya ko, dapat naiintindihan niya. Nasan na napunta ang tiwala?" Ngumuso na lang ako dahil sa sinabi niya.


Malay ko naman kasi sa mga pinagsasabi niya. Wala pa kong nagiging boyfriend, kaya bahala sya dyan.


"If you say so." Tumayo na ko at kinuha 'yung pagkain ni Barney, papakainin ko pa si Barney ko. "Sorry parin."


"Not your fault. Thank you."


Sumulyap lang ako sakanya at napailing na lang, di pa ko nagkaka-boyfriend pero alam kong abnormal 'tong si Kurt. Mali sya sa ginagawa niya. Dapat magpakita sya sa girlfriend niya para ma-explain ng ayos. Make time for his girl pero abnormal masyado. Ugh, anyway, pakielam ko naman. Di ko naman problema 'yang relasyon nila. Ayoko lang ma-issue. Tsk.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon