Chapter 3

2.1K 71 4
                                    







"Kayong dalawa lang ng mama mo dito?" Tanong nung lalaki.


"Sa ngayon, oo." Sagot ko. Tumango naman siya at tumingin na ulit kay Mama.


"Your mom is so pretty." Puri niya sa mama ko kaya ngumiti ako.


"Kanino pa ba ko magmamana?" Pagmamayabang ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.


"Hindi ko makitang magkamukha kayo ng nanay mo." Napabuga ako ng hangin at handa na sana siyang sapakin kundi ko lang naalala na tinulungan ko kay Mama. Yabang!


"Maganda ko. Lahat ng nakatira sa bayan na 'to ay alam 'yun." Sabi ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko. Ang yabang niya! Mama!!!!


"If you say so." Maarte niyang sabi sakin.


"Palibhasa kasi hindi taga dito." Bulong ko kaya mas lalo niya kong pinagtaasan ng kilay. Aba! Bahala sya dyan.


"KURT!?" Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ko ang malakas na boses ni Tita Berna.


"Tita Berna naman! Dahan-dahan sa pagsigaw, halos lumabas 'yung puso ko sa gulat, eh." Sabi ko habang napapailing, hindi ako pinansin ni Tita at dumiretso kay 'Kurt' daw na nakaupo sa sofa namin.


"Auntie." Kulang na lang lumuwa 'yung mga mata nung lalaki dahil sa gulat.


"Anong ginawa mo dito? Bakit ka nandito? Bakit ka nakaupo dyan?--"


"Auntie, wait.... her mom collapsed that's why I'm here." Mayabang niyang sabi.


"Bakit? Doktor ka ba ha--"


"Ugh.." Natahimik 'yung dalawa dahil lumingon sila kay Mama na dahan-dahan bumabangon. Mabilis akong tumakbo papunta sakanya para maalalayan siya.


"Ma.." Tawag ko sa pangalan niya habang inaabutan siya ng isang basong tubig.


"Bakit umiikot 'yung paningin ko, Tiffany?" Humawak siya sa balikat ko para mabalanse nya 'yung katawan niya.


"Nawalan ka po ng malay kanina. Ayos ka na ba?" Tinulungan ko siyang makaupo ng maayos, kumunot 'yung noo niya nang nakita niya 'yung dalawang tao sa likod ko.


"Ayos ka na ba?" Tanong ni Tita Berna kay Mama, tumango si Mama sakanya at ngumiti ng matamis. "Salamat, Hijo." Sinulyapan niya lang si Kurt dahil binaling niya kaagad ang buong atensyon niya sakin.


"Hindi ka na nahihilo?" Tanong ko, umiling siya sakin habang hinahawakan niya ang buhok ko.


"Napanaginipan ko ang papa mo, Tiffany." Sabi niya. Tinignan ko lang siya dahil sa sinabi niya.


"Nagpapahanap ata sayo si Papa." Sagot ko sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim kaya mabilis akong tumayo at inakbayan si Tita Berna. "Nandito si Tita Berna, hindi naman niya ko papabayaan."


"Bakit ba pinagpipilitan nyo kong hanapin si Eduardo?" Natatawang tanong ni Mama samin.


"Dahil nahimatay po ata kayo dahil sa pagaalala." Nilingon ko 'yung nagsalita, aba? Nandito pa pala 'to? "Wala naman po kayong sakit sa puso."


"G-ganun ba?" Ngumuso ako nang nakita kong hindi makatingin si Mama doon kay Kurt.


"Sige na, Minerva. Hanapin mo na ang asawa mo, nandito naman si Kurt para bantayan ang anak mo-"


"PO?/EXCUSE ME?!" Kinagat ko ang labi ko at nilingon ulit 'yung lalaking kasabay kong magsalita kanina. "Mawalang galang na Tita Berna, pero bakit nyo ko iiwan sa lalaking hindi ko naman kilala?!"


One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon