Nag-inat ako bago ko isinandal ang ulo sa braso ni Andrew para mapagmasdan ang langit. Halos mapuno ito ng mga bituin kaya sobrang liwanag kahit na wala namang ilaw sa paligid.Napagpasiyahan nila Harold na maghanap ng maiinuman ng alak dito sa lugar namin, at itinuro ko sakanila ang mga pwesto ng pwede nilang puntahan, pero nang nalaman nilang balak namin nila Crystal na magpunta dito sa hill ay sumama na sila.
"The sky is so beautiful," bulong ko at itinaas ang mga kamay na parang iniaabot ko ang mga bituin sa langit.
"The summer is almost over," sabi ni Harold mula sa pwesto niya. Umupo ako ng ayos at tinignan ko siya na ngayon ay nakatingala rin at pinagmamasdan ang langit.
"Kailan kayo aalis ng bansa?" Tanong ni Elias sakaniya.
"Inaayos na ng school 'yung papeles. So, maybe after the concert," sagot ni Harold sa kaibigan niya.
Kahit walang ilaw ay makikita mo ang mga mukha nila sa liwanag ng mga bituin at buwan, kaya napansin ko ang pagsulyap ni Elias sa pwesto ni Kurt.
"Nag-usap na ba kayo?" Tanong ni Elias. Pasimple ko ring tinignan si Kurt. Itinukod ko pa ang baba ko sa mga tuhod ko at pinagmasdan ang mukha ni Kurt dahil sa tinanong ng kaibigan. Kakaiba talaga ang kinang ng mga mata nito kapag naiilawan. Gusto ko ng mga ganoong mata.
"Yes. Tumawag siya," sagot ni Kurt. Kahit na walang pangalan ay alam na agad kung sino ang pinaguusapan.
"I don't mean to intrude," sabi ni Crystal.
"But you want to," dugtong naman ni Andrew sa kaibigan namin kaya tinignan siya ng masama ni Crystal bago tumingin muli kay Kurt.
Nakita ko ang pagsulyap sa'kin ni Kurt bago niya tinignan si Crystal para makinig sa sasabihin nito. Mukhang alam ko na ang itatanong ni Crystal kaya ang ginawa ko ay tumalikod sa pwesto nila at naglakad papunta doon sa favorite spot ko.
Umupo ako at tinignan ang mga ilaw ng bahay, pati na rin ang ilaw sa may plaza kung nasaan ang peryahan. Naririnig ko mula sa pwesto ko ang malakas na tugtugan doon, kung siguro hindi ko kasama sina Crystal at baka nandoon pa ako.
"Kayo pa ba?" Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Kung siguro ako ang magtatanong noon ay baka rude pakinggan, pero dahil si Crystal naman iyon at kasama sa grupo nila ay siguro hindi naman.
"Hindi na," sagot ni Kurt kay Crystal. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako tumingala muli at pinagmasdan ang langit.
"Why? I saw you two together, Kurt. Ang ganda ng relasyon niyo. Bakit natapos?" Nilingon ko ang pwesto nila dahil sa tinanong ni Crystal. Si Dylan at Elias na nagkekwentuhan ay huminto rin para tumingin kay Kurt.
"Does it matter?" Tanong niya kay Crystal.
"Ha? Ang alin?"
"Knowing the reason of our break up?" Kumunot ang noo ko at bago pa magkasalubong ang tingin namin ni Kurt ay iniiwas ko na agad ang paningin ko. Humiga na lang ako sa damuhan para pagmasdan muli ang langit.
"I don't know. Maybe. Gusto ko lang malaman," sagot ni Crystal sakaniya. "That kind of relationship isn't something na alam mo 'yun? Matatapos na lang basta."
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...