Chapter 55

964 31 3
                                    


"Anong plano mo?" Iniligpit ko agad ang mga libro at kung anu-anong papeles ang nasa ibabaw ng lamesa ko. Tumaas ang kilay ni Elias nang napansin niyang nagliligpit na 'ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"No," sagot ko sakaniya. Nag-wiggle ang dalawa niyang kilay sa isinagot ko.

"Tiffany, ilang araw ka ng mag-isa. Iniiwasan mo ba si Crystal?" Tanong niya muli pero hindi ko sinagot. Kaibigan niya si Crystal at malamang sa malamang, napansin nga niya na hindi na ko sumama kay Crystal.

"Hindi, Elias. May inaasikaso lang ako," sagot ko sakaniya. Kailangan ko ng maghanap ng kompanya kung saan ako magi-intern. Kailangan ko ng maging busy. Masiyadong maraming bumabagabag sa isip ko na gusto ko na lang maging busy.

"I'm hungry. Pwede bang samahan mo muna 'ko bumili ng pagkain?" Tinaliman ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang siya sa'kin. "I just wanna eat."

"Kumain ka mag-isa mo," sagot ko sakaniya. Tumayo na ako sa pwesto ko at naglakad na paalis, pero nang nakita kong papunta sa gawi ko si Crystal habang kausap si Nadine ay agad akong bumalik sa pwesto ko.

"Ohh..." sabi ni Elias nang napansin niyang bumabalik ako.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko sakaniya. Kumunot ang noo niya pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya para makaalis na kami doon pero nanatili lang siya sa pwesto niya. Tinignan ko siya at napansin kong nakatingin siya sa likuran ko. Sinulyapan ko iyon at nakitang si Crystal ang tinitignan niya

"Akala ko ba hindi mo iniiwasan?" Marahan niyang tanong pero umiling lang ako at naglakad na paalis doon. Kung ayaw niyang sumama, bahala siya. Gusto ko na lang umalis doon.

Hindi ko alam kung paano kakausapin si Crystal pagtapos nang nangyari sa coffee shop. Tandang-tanda ko pa ang huling paguusap namin na sa tingin ko ay... naiintindihan niya kung hindi muna ako sumasama sakaniya.

I love her. She's my friend, pero hindi ko talaga alam kung paano makisama sakaniya.

Humigpit ang hawak ko sa mga librong nasa dibdib ko nang naalala ko ang huling paguusap namin.

"I'm sorry, Tiffany," iyak nila ni Nadine sa harapan ko. Narinig ko ang buong kwento. Kung hindi ko maririnig ang side ni Andrew ay papakinggan ko na lang ang kwento sa ibang point of view, at siguro... kung makakaya kong gawin ay ipagtatanggol ko siya.

"Bakit damay ako?" Pumiyok ang boses ko sa tanong na iyon. "Kung kayong dalawa ang involved... bakit pati ang friendship naming dalawa ay nasagasaan?"

Nanginig ang mga labi ni Crystal na para bang tanong niya rin iyon at alam niyang sobra-sobra ang sakit na dinadala ko.

"Tiffany..." humagulgol si Crystal nang binanggit niya ang pangalan ko.

"Kung kayong dalawa naman talaga ang puntirya niya... bakit nadamay ako?" Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Napahagulgol na lang ako sa nalaman ko. "He didn't want to hurt me... it's just you, Nadine. Ikaw ang gusto niyang saktan."

Itinikom niya ang bibig niya at ikinuyom ang mga kamao niya.

"Ibig sabihin... totoo ang friendship namin," bulong ko. "And I'm sorry, pero kung talagang gusto ka niyang saktan. Sana matagal na niyang ginamit si Crystal."

"Hindi ba iyon ang purpose niya kaya siya lumapit sa'kin?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Crystal pero umiling ako. Umiling ako sakaniya. Dahil hindi siya lalapitan ni Andrew kung hindi dahil sa'kin. Walang planong kung ano si Andrew... No. My Andrew isn't that bad. Maybe he lied about his identity but no... he's not bad. I know that.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon