Chapter 36

1K 39 3
                                    


Nanatili akong nakasimangot kahit na naglalakad na kami pabalik sa school. Ni hindi ko pinansin si Kurt na panay ang suyo sa'kin kaya ang mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa'kin.

"Ang sungit naman," nangaasar niya pa ring sabi kaya nilingon ko siya at tinignan ko siya ng masama. Ang kaninang mukha niya na natatawa ay nagpumilit na itago ang ngiti at nagseryoso sa tapat ko, pero inirapan ko lang siya ulit at naglakad na palayo sakaniya.

"Hey, wait!" Hinawakan niya ang braso ko pero agad kong hinawi ang kamay niyang humawak doon.

"Tiffania, naman. 'Wag naman tayo maghiwalay na ganyan ka," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. At kasalanan ko pa talaga?

Huminto ako sa paglalakad at si Kurt naman ay huminto sa harapan ko para matignan ako ng diretso sa mga mata. Tumaas ang kilay niya nang napansin niyang seryoso pa rin ang tingin ko sakaniya. Humakbang siya ng isa palapit sa'kin at pinindot ang matangos kong ilong na naging dahilan kung bakit mas lalo akong nairita.

"Why are you so mad? Hmm?" Umikot ang mata ko at iniwan siya sa pwesto niya dahil naiirita ako sa malambing niyang boses.

"Wait up!" Natatawa niyang sabi bago ako hinabol. Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko. Agad ko siyang nilingon sa ginawa niya at ang loko ay nagawa pang isandal ang baba niya sa kaliwang balikat ko.

"Are you mad na hindi ko inulit ang sinabi ko kanina?" Tumalim muli ang tingin ko sakaniya dahil sa sinabi niya pero ngumiti lang siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko.

"Bitawan mo ako, Kurt. Pinagtitinginan tayo," madiin kong sinabi sakaniya.

"No. Not gonna let you go," naramdaman ko ang malakas na kalampag ng puso ko dahil sa sinabi niya, lalo na nang sinalubong niya ang tingin ko sakaniya. Hinila niya pa ako ng mas malapit na hindi pinuputol ang titigan naming dalawa.

"Hear that, Tiffania? I'm not gonna let you go," kumurap ako at kinagat ang ibabang labi ko nang naramdaman kong may mainit na likido ang bumuhos sa puso ko.

Ngumiti ako sakaniya at hinawakan ang kamay niyang nasa bandang tyan ko dahil nakayakap siya sa'kin mula sa likuran ko.

"Is that a promise?" Namamaos kong tanong sakaniya na sinagot niya ng isang matamis na ngiti.

"Yes," sagot niya.

Kinalas niya ang pagkakayakap niya sa'kin para mapagsalikop niya ang mga kamay namin at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod ako sakaniya at iniiwas na ang tingin. Ramdam ko ang pagiinit ng mukha ko, siguro ay kasing pula na ako ng kamatis dahil naglalaro nanaman ang ngiti sa mga labi ni Kurt.

"Para kang ewan. Pinagtitinginan tayo," bulong ko na sa tingin ko ay narinig niya dahil nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa'kin.

"Oh, I don't mind, Tiffania. I'm more than willing to shout right now and tell them how I'm happy today," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tinignan siya pero ngumiti lang siya. Isang ngiti na kung bibigyan ko siya ng pahintulot ay sisigaw talaga siya.

"Oh, shut it, Kurt! Bahala ka na diyan, late na ako!" Mabilis kong binawi ang kamay ko at tumakbo na papunta sa building kung nasaan ang susunod kong klase.

Narinig kong tumawa siya at nang nilingon ko siya ay nanatili siya sa posisyon niya habang tumatawa at pinapanood akong tumakbo palayo sakaniya. Damn that man. Bakit ang galing-galing manlandi?! Bakit alam na alam niya ang mga dapat sabihin sa babae para maihi ito sa kilig? Ay ewan!

Panay pa rin ang iling ko nang pumasok ako sa classroom, napansin ko ang mga tingin sa'kin ng mga kaklase ko pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para isipin kung bakit dahil alam ko naman ang dahilan. At napatunayan ko iyon nang nakatingin sa'kin si Quiazel, nakatingin lang siya at walang ekspresyon sa mga mata niya.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon