Tumayo na si Crystal dahil kailangan na niyang samahan sa stage si Kurt. Ang alam ko ay may kakantahin silang dalawa, pero hindi nila kinakanta sa tuwing may rehearsal. Ang sabi ni Kurt ay surprise daw 'yun sa concert kaya hindi nila pupwedeng kantahan ang kanta dito sa gymn.Nangalumbaba na ako at tinignan ang dalawa sa paguusap. Itinuro sakanila noong choreographer kung saan sila papasok at kung paano sila maglalakad palapit sa isa't-isa.
"Nandito ka pala?" Nilingon ko si Dylan nang kinausap niya ako.
"Yes, nagpasama nanaman kasi si Kurt," sagot ko sakaniya. Hinimas niya si Barney na nakaupo sa paanan ko at nakatingin lang sa mga tao.
"Hello, Barney! Nawiwili ka na rito sa Manila, ah!" Nakangiti niyang sabi sa aso ko. Gumalaw lang ang buntot ni Barney pero hindi siya nito nilingon.
"Bakit hindi ka sumasali sakanila?" Tanong ko sakaniya.
"Ayoko. Mas gugustuhin kong mag-basketball na lang," sagot naman niya sa'kin. Tumango ako at tinignan na ang kaibigan kong nakikipagtawanan sa stage.
"Ikaw? Bakit hindi ka sumasali?" Tanong niya pabalik.
"I'm better sa back stage, wala akong maitutulong sa stage," natatawa kong sagot kay Dylan pero tinignan niya lang ako.
"Ang sabi ni Crystal ay maganda raw ang boses mo. Bakit hindi mo subukan?" Tanong niya kaso umiling lang ako. Ayoko talaga.
Ngumiti ako kay Kurt nang nakita kong tumingin nanaman siya sa pwesto ko. Hindi ko alam kung chinecheck nya ba kung buhay pa ako o trip niya lang tumingin.
"He's always checking up on you," ngumiwi ako sa sinabi ni Dylan dahil hindi ko alam na napapansin na niya 'yun.
"Ilang beses ko kasi siyang iniiwan dito sa tuwing nagugutom na ako," sagot ko kay Dylan.
Tumunog ang cellphone ko kaya hindi ko na narinig ang sinasabi ni Dylan. Kinuha ko 'yun at sinagot na kaagad.
"Nasa school ka nanaman?" Tanong ni Andrew sa'kin.
"Hello to you, too, Ands," umikot pa ang mga mata ko nang sinabi ko 'yun.
"Samahan mo ako mag-shopping!" Ngumuso ako dahil sa paanyaya niya. I can't leave.
"Next time," sagot ko sakaniya.
"What? Bakit? Ano bang ginagawa mo diyan sa school?" Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko rin naman alam ang ginagawa ko dito.
"I'll talk to you later," paalam ko sakaniya bago ko pinatay ang tawag. Kinuha ko na rin ang tubig sa gilid ko na galing kay Crystal at ininom 'yun.
Tumayo si Dylan mula sa pagkakaupo kaya nilingon ko siya, at nang nilingon ko siya ay nakita ko ang pagiging seryoso niya. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong kay Crystal siya nakatingin.
"You're staring at her," sabi ko pero mukhang hindi niya narinig dahil hindi siya umimik. Doon sa pwesto ni Crystal ay nakita ko si Aldein na kinakausap ang kaibigan ko.
Palihim kong tinignan muli si Dylan at mukhang naiintindihan ko na kung anong mayroon dito. Nanatili akong nakaupo at tinignan si Kurt na nakatayo sa stage habang kinakausap si Harold.
What's taking him so long? Gusto ko ng kumain. Nagugutom na ako.
Kunuha ko ang treats ni Barney sa bag ko at ibinigay sa aso kong nakaupo sa paanan ko.
"Hindi na tayo sasama bukas, Barney, ha?" Sabi ko sa aso ko habang hinihimas ang ulo niya. Oo, nakakaipon ako sa tuwing kasama ko si Kurt dahil siya ang gumagastos ng pagkain ko, pero wala naman akong ginagawa dito kundi ang mag-drawing lang.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...