Chapter 24

1.2K 46 3
                                    


Itinapon ko ang cup ng ice cream sa basurahan habang sila Crystal at Andrew ay nagkukulitan sa gilid ko. Hindi ko alam pero ngayong nakita ko ang post ni Kurt sa Instagram ay parang hindi ko kayang makita sya.

Shut it, Tiffany! Parang hindi kayo natutulog sa iisang bahay! Kahit 'di mo siya makasama ngayong gabi ay sa iisang bahay pa rin kayo uuwi, at pagkagising mo kinabukasan ay makikita mo siya at pagtapos noon ay makikita muli siya sa susunod na bukas! Kaya tumigil ka! Crush mo naman kasi talaga si Kurt, kaya ngayong naging close kayo at nakita mo ang post niya sa ig niya ay kinikilig ka, kasi nga crush mo siya noon pa man. Tigilan mo ang pagiisip ng kung ano.

"Heyyy! Are you okay?" Tanong ni Crystal sa'kin at sinundot pa ang tagiliran ko. Natagpuan ko ang mga mata ni Andrew sa'kin habang sinisipsip niya ang lollipop niya.

"Yeah. So ano na? Saan na tayo pupunta?" Tanong ko sakanilang dalawa. Si Crystal ay tumingin sa paligid na parang nagiisip pa kung anong gagawin.

"Tara na nga lang kasi doon sa color game?" Sabi ni Crystal pero pinigilan siya kaagad ni Andrew.

"Mauubos ang pera ko diyan! Ayoko! Baka mamaya ay mawalan pa ako ng pang-gas! Mag-foodtrip na lang tayo!"

"Walang hiya naman 'tong si Andrew! Food trip lang pala gusto mo sana sa Katipunan na lang tayo pumunta dahil maraming kainan doon!" Reklamo sakaniya ni Crystal.

"At nandoon ba si Tiffany? Aber? Wag kang maarte!" Sagot ni Andrew sakaniya.

Inilagay ni Andrew ang kamay niya sa balikat ko at hinatak pa ako palapit sakaniya.

"Uubusin ko na lang ang cotton candy dito? Ganun?" Tanong ni Crystal na may kasamang pag-irap.

"May laro doon na hindi sugal! May gagawin ka lang na game para makuha mo 'yung stuff toys!" Sabi ko sakanilang dalawa. Tumatalon-talon si Crystal at agad akong hinatak palayo kay Andrew.

Nilingon ko si Andrew na tumatawa sa'ming dalawa ni Crystal. Hinawakan ko ang kamay ni Tiffany at iginiya siya kung nasaan ang pwesto ng mga games para sa stuff toys.

"Shooting range," sabi ni Crystal habang nakasimangot. "I can't do this. Andrew!"

"Ano nanaman?"

"Ikaw maglaro nito!" Sabi ni Crystal sakaniya.

"Ayoko! Stuff toy lang pala gusto mo sana binilhan na lang kita sa malls!" Halos umirap ako dahil sa pagbabangayan ng dalawa. Kinuha ko ang crossbow kay Crystal at itinapat 'yun sa target.

"Marunong ka, Tiffany?" Tanong ni Crystal sa'kin. Ngumisi lang ako sakaniya at pinindot ang trigger para maitira na ang pana, and tada!

"Bull's eye!" Sigaw ni Crystal na ngayon ay niyayakap ako ng mahigpit!

"May itinatagong skill ka pala sa crossbow, Tiffany. Hindi na kita aasarin baka panain mo pa ako," tumawa si Crystal sakaniya. Umiling lang ako at tinira muli ang crossbow.

I'v been doing this since I was a kid kaya nakakabisado ko na ang tamang layo at tamang anggulo para tumama sa red dot.

"Ikaw nanaman, Tiffany. Sa susunod na taon talaga hindi na kita hahayaan na maglaro dito," sabi ni Manong Philip sa'kin. Tumawa ako sakaniya at tinira pa ang crossbow.

Dapat kasi tatlong bull's eye para makuha ang malaking stuff toy na nakasabit doon.

"Ikaw naman, Manong! Pagbigyan niyo na ako, may mga kasama akong kaibigan galing Maynila o," nakangiti kong sabi sakaniya. Ngumiti siya sa'kin at kinuha na ang crossbow sa mga kamay ko. Nag-abot ako ng isang daan sakaniya pero umiling lang siya.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon