Chapter 44

1K 36 14
                                    



"Hindi ko naman alam na ayaw mo palang nagpapansinan si Kurt at Quaizel?" Nilingon ko si Crystal dahil sa sinabi niya. Ibinaba ko ang isang dress sa kama bago ko siya sinagot.

"Hindi sa ayaw kong nagpapansinan sila, Crys. Nagtataka lang ako," sagot ko sakaniya. "I saw him tapped Quaizel 's shoulder and then nagkawayan sila noong aalis na kami..."

Kumunot ang noo ng kaibigan ko at pinagmasdan ako na mukhang naguguluhan sa nangyayari. Tumayo siya at lumapit sa'kin pagtapos ay hinawakan ang balikat ko.

"Kurt's gonna introduce you to his mother. May ibang dahilan pa ba para magduda ka?" Marahan niyang tanong sa'kin.

As if introducing his girlfriend to his mom is the answer to all of my questions. Nagtataka lang ako... gusto ko malaman kung bakit naguusap ulit sila.

"Tiffany, someone told me that the past doesn't matter anymore kung masaya ka na sa nangyayari sa buhay mo," paliwanag niya sa'kin.

"Look," dugtong niya sa sinabi niya nang hindi ako sumagot sa sinabi niya. "Para sa'kin, ang dahilan kung bakit hindi sila naguusap noong nakaraan ay dahil sariwa pa ang sugat. Diba? Hindi maganda ang break up nila, but maybe time really heals wounds, and then naisip ni Kurt at Quaizel na they can stay civil after everything."

"You can't really be friends with your ex," kontra ko sa sinabi niya kaya huminga siya ng malalim.

"I saw him how he looked at you. How he smiles whenever you're around. I can feel his happiness, Tiffany," ngumiti ako sakaniya kahit na hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. "I saw him noong nag-break sila. He's not in good shape. Like, alam mo 'yun? May nawala sakaniya at noong nakita kong tumatawa siya at ngumingiti sa tuwing magkasama kayo..."

Umupo ako sa kama kaya si Crystal ay hinila ako patayo. Hinawakan niya rin ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng isang ngiti.

"This is your first relationship. He's your first love, and trust me, Tiffany. Being in a relationship isn't all about rainbows and unicorns. Ang una mong makakalaban ay ang ex ng boyfriend mo." Iniabot niya sa'kin ang isang white dress.

"At hindi magwo-work ang isang relasyon kung wala kang tiwala sa partner mo."

"I trust him, Crys. I really do."

"Then smile," sagot niya muli. "Hindi porket naguusap na ang dalawa ay mawawala na lang bigla ang pagmamahal sa'yo ni Kurt. Ikaw na ang nagsabi, they've been together for years. They had a connection that no one can break. They will always have that."

Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang dress na iniabot niya sa'kin. Tinalikuran ko siya at sinuot na iyon sa katawan ko. Inilagay ko muli ang tuwalya sa buhok ko dahil medyo basa pa ito mula sa pagligo ko kanina. Umupo ako sa upuan at itinapat sa'kin ang electric fan para mapatuyo ko ang buhok ko habang nagme-make up ako.

I wonder... if the connection I'm talking about will pull them together again. At saan ako pupulutin? Sa tabi na lang dahil marerealize nilang gusto pa rin nilang magkasama. Gusto pa rin nilang ipagpatuloy ang nararamdaman nila.

Para akong kontrabida sa isang love story, e. Iyong nag-break na magkasintahan, tapos may dadating na bagong tao hindi para makatuluyan noong bida, kundi magiging susi para magising at maisip na iyong una pa rin. And yes, ako iyong taong bagong dating sa love story.

Alam kong mahal ako ni Kurt. Ramdam ko iyon, ang tanong ko lang dito... gaano niya ako kamahal? Kaya ba niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para sa'kin sa oras na ipagsigawan ng katawan niya na si Quaizel parin ang gusto niya?

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at halos sabunutan ko ang sarili ko dahil halatang-halata sa mga mata ko ang sakit. Bakit hindi ito inilagay sa fairytales? Na masakit pala kapag nagmamahal? Bakit hindi nila sinabi na kailangan malakas ka dahil hindi madali? O baka... nahihirapan at nasasaktan lang ako ngayo dahil... hindi naman talaga ako ang para kay Kurt?

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon