Pasimple kong sinulyapan si Kurt habang pinupunasan ang lamesa na pinagkainan namin ngayong tanghali. Gusto ko sanang tumayo at tulungan siya pero pakiramdam ko hindi makabubuti na lumapit sakaniya at tulungan siya sa kusina.Tinignan ko ang cellphone dahil sinearch ko ang instagram ni Quaizel, hindi ko alam pero gusto ko siyang i-stalk, mukhang mababaliw na ata ako. Inexit ko ang profile niya sa instagram at tumayo na para kausapin si Kurt.
"Kurt!" Tawag ko sakaniya. Iniangat niya ang tingin niya sa'kin nang tawagin ko siya.
"O bakit?" Tanong niya sa'kin.
"Nabulok na ang Facebook at Instagram mo! Try mo naman mag-post," sabi ko sakaniya habang umuupo sa upuang nasa harapan niya.
"What for?" Nakataas ang kilay niya nang tinanong niya 'yun. Wala lang? Gusto ko lang na mag-post ka?
"Bulok na kasi. Inamag na," pangugutya ko sakaniya pero nginisian niya lang ako.
"Ayoko," sagot niya sa'kin. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at pinatong ang baba ko sa mga kamay kong pinagsalikop ko.
"Why why why?" Tanong ko muli sakaniya, ngumiti lang siya muli at umiling sa'kin. Okay. Ayaw niya.
Tumayo na ako para makaalis doon dahil wala naman akong napala, pero tinawag niya ako at tinanong kung kailan ako luluwas sa Maynila. Pasukan na kasi sa susunod na linggo.
Halos hindi ko na naramdaman ang bakasyon ko dahil palagi akong hinahatak ni Kurt papuntang school. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan kasama ako, pero walang palya. Kahit na anong gawin kong dahilan ay sinasama niya ako. Gusto ko na nga siyang sapakin minsan dahil ang kulit niya pero wala akong magawa, lalo na minsan naiisip ko rin na kailangan kong umalis dito dahil baka magkasalubong kami ni Maxine.
Nangalumbaba na lang ako at tinignan si Kurt na ngayon ay naglalakad papunta sa pwesto ko. Wala na silang practice ngayon, ibig sabihin sa loob ng isang linggo ay siya lang ang makikita ko. As in siya lang. I kinda miss Crystal, now. Sabihin ko kayang pumunta sila dito ni Andrew? Haaayyy! Ang laki ng problema ko. Nakakaloka na.
"What's the problem?" Tanong niya sa'kin at sinagot ko naman siya ng diretso.
"Nagsasawa na ako sa mukha mo. Gusto kong papuntahin sina Crystal at Andrew dito," sabi ko sakaniya. Nang tinignan ko siya ay nakangiti lang siya sa'kin. Ano nanaman ba bakit ba nakangiti nanaman 'to?
"Pupunta ata si Crystal sa party na inihanda ni Harold," ngumiwi ako sa sinabi niya. Party for what?
"Remember when I told you na may nagdala ng kotse ko dito? That's Harold at nandoon sila ngayon sa kabilang bayan, preparing for the party," paliwanag niya. Oh, so they're really close.
"Ang gwapo ng kaibigan mong 'yun," wala sa sarili kong sinabi. I'm so bored, utusan ko kaya si Barney na kagatin si Kurt? Pero nang nilingon ko si Barney ay natutulog siya sa sulok.
"You like him, ha," sabi niya at tumango naman ako. Sinabi ko na dati sakaniya na crush ko si Harold kaya hindi na ako mahihiya.
Umupo siya sa harapan ko at iniabot sa'kin ang cellphone ko na nagri-ring. Halos umikot ang mga mata ko nang nakita kong si Krista ang tumatawag. Bakit nga ba may number niya ako?
"Sagutin mo," sabi ko kay Kurt at dumapa na ako ng tuluyan sa sofa. Kung pupunta si Crystal sa party ay malamang kasama si Dylan, and when there's Dylan, nandoon din si Aldein, at syempre kapag nandoon si Aldein kasama si Krista!
Oh my ghad! Alam ko na! Papapuntahin ko na lang si Crystal dito at si Dylan, hindi bale nang maging third wheeler ako kahit wala silang relasyon, magkaroon lang ako ng kasama maliban kay Kurt.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...