Ang mga taong nakakasalubong namin ay napapatingin sa'min, pati ang mga taong nasa harapan ay humihinto at pinagmamasdan kami ni Kurt na parehong nakangiti habang naglalakad pabalik sa classroom. Kung nasa ibang pagkakataon lang ay baka inirapan ko na sila, pero masiyado akong masaya para isipin sila kaya hinayaan ko na, and besides, ulo naman nila ang nababali.
"Pasok na ako sa loob," sabi ko sakaniya nang nasa harapan na kami ng classroom. Tumango siya sa'kin pero hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko.
"Kurt," tawag ko sakaniya. Ngumuso siya at pinagmasdan pa ang buong mukha ko na parang ako lang ang nakikita niya sa hallways ngayon.
Nilingon ko ang classroom at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita kong nandoon na ang professor namin, nakatingin siya sa'min habang nakataas ang kilay na naging dahilan kung bakit pati ang mga classmates ko ay nakatingin sa'min. Oh my gosh. Masiyado akong kinikilig kaya... hayyy.
"Pasok na sa classroom mo," sabi ko sakaniya at marahan siyang tinulak palayo sa'kin para mabitawan niya ang kamay ko.
"Wait for me, okay? Magde-date tayong dalawa," pahabol niya bago niya binitawan ang kamay ko. Kumaway pa siya nang nagsimula siyang maglakad palayo sa'min.
Kinagat ko ang labi ko at kumaway pabalik habang naglalakad papasok sa classroom, tumikhim ang professor ko para sa subject ko ngayon kaya agad kong iniwas ang tingin kay Kurt para matignan ang professor kong nakatitig sa'kin.
"Masarap ang may lovelife, ano, Miss Santos?" Ngumuso ako para mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Tinalikuran ko ang professor para makaupo na ako sa upuan ko.
This is too much for having a low profile. Oh, whatever.
Inilabas ko ang sketch pad ko at ang lapis ko para magsimulang gumuhit dahil pinagtitripan ako ng professor namin sa harapan. Nangalumbaba pa ako habang nangdo-drawing. I'm too inspired today!
"Hindi dahil college na kayo at senior na kayo ay may karapatan na kayong maging PDA," parinig ng professor ko sa'kin.
"Isang beses pa na mahuli ko kayong nagyayakapan sa hallway, Santos, didiretso na kayo sa Dean's office," kumunot ang noo ko dahil narinig ko ang singhap ni Quaizel. Hindi ata makapaniwala sa narinig niya.
"Naiintindihan mo ba ako, Tiffany Santos?" Umupo ako ng maayos at tumango sa harapan ng professor namin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at pasimpleng yumuko para hindi na ako pagdiskitahan ng professor namin. Kaya nga kami nandoon ni Kurt, e. Para masabi ko sakaniyang tumigil muna sa pagiging madikit kapag maraming tao, pero sa tingin ko mas napasama pa ako.
"Noong nakaraan ay nakita ko kayong dalawa sa quadrangle na nagyayakapan," madiing sabi ni Ma'am.
"Eh ano naman ngayon? Hindi naman na sila minor," kumunot ang noo ko at halos batuhin si Pandora na bumubulong. Tumawa ang kaibigan niya pero agad na itinigil dahil ayaw mahuli ng teacher namin.
"Ay naku, Tiffany. Hayaan mo na 'yang si Ma'am. Matandang dalaga kasi kaya ganyan kasungit," umirap si Eve nang sinabi niya iyon.
Natawa na lang ako pero nanatiling tahimik dahil ayoko na mapagalitan pa ako. Tama naman kasi si Ma'am, we're displaying too much of affection. Hindi na maganda.
Nag-iba na ang topic sa loob ng classroom pero ang katabi ko ay hindi pa rin umiimik at napansin ko ring nasa parehong pahina pa rin siya ng libro. Hindi ito nagbago mula nang dumating ako.
Naglakas loob ako na lingunin siya kahit na hindi naman na dapat pero nahihiya kasi ako sakaniya sa mga naririnig niya. Nakatingin siya sa libro niya at mukhang malalim ang iniisip. Pumikit ako ng mariin at inilipat na ang tingin ko sa kabilang gawi ko.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomansaOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...