LAST CHAPTER

1.4K 34 11
                                    

Mabilis kong kinuha ang bag ko sa kwarto ni Maxine, pero si Maxine ay pinigilan ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa magkabilang braso ko pero hinawi ko lamang ang mga kamay, tila parang papel ang mga kamay ko sa sobrang panghihina niyo na hindi ko man lang nahawakan ang mga kamay niya.

"Take a shower first, please..." pagmamakaawa ni Maxine pero umiling lang ako sakaniya. Wala akong mailabas na mga salita dahil parang tambol sa tenga ko ang narinig ko kanina.

"He's your half-brother, Tiffany..."

Half-brothee? How come I have that one? Paano kami naging magkapatid? Kaya ba... kaya ba tinanong ako dati ni Mrs. Villalauz kung sino ang nanay ko? Kaya ba nung isinama ako sa dinner ni Kurt dati ay parang hindi na naging komportable sa'kin ang mommy niya?

Nag-ayos lang ako ng itsura pero hinayaan ko ang mga luha kong panay ang tulo sa pisngi ko. Iniwasan ko si Maxine sa loob ng bahay na nagmamakaawa sa'king kumalma na muna. Ilang beses niyang sinabing maligo ako para kumalma ako kahit papaano, pero sa ngayon... hindi iyon ang kailangan ko.

Kailangan kong bumalik sa probinsya at makausap sina Mama. Gusto kong pumunta doon para tanungin sila kung totoo ba?

Ayokong maniwala, pero pakiramdam ko sa mundo ngayon wala ng imposible. Pakiramdam ko wala ng totoo sa lahat ng pinapaniwalaan ko. Pakiramdam ko nabuhay na lang ako para lokohin ng lahat.

Tumawag ako ng taxi at sinabing ibaba ako sa terminal ng bus papunta sa probinsya. Mabilis lang ang naging biyahe papunta doon kaya mabilis din akong nakasakay sa bus pauwi. Wala na kong sasayanging oras pa.

Nawala si Papa the same month kung kailan nagpunta si Kurt sa probinsya. Nawala si Papa at hindi agad sila bumalik hangga't 'di sila nakakasigurong nasa Manila na kami ni Kurt. My mom fainted when he saw Kurt? Iyon ba ang dahilan? Alam ba ni Mama ang lahat? Noong nakita niya si Kurt ay nahimatay siya, hindi iyon dahil sa panghihina niya dahil miss niya si Papa... nahimatay siya dahil nakita niya ang anak ni Papa sa ibang babae.

Paano? Paano ko naging kapatid si Kurt? I saw my father and mother's pictures when they were young. Highschool sweethearts sila at pati noong college sila ay nakita ko ang pictures nilang magkasama. Ang kwento ni Mama ay nagmahalan na sila dati pa lang at hindi na nabago iyon.

Is this right? Am I gonna ambush my parents for answers?

Noong araw na dapat ipapakilala ko si Kurt... ang araw na kinailangan niyang bumalik sa Manila because Quaizel needed him. Was that the Universe's way for stopping us?

Pinatay ko ang cellphone ko dahil hindi ako makapag-isip ng ayos sa mga gusto kong alamin. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung paano aalamin lahat ng sagot...

Pero totoo ba? Totoo bang kapatid ko si Kurt? Sino ang anak sa labas? Ako ba? O siya? My parents are married, does that mean... siya ang anak sa labas? But he's older than me...

I cried nang naalala ko ang sakit sa mga mata ni Kurt nang kinwento niya ang tungkol sa Daddy niya. Naalala ko ang mukha niya noong sinabi niyang gusto niya lang makilala ang Daddy niya... if this is true, then I don't think I can handle this.

My father who loves me very much is the same man who hurt him in too many ways... and I don't think I can handle that...

Niyakap ko ang bag ko at umiyak ng tahimik dahil hindi ko na alam... wala na akong maintindihan. Because I can literally hear some walls crumbling... my world is falling apart.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon