"I'm fine. Hindi naman ako pagod," mahinahon niyang sabi pero nakita ko sa mga mata niya ang pagod. Simula kasi nang natapos ang Halloween ay nagsimula na silang mag-practice muli para sa Christmas Party. Hindi naman sila pwede tumanggi dahil iyon ang requirements nila, samantalang ako ay magpapaka-busy na lang muli sa mismong event.Hindi ako nagpasa ng designs para sa outfit nila Kurt for this event, mas magfo-focus ako sa paghahanap ng company kung saan ako pwede mag-OJT dahil iyon ang kailangan ko. At kung isasabay ko ang event ay baka mas malala pa kay Kurt at Elias ang magiging itsura ko.
"Dali na. Magpahinga ka na. Kanina nga si Elias ay nakakatulog na sa upuan--"
"I'm not him," madiin niyang sabi sa'kin na nginiwian ko lang.
"Gusto ko lang magpahinga ka. Labas na lang tayo sa susunod na araw. Ipahinga mo na muna katawan mo. Bukas ay may practice nanaman kayo mula umaga hanggang gabi ulit. Kung di ka magpapahinga ngayon ay baka magkasakit ka pa," mahaba kong litanya sakaniya na parang hindi niya pinakinggan dahil ang layo ng isinagot niya sa'kin!
"Siguro mas gusto mo makasama si Elias," kumunot ang noo ko at halos hambalusin siya dahil para siyang ewan.
"Bakit naman nadamay si Elias dito?" Tanong ko pero inirapan niya lang ako at inayos ang polo shirt niya. Hinubad niya iyon! Sa harapan ko!
Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin sakaniya pero halos maramdaman ko ang init ng katawan niya, dahil bumaling siya sa likuran namin para ata makakuha ng isa pang damit. Pasimple kong sinulyapan ang katawan niyang nangingintab ngayon sa pawis, and oh dear! Ang bango bango niya kahit na may pawis siya! Ang unfair! Bakit kapag ako pinawisan ay amoy pawis ako? Bakit siya parang pwedeng maging pabango ang pawis? O dumikit lang ang pabango niya sa katawan niya?
"Bilisan mo nga!" Sigaw ko sakaniya pero mas binagalan niya pa ang kilos niya! Kumuha siya ng isang sandong puti pero hindi niya sinuot! Isinampay niya lang iyon sa balikat niya! "Mukha kang driver dahil may nakasabit diyan sa balikat mo! Isuot mo nga!"
"Pupunasan ko pa ang pawis ko," nakangisi niyang sabi sa'kin pero halos tusukin ko siya ng mga tingin ko, at dahil alam kong hindi effective iyon ay tumingin na lang ako sa labas.
"Bilisan mo na," sabi ko ulit.
"Sus, gusto mo lang si Elias--"
"Ano bang kinalaman ni Elias dito?" Nilingon ko siya at kinurot na ang ilong niya dahil alam kong nagseselos siya sa hindi ko naman alam na dahilan!
"Naguusap kayo ng seryoso kanina! Ni hindi mo ako tinignan noong kumakanta ako, nasa sakaniya lang ang atensyon mo. Tapos noong natulog siya ay nag-drawing ka naman," sabi niya sa'kin.
Nagawa pa niyang lumapit sa'kin habang sinasabi iyon, and oh my freaking gosh! He's still topless in front of me! This isn't the first time I saw him topless, peeo ito ang first time simula noong inamin ko sa sarili kong mahal ko siya! At hindi siya masaya sa feeling!
"Hmm? Bakit wala kang masagot?" Napakurap pa ako ng ilang beses dahil sa lambing ng boses niya. Ang kaliwang kamay niya ay itinukod niya sa pinto ng sasakyan na nasa gilid ko, habang ang isang kamay niya ang hinahaplos ang pisngi ko.
"Ano, Tiffania? Do you like his company than mine?" Tumagal ang tingin ko sa labi niyang kakatikom lang dahil sa tinanong niya. Ano ngang tinanong niya? May tinatanong ba siya?
Iniangat ko ang tingin ko sakaniya at nakita kong nasa labi ko rin ang tingin niya. Naramdaman ko ang pagiinit ng buong mukha ko sa nakita ko, pero hindi ko inalintana iyon. I wanna kiss him. Right now.
Inilapit ko ang bibig ko sakaniya pero agad niyang ibinalik ang katawan ko sa pwesto ko at siya ang lumapit sa'kin, hindi para halikan kundi para kausapin ako! Sa ganitong distansya, Kurt?!
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomansaOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...