Chapter 48

364 23 5
                                    

"Gusto mo bang umuwi na muna ako?" Natigilan ako sa tanong ni Mama sa'kin pagtapos kong ikwento sakaniya lahat. Lahat ng nangyari sa'kin nitong mga nakaraang buwan.

"No, Ma. Ayos na po sa'kin na nakausap kita at nasabi ko lahat," nakangiti kong sagot sakaniya.

Ang mga lungkot at sakit na nararamdaman ko ay nawala na parang bula. Lahat ng naiisip kong pangit na bagay ay napawi mula nang kinwento ko kay Mama. Iyong tipo na sa tuwing nagkekwento ako ay nawawala ang sakit sa mga kwento na iyon. Maybe that's the power of my mom. Iyong masasabi kong kahit anong mangyari ay may isang tao na makikinig sa'kin sa lahat.

"Sigurado ka ba, Tiffany? Pupwede kong ipasabi sa Papa mo na uuwi na muna ako para makasama kita," suhestyon niya and it's very tempting! "Sa tingin ko kaya ka nagkakaganyan ay masiyado ng matagal ang hindi natin pagkikita."

I pouted when she told me that. I think that's true. Ito ang unang pagkakataon na ilang buwan ko na siyang hindi nakikita at hindi ko pa siya nakakausap araw-araw. I want to see my mom. I want to hug my mom. That's why everything is making me cry. I'm missing them so damn much.

"Mama naman," sabi ko sakaniya habang binubunot ang mga damo na nasa paanan ko.

"Namimiss ko na ang baby girl ko," tumawa ako kahit na parang may panibagong karayom ang tumutusok sa puso ko ngayon.

"Miss ko na rin kayo ni Papa, Ma," sagot ko sakaniya.

"Kung aalis ako ngayon dito ay baka bukas, nandiyan na ako sa Maynila," nanlaki ang mga mata ko at agad siyang pinigilan sa balak niya.

"Ma, ayos lang po ako. At magiging busy rin naman po ako."

"You're not fine, Tiffany. Tignan mo ang nangyayari sa'yo--"

"Ma," pigil ko sakaniya. Kung uuwi siya sa probinsya at pupunta sa Manila at gusto kong magtagal siya. Ayoko nang saglit lang. Ayoko nang panandalian lang. I miss her so much na pakiramdam ko kulang kahit ang isang linggo na kasama siya.

"Ayos lang po talaga ako. Pangako! At saka mago-OJT na 'ko, Ma. Hindi rin po tayo gaano magkikita," sabi ko sakaniya.

Huminga siya ng malalim kaya ngumiti na ako. That's her sigh of defeat, and I just won. Itinigil ko ang pagbubunot ng damo para pagmasdan ang kamay kong nagkaroon na ng lupa.

"Anak..."

"I miss you so much, Ma. Pero kailangan ko na pong patayin ang tawag," malambing kong sinabi sakaniya.

"Siguraduhin mong hindi mo pinapabayaan ang sarili mo, 'nak," malungkot niyang sabi. At sa ganoong pagkakataon ay naiimagine ko na ang itsura niya.

Niyakap ko ang mga binti ko at sinubsob ang mukha sa tuhod.

"Opo, Mama. Kayo rin po ha. 'Wag niyo pong papabayaan ang sarili niyo. I love you po, at pakisabi na rin kay Papa na miss na miss ko na siya."

"Sasabihin ko, Tiffany. Itext mo ako palagi ha? May signal na sa tinutuluyan namin."

Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Pinutol na namin ang tawag namin pero ang ngiti sa mga labi ko ay hindi na nawala kahit na noong tumingala ako at napansin ang kulay kahel na langit.

Kung nasa probinsya ako at nakaupo sa hill ay malamang mas makikita ko ang kabuoan ng langit na 'to, pero dahil nasa Manila ako ay maraming mga matatayog na gusali na humaharang sa langit.

Ilang minuto kong pinagmasdan ang langit habang naaalala ang mga nangyari noong nasa probinsya pa kami. Pigilan ko man ang sarili ko ay hindi ako magtagumpay sa pagalala kung paano kami unang nagkakilala ni Kurt.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon