Chapter 42

935 36 6
                                    



"Magkamukha na kayong dalawa!" Sigaw ni Dylan nang nakita niyang sabay kaming pumapasok ni Kurt papasok ng auditorium.

Sina Elias at Harold na nakaupo sa stage at naguusap ay lumingon sa gawi naming dalawa. Halos mabatukan ko si Dylan sa lakas ng boses pero tumakbo ako papunta sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh my ghad! Namiss kita, Dylan!" Gigil kong sabi sakaniya pero si Dylan ay nanigas sa kinakatayuan dahil sa biglaan kong pagyakap sakaniya.

Tumawa si Kurt na nasa likuran ko at nakipag-high five kay Dylan. Kumalas ako sa yakap at pinagmasdan si Dylan na mas gumwapo ngayon. Bagong kulay ang buhok niya, naging dark brown ito at hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi hawakan ang buhok niya.

"Gumagwapo ka Dylan, a," puna ko sakaniya pero ngumiti siya at tumingin kay Kurt na nakataas ang kilay at pinagmamasdan kaming dalawa.

"Sorry, dude. Crush na ata ako ni Tiffany," ngumiwi ako sakaniya at inirapan bago bumaling kay Elias at Harold na kumaway sa'kin. Kumaway ako pabalik pero hindi ko tinignan si Elias na alam kong nakatingin sa'kin dahil ramdam ko ang titig niya.

Ilang araw na ang lumipas mula noong hinatid niya ako sa dorm at hindi ko na siya makausap pagtapos noon. Nahihiya ako at medyo naiilang dahil sa mga sinabi niya sa'kin.

He told me I'm loosing my self-esteem... he told me to not lose myself while loving someone else. Napaisip ako dahil paano niya nasabing nawawala ang self-esteem ko kung hindi naman niya ako kilala? Paano niya nasabing nawawala ko ang sarili ko habang minamahal ko si Kurt kung wala naman siyang alam tungkol sa'kin? Napapaisip ako dahil sakto ang mga sinasabi niya sa'kin.

"She likes animals. Maybe the reason why she's so fond of you," tumawa ng malakas si Harold dahil sa isinagot ni Kurt kay Dylan. Ngumisi na lang si Dylan at umiling bago sinuklay ang buhok niyang bumagay sakaniya. Bagay na bagay sakaniya ang kulay ng buhok niya.

Tumagilid ang ulo ko habang pinagmamasdan siya. Lumaki ang built ng katawan niya at mas gumanda ang tikas niya, pati rin ang pananamit niya ay kakaiba na rin. I don't know! There's something different about him!

"Hindi lang pala sa babae applicable ang gumaganda kapag nasasaktan, ano?" Tinignan ako ng masama ni Dylan pero nakabawi rin siya kaagad sa'kin.

"Palagi mong kasama si Kurt, konti na lang magkakapalit na kayo ng mukha."

"Inggit ka ba?" Tanong ko sakaniya ng pabiro. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Namiss din kita," sabi niya. "But I have to go."

Sumimangot ako sa sinabi niya. Aalis siya kaagad? Kakarating lang ah?

Naramdaman ko ang kamay ni Kurt sa baywang ko kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa'kin pero nawala ang tingin niya nang mag-ring ang phone niya. Sinagot niya iyon at binalik ang tingin sa'kin.

"Hello?" Malalim ang boses niya nang sinagot ang tawag. Ibinalik ko ang tingin ko kay Dylan dahil ayokong pakinggan ang paguusap ni Kurt at ng kausap niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Internship. Magsisimula na ako," nagulat ako sa sinabi niya.

"Talaga?" Tanong ko sakaniya. "Ang aga! Tatlong buwan pa ah?"

Ngumiti siya at pinagpagan ang pantalon niya nang tumayo na siya ng ayos.

"Kailangan kong ayusin lahat para next month requirement na lang ang aasikasuhin ko," sabi niya. We still have months for that. Gusto ba niyang maka-graduate ng mas maaga?

"Dy..." tinapik niya ang balikat ko at naglakad na paalis ng auditorium.

"I still have practice, mom, but..." inalis ko ang kamay ni Kurt sa baywang ko para makaupo ako sa stage pero agad niya akong hinila palapit sakaniya.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon