Chapter 33

1K 46 10
                                    


Dinungaw ko ang cellphone ni Nate para makita ang sinasabi niya kay Maxine. Kaso wala naman akong napala dahil ang simple lang ng sinabi niya kay Max.

Nate:
Yep. How are you?

Ngumiti ako at nilingon si Nathan na kinukumusta ngayon si Maxine. Mas close talaga ang dalawa kaysa sa'ming dalawa ni Nathan, pero dahil nagkagusto si Maxine kay Nate ay mas pinili niyang lumayo rito kahit papaano na naging dahilan kung bakit naging close din kaming dalawa ni Nathan ng sobrang tight.

"Uyy! Sobrang ganda ni Maxine ngayon," sabi ko sakaniya pero ngumisi lang siya sa'kin.

"I heard," simpleng sagot niya. At dahil kaming dalawa lang naman ang nandito ay tatanungin ko na siya tungkol kay Maxine.

Ilalakad ko na lang si Maxine kay Nathan para mabawasan naman ang galit sa'kin noong bestfriend kong baliw na 'yun. I am mad at her, too, but I love her kaya gagawin ko ang bagay na magpapasaya sakaniya.

"May tanong ako sa'yo," sabi ko sakaniya. Agad niyang binaba ang cellphone niya at nilingon ako para ibigay sa'kin ang buong atensyon niya.

"Ano?"

"Hindi ka ba nagkagusto kay Maxine?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko pero ngumiti lang siya ulit.

"You know all of people kung sino ang gusto ko," sagot niya sa'kin pero nginiwian ko lang siya.

"And that's like two years ago. Don't tell me you haven't moved on from me?" Ngumisi siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Why, Tiffany? Have you realized that you like me, too?" Hinawakan ko ang pisngi niya para mailayo ang mukha niya sa'kin.

"Shut up, Nathan. Dali na, seryoso na ako," tumawa siya ng malakas pero umupo siya ng ayos at tinignan ako muli.

"Okay. Ano nga ulit tanong mo?" Umirap ako sa tanong niya pero inulit ko rin naman ang tanong ko.

"Nagkagusto ka ba kay Maxine?"

"Nagseselos ka ba?" Kinurot ko na siya sa braso dahil hindi niya ako sinasagot ng ayos at inaasar pa niya ako.

"Nathan naman, e!" Tumawa siya lalo at nang sinubukan niyang kurutin ang pisngi ko ay pinalo ko na agad ang kamay niyang hahawakan ang pisngi ko.

"Pero hindi nga, Tiff. Hindi mo talaga ako nagustuhan?" Inirapan ko siya dahil sa tanong niyang iyon.

"I like you, pero hanggang doon lang. Hindi ko alam, siguro kasi para na kitang kapatid," diretso kong sagot sakaniya.

"Ouch!" Sabi niya at nagkunwari pang sumakit ang puso dahil sa sinagot ko.

"Ewan ko sa'yo! Baliw!" Sabi ko sakaniya bago tumayo at pumwesto na sa pwesto ko kanina. Tumatawa siya habang pinagmamasdan akong lumilipat ng upuan kaya ako naman ay todo pigil sa sarili na hampasin siya muli.

"Eh paano kapag niligawan kita ngayon?" Tanong niya sa'kin. Bumugtong hininga ako at sinalubong ang mabigat na titig sa'kin ni Nathan.

"I'm sorry..." seryoso kong sagot sakaniya. Sumandal siya sa sandalan at nag-crossed arms habang nakatingin pa rin sa'kin.

"You already like someone else," nakangiti niyang sabi sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa mga plato na nasa lamesa dahil sa sinabi niya.

"Yes, in fact I need to go home," sabi ko sakaniya at tumayo na dahil naalala kong hindi ko sinagot lahat ng texts at mga tawag niya sa'kin.

"Right now? Okay. Just wait for me here," tumayo siya at lumapit sa counter para may sabihin. Nakita ko kung paano ngumiti sakaniya ang staff doon at may iniabot pang isang bouquet ng bulaklak.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon