Chapter 39

1K 34 4
                                    



"Ay oh! Iba na talaga ang blooming!" Inirapan ko kaagad si Andrew na inasar ako pagpasok ko ng classroom. Nang dahil sa sinabi niya ay pati ang mga kaklase namin ay nilingon ako.

"Tigilan mo nga ako!" Saway ko sakaniya at umupo ako sa katabi niyang upuan. This is my last subject for today, pero itong katabi ko ay mukhamg first subject niya kahit hindi naman.

"Ganda ng buhok natin ngayon, a. Anong secret?" Tinaliman ko siya ng tingin dahil mukhang walang balak tumigil.

"Kaysa buhok kong nilagyan ko lang naman ng conditioner at sinuklay ng paulit-ulit kaya maganda ang pansinin mo ay sagutin mo ang tanong ko. Bakit ka absent? Mabuti naman at naisipan mong pumasok, ano? Sa huling subject?" Ang ngiti kanina sa mukha niya ay nawala at sinimangutan pa ako.

Aba! Ang baklang ito ay nagiinarte pa, ano nanaman ba ang nakain nito? Ni hindi ko na nga siya makita lately tapos ganito pa. Come to think of it, hindi na talaga kami nagkakatagpo nila Crystal! Kung hindi kami classmate sa ibang subjects ay hindi ko na talaga siya makikita! Hindi ko alam kung dahil ba sa naging madalas ang lakad namin ni Kurt o busy rin talaga si Crystal? At itong si Andrew? Hindi ko alam!

"May binabahay ka ng lalaki ano?" Bulong kong naging dahilan kung bakit halos matusok ako sa tulis ng tingin niya. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sungit ng tingin niya. What is it now?

"May inaasikaso lang ako," simpleng sagot niya. "Nakausap mo na ba si Tita Minerva?" Tanong niya.

Tumango ako roon at ngumiti pa ng malapad. Pinagmasdan niya ang ngiti ko na para bang natatakot siyang isang araw ay mawala na lang bigla iyon. Ipinagkibit balikat ko na lang at nagawa pang isandal ang ulo sa balikat niya.

"Nakatanggap na raw ng balita si Mama na ayos na si Papa, so maybe... makakauwi na sila pagtapos ko sa OJT ko," sagot ko sakaniya.

Hindi siya sumagot kaya iniangat ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin siya sa pintuan. Lumipad doon ang tingin ko at nakita kong dumaan si Crystal.... kasama ang... oh my ghad!! She's with Nadine!!

Pinanggigilan ko ang braso ni Andrew dahil sa nakita ko at halos magwala ako sa ngitian noong dalawa!

"Bati na sila, Ands! Bati na sila!" Balita ko sa baklang katabi ko na inirapan lang ako.

"Yeah. At kung mapapansin mo, invisible na tayo kay Crystal dahil ayos na sila," ngumiwi ako sa bitterness ni Andrew. Agad ko siyang kinurot sa braso para matigil ang iniisip niya.

"Ang seloso mo! 'Wag ka ngang ganyan. Let's look at the brighter side! Ayos na sila, unti-unti nang gumagaan ang buhay ni Crystal. Lately kaya si Aldein na ang kasama niya!" Kwento ko sakaniya pero nagkibit balikat lang siya.

"How about Dylan?" Tanong niya. Iyan din ang tanong ko pero if Dylan let Crystal go dahil alam niyang mas sasaya doon ang kaibigan namin, then I salute that man.

"He let her go," simple kong sagot.

"I don't think I can do that. Kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat. Lahat-lahat para maibaling sa'yo ang atensyon," nangalumbaba siya at tumingin sa bintana para hindi na ako matignan muli.

"Paano kung ayaw sa'yo ng tao?" Tanong ko.

"If she hates me, then that's good. There's a very thin line between love and hate, Tiff. Kaya kahit hate ako ng tao ay ikakatuwa ko na, I think it's easier to make that person to fall in love with me."

Literal na naramdaman kong nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganoon ang iniisip niya, hindi ko alam na mas gugustuhin niyang gamitan ng kabaliwan ang isang tao para makuha niya ito. This gay is very dangerous.

One Word, Two SyllablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon