--
"TIFFANY SANTOS!!!!!" Tinakpan ko agad 'yung mga tenga ko nung narinig ko 'yung sigaw ni Mama galing sa kusina. Ano nanaman bang ginawa ko!?
"Po?" Naglakad agad ako sa kusina dahil parang agaw-buhay 'yung sigaw ni Mama.
"Hwag mo kong bigyan ng ganyang muka!" Sigaw nya ulit. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti kahit hindi naman ako nakasimangot.
"Bakit po ba?" Tanong ko.
"Maghuhugas ka na lang ng plato, hindi ka pa marunong?! Ano ka bang babae ka?! Ilang beses ko bang sasabihin na punasan mo muna bago mo ilagay sa lalagyanan! Apat na plato 'yung ginamit natin kanina! Bakit nabasag nanaman 'yung isa?! Sa tuwing ikaw ang naghuhugas ng pinggan palaging may nababasag!" Napairap ako sa sinabi ni Mama.
"Hindi ko naman po sinasadya." Sabi ko sakanya.
"Hindi excuse na hindi mo sinasadya! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama dito, binibigyan mo pa ko ng sakit sa ulo." Reklamo niya sakin, naglakad ako palapit sakanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Sorry na poooo." Bulong ko sakanya habang nakayakap ako.
Hindi naman kasi ganito si Mama, malambing sya at hindi sya nagagalit kahit nakakabasag ako ng pinggan. Ayaw nya rin kasi na naghuhugas ako ng pinggan, sinanay nya ko na hindi masyadong naglilinis ng bahay. May asthma kasi ako kaya natatakot siya na mapagod ako, claustraphobic ako kaya hindi niya ko hinahayaan na maglinis sa mga masisikip na lugar.
'Yung galit ni Mama ngayon, kaya lang naman siya nagkakaganyan kasi hindi pa bumabalik si Papa simula nung nagpaalam siya kay Mama last last month. Nasa school ako nun. Nasa Manila ako kaya hindi ko alam 'yung buong istorya. Tumawag na lang sakin si Mama na umalis daw si Papa.
Summer ngayon kaya nandito ako sa bahay namin at sinasamahan si Mama.
Humigpit lalo 'yung pagkakayakap ko kay Mama nung napahikbi siya. Simula nung umuwi ako dito, nakita ko kay Mama 'yung lungkot. Mahal na mahal niya si Papa at nakakalungkot kasi dalawang buwan na pero wala namang balita tungkol kay Papa.
"Gusto.. mo bang hanapin si Papa?" Tanong ko sakanya. Bigla siyang huminto sa pag-iyak at tumingin sakin. Ngumiti ako sa mama ko. Mahal niya si Papa, gusto niyang hanapin si Papa at hindi ko alam kung bakit ayaw niyang gawin.
Tinulak nya agad ako palayo sakanya at tinaasan ako ng kilay. Aba? Ano bang nangyayari sa nanay ko at tinatarayan ako?
"Kapag hinanap ko ang papa mo, sa tingin mo sinong kasama mo dito? Hindi ito Maynila. Wala dito ang kaibigan mo." Nag-crossed arms lang ako at tinignan si Mama. "Tsaka.. saan ko hahanapin ang papa mo?" Nakita ko nanamang malungkot siya kaya tumalikod nalang ako at nilinisin 'yung sinasabi niyang linisin ko. Tsk.
"Kaya ko naman po ang sarili ko. Hanapin nyo na si Papa kaysa nagkakaganyan kayo dito." Narinig ko nanaman siyang umiyak kaya napailing nalang ako, pero hindi ko rin natiis at tumingin ako kay Mama.
Kung wala sigurong alitan sa pagitan namin ni Maxine baka madali naming nahanap si Papa, pero kasi.. Ugh! Wala!
"Anak.." Tinuloy ko na lang 'yung ginagawa ko at tinapos ng mabilis. Kahapon lang ako nakauwi dito galing sa Maynila at simula kahapon hanggang ngayon, nagkakaganyan si Mama.
Pagkatapos kong gawin 'yun ay naglakad na ko pabalik sa sala at kinuha ang aso ko. Ikinabit ko sa collar niya 'yung tali at nagpaalam kay Mama na lalabas muna ko. Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin niya dahil hinatak ko na agad si Barney palabas ng bahay.
"Ang landi mo, Barney." Sabi ko sa aso kong malanding naglalakad. Talagang winawagayway 'yung buntot at talagang ginagalaw niya 'yung bewang nya. Kumbaga sa tao, tao na kumekendeng habang naglalakad.
Bagay na bagay sakanya 'yung pangalan niya. Malanding aso. Tss.
"Oh, Tiffany. Kailan ka pa nakadating?" Huminto ako at sinagot ang tanong ng kaibigan ni Mama na si Tita Berna.
"Kahapon lang ho." Sagot ko. Tumango naman siya at ngumiti sakin.
"Magtatagal ka ba dito?" Tanong niya ulit.
"Opo. Wala naman po akong summer class ngayon kaya opo." Sagot ko.
"Anong year mo na nga ba?"
"Fourth year po sa pasukan." Tumahol ng tumahol si Barney at nahirapan akong hawakan siya dahil pinipilit niyang kumawala sa tali niya. "Barney!" Saway ko sa aso kong makulit pero hindi ako pinansin. Tinignan ko 'yung tinatahulan niya at nakita kong puro puno lang.
May nakikita ba 'to na hindi ko nakikita? Utang na loob! Tanghaling tapat, Tiffany! Wag mong takutin sarili mo!
"Tutal, nandito ka nalang din naman.. pwede bang ikaw ang maging Reyna delas Flores sa dadating na Mayo?" Pinigilan ko ang sarili kong kumunot ang noo dahil ayoko ng sinabi niya.
"Ahh. Hehe. Salamat po, pero kasi.. kasi po ano.." tumingin siya sakin habang nakangiti. Goodness, anong sasabihin ko? Tsk. "K-kasi po baka umalis kami ni Mama sa Mayo, k-kaya di ko po alam. Pasensya na po." Anong sinasabi ko?!
"Ay ganun ba? O sige. Tatanungin ko nalang ang mama mo."
"Ha? Po?! Ahh... okay po." You're dead Tiffany! You're soooo dead!
"O siya, nasa inyo ba ang mama mo?" Tanong niya.
"Opo." Sagot ko. Nagpaalam na siya at dadaanan niya raw muna si Mama bago siya pumunta sa asawa niya na kapitan ng baranggay namin.
Maglalakad na sana ko pero biglang dumulas sa kamay ko 'yung tali ni Barney kaya mabilis akong tumakbo para kunin 'yun, pero hindi ko mahabol.
"BARNEY!!!" Sigaw ko sakanya pero hindi man lang siya tumigil. Ugh!! Napaka-epal talaga ng aso na 'to! "BARNEY!!" Sigaw ko ulit habang tumatakbo! Dyusko naman!
Hinawi ko 'yung mga halaman na nadadaanan ko pero sumabit 'yung hita ko sa isang matulis na sanga kaya ako nagkasugat. Ugh! Barney naman eh!! Pakiramdam ko tuloy paglabas ko dito duguan na ko!
Tumakbo ulit ako para mahawakan 'yung tali ni Barney pero mabilis siyang tumakbo ulit. Ano ba naman 'tong aso na 'to?!
Sinundan ko lang 'yung walanghyang aso ko dahil sobrang napapagod na ko. Medyo makati na mahapdi pa yung hita ko. Tsk. Ang habang sugat nito! Sasapakin kita, Barney!
Tumingin ako sa paligid dahil nakita kong hindi pamilyar 'yung lugar na 'to. Puro bermuda grass ang nasa sahig at may isang malaking puno sa gitna. Oh ghad. Anong lugar 'to?
Naglakad pa ako muli at ngumiti dahil ang dinaanan namin ni Barney ay ang isang daanan papunta pala dito sa hill, kung bakit alam ni Barney 'yun ay hindi ko alam.
Humangin ng malakas kaya hinawakan ko 'yung buhok ko pero naglakad na ko papunta sa may puno dahil nakita ko 'yung buntot ni Barney dun.
"Barney!" Sigaw ko at kinuha si Barney. "Napaka mong a...so.. ka.. OH MY GHAD?!" Napaatras ako at napaupo sa sahig na nauna pa 'yung pwetan ko. Ouch!!
Napasigaw ako nung humarap siya sakin. Mabilis kong nilagay ang mga kamay ko sa bibig ko habang dinuduro-duro siya.
"M-miss.." tinakpan ko na 'yung mata ko. Ghad! My eyes! My virgin eyes!
"Manyak ka! Bakit mo pinakita sakin 'yang.... 'yang..."
SHIT! BAKIT BA PUMUNTA SI BARNEY SA LALAKING UMIIHI?! GANUN NA BA SYA KALANDI!? UGH!!!
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...