Hinayaan kong humiga sa tabi ko si Barney habang nagpapatuloy ako sa pagddrawing sa sketch pad ko. Hindi rin naman malikot si Barney kaya hindi ko na siya kailangan pagsabihan nang paulit-ulit. Mabuti na lang at hindi siya makulit ngayon dahil medyo nararamdaman ko talaga ang bigat ng ulo ko, at ang pagiinit ng pakiramdam ko.Naririnig ko mula sa pwesto ko ang tugtog at mga tunog ng sapatos nina Kurt habang nasa stage sila, nang hindi ko na napigilan ang sarili ko ay iginilid ko na ang sketchpad at lapis para panoorin sila.
"Harold is so hot," bulong ko sa sarili nang nakita ko si Harold na sinusubukan muli ang steps na tinuturo ng choreographer niya.
Nakasuot siya nang maluwag na itim na sando at gray na jogger pants, ang cap na nasa ulo niya kanina ay nalaglag sa stage kaya ang malago niyang buhok ay sumabog ng kaunti sa mukha niya.
Kinagat ko ang labi ko nang napansin ko ang sexy na galaw ni Harold sa paghawi ng buhok niya. Sa paghawi niyang 'yun ay nakita ko ang chinito niyang mga mata na seryosong nakatingin sa choreographer at tumatango. Ang mahaba niyang ilong ay kapansin-pansin pa rin kahit na malayo ako sakaniya, pati ang mga labi niyang namumula na dahil sa pagbasa niya rito.
"Damn, this man is so perfect," bulong ko muli. Narinig ko ang bugtong hininga ni Barney sa gilid ko pero hindi ko siya tinignan. Nagiinarte nanaman ang asong 'yan, kaya bahala siya diyan.
Pinagmasdan ko ang malambot niyang buhok na gumegewang habang sumasayaw siya, pababa sa mukha niyang sobrang seryoso at focus sa ginagawa, hanggang sa katawan niyang malayang gumagalaw. Napasinghap ako nang nakita ko ang galing niyang sumayaw.
"Shit. Ang gwapo, pucha!" Gigil kong bulong sa sarili ko. Kung sino man ang girlfriend nitong si Harold ay napaka-swerte! Ang gwapo-gwapo niya!
Pang-ilang beses ko ng sumama sa rehearsal nila Kurt, pero hindi pa rin ako nagsasawa sa panonood kay Harold. Ang gwapo niya talaga sa tuwing nagsasayaw siya. Damn! Ang galing niya talaga! Kinikilig ako habang pinapanood ko siyang gumalaw sa stage!
"Ay ang gwapo mo!" Sigaw ko nang may biglang kumalabit sa tagiliran ko. Nilingon ko ang gumawa noon at nakita ko si Kurt na nakaupo sa tabi ko habang umiinom ng tubig.
"What do you want?" Mataray kong tanong sakaniya.
"Don't stare too much. Nararamdaman niya 'yang titig mo," sabi niya habang tinatakpan ang bote niya. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan bago kuhanin muli ang sketch pad sa gilid ko.
"I'm not staring, I'm just... watching him," sagot ko kay Kurt pero nagkibit balikat lang siya sa gilid ko.
Magddrawing na lang ako dahil itong katabi ko ay masyadong panira ng mood, kaso mukhang nangaasar pa dahil lumapit pa siya sa'kin at pinagmasdan ang dino-drawing kong design. Not now, Kurt. I'm irritable.
"Lumayo ka nga," saway ko sakaniya na hindi naman niya pinakinggan. At ang kapal pa ng mukha niyang hawakan ang dino-drawing ko!
"Hey! Back off! Madudumihan ang papel!" Tinapik ko ang kamay niyang humahawak sa papel at tinulak pa siya ng kaunti palayo sa'kin.
"My hands are clean," depensa niya pero maski na! He's sweating kaya!
"You have a nice taste," sabi niya nang umayos siya ng upo at pinagmamasdan pa rin ang drawing ko. "That's beautiful."
Nakataas ang kilay ko habang tinitignan siyang nakatingin pa rin sa sketchpad ko. Hindi chinito ang mga mata niya, pero ang ganda pa rin tignan. Malalim ang mga ito na sa tuwing titignan ka ay para kang minumura sa isip. Masyadong masungit ang itsura niya na minsan ay nakaka-intimidate kapag tumatagal ang titig niya sa tao, kaya minsan kahit nakangiti siya sa tao ay nakakatakot pa ring salubungin ang mga titig niya. Harold is sexy, but this Kurt Villavilauz is hot.
BINABASA MO ANG
One Word, Two Syllables
RomanceOne hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa karangyaan ay pinalad naman siya sa kaniyang mga magulang at wala na siyang balak hilingin pa, pero...